December 16, 2010
Pangarap kong maabot ka
Yung tipong kaya ko na ang lahat
Gusto kong ipagmalaki sayo
Na kaya ko ang lahat ng kaya mo
Unti-unti kong aabutin
mga kamay mong kay layo
hahawakan ko ito ng mahigpit
at sabay nating tatahakin
landas na gusto mong tahakin
hiling ko lang sayo
sana hindi ka bumitaw sa
pangarap nating dalawa
ngunit kung hindi mo na kaya
at kailangan mo na akong iwan
bibitawan kita at pakakawalan na.
BINABASA MO ANG
MALAYANG TALUDTURAN
PoetryNang magsimulang magkamuang sa mundo ng pagsulat at imahinasyon. Para bagang nasa isang dimensyon na hindi mo maapuhap kung saang lupalop ng mundo. Isa itong pinagsama-samang damdaming bumubuo sa aking sarili sa bawat araw, buwan at taon. Mga damdam...