Ginwa ko 'to noong February 07, 2011.
Ano nga ba ang pag-ibig ? Ito ba ay nakakabusog tulad ng isang pagkain o ito ay nakakasugat tulad ng isang bagay na matulis?
Para sa akin ang pag-ibig ay maihahalintulad sa isang pagkain, may masarap at kung minsan naman ay may hindi, isa rin itong matulis na bagay na maaaring makasakit sa iyo at kung minsan maaaring pumatay ng iyong pagkatao.
May mga nagsasabing ang pag-ibig daw ay hindi isang mainit na kanin na kapag ito'y iyong isinubo at ika'y napaso maaari mo 'tong iluwa ( at tiyak na kadiri! :p ). Ang pag-ibig ay parang isang kasal na dapat sa iisang tao mo lang ito mararamdaman hindi iyong kailangan mo pang maguluhan at mamili sa kanilang dalawa.
Ang pag-ibig ay parang isang bulaklak na kapag ito ay namumukadkad ito'y talaga namang napakaganda, minsan mo lamang ito maramdaman at dapat sa taong karapatdapat ( dapat dapat :D ). Kapag naramdaman mo na ito para kang nakadroga at animoy idinuduyan ka sa langit, hindi mo kayang pigilan at mas lalong hindi mo kayang turuan ang iyong puso kung sino ang dapat na mahalin nito, minsan pa sa dinami-rami ng tao dun pa sa pinaka-ayaw mo yung talagang nararapat sayo kahit pa sabihin mong isinusumpa mo siya na kahit siya na lang ang ang-iisang tao dito sa mundo hindi mo siya magugustuhan, 'yung talagang suklam na suklam ka sa kanya halos masuka ka na, sabi kasi nila "the more you hate, the more you love" ( tsk. tsk. tsk.) pero kahit anong gawin mong tanggi deep inside kinikilig siya ( aminin !!!! ).
Ang pag-ibig walang langit at lupa, walang gwapo, maganda at pangit basta kapag naramdaman mo gora ka na lang! hindi ito isang laro na kapag nataya ka at naburot ay iiyak ka sa isang sulok dahil nagpadala ka sa kanila, inansorb mo na lahat ng kaapihan ( martyr ka na teh ! )
Pero hindi mo ba naisip na ganoon talaga ang tunay na pag-ibig ? siguro hindi nga kasi sa palagay ko natanong mo na rin yan sa iyong sarili :)
Mararamdaman mo na lang kasi 'to sa di inaasahang panahon, lugar at higit sa lahat sa di inaasahang tao, maaaring katabi mo na pala siya tumitingin ka pa sa iba, nirereto na sayo "choosy ka pa", maaaring abot kamay mo na siya o kayo na pinakawalan mo pa.
HAYYY .. !! pag-ibig nga naman , nakakabaliw ngang talaga minsan hindi mo maintindihan .
BINABASA MO ANG
MALAYANG TALUDTURAN
PoetryNang magsimulang magkamuang sa mundo ng pagsulat at imahinasyon. Para bagang nasa isang dimensyon na hindi mo maapuhap kung saang lupalop ng mundo. Isa itong pinagsama-samang damdaming bumubuo sa aking sarili sa bawat araw, buwan at taon. Mga damdam...