Minsan sa buhay natin magmamahal at magmamahal pa rin tayo kahit na ayaw mo. Kahit na sa maling panahon. Kahit na sa maling oras.
Masaya.
Oo.
May mga pagkakataon na magkakatampuhan kayo. May pagkakataon na sobrang saya niyo. Lambingan. Harutan. Sagutan. Awayan. Paiiralin ang pride. Hindi maguusapan ng ilang araw pero may isang susuko na lang. Lalambingin ka ulit tapos magbabati na kayo ulit.
Masaya talaga.
Pero malungkot din minsan.
Dito na papasok sa punto na Hindi na kayo magkakaintindihan. Puro pride chicken na lang ang paiiralin. Mawawalan na lang bigla ng pagmamahal. Dito yung may susuko na talaga Hindi para lambingin ka kundi para layuan ka na.
Magbe-break kayo.
Ikaw nasasaktan pa rin pero siya Masaya na sa iba.
Ang sakit Hindi ba? Pero anong magagawa mo kung ikaw na lang talaga yung nagmamahal.
Pero sa Hindi inaasahang pagkakataon, nakakapag move on ka.
Imagine?!!! Lahat ng sakit na dinala mo. Lahat ng luha na iniyak mo. Lahat ng sama ng loob na Hindi mo masabi sa iba kahit na sa parents mo para di sila mag-alala sayo at para Hindi nila malaman na sobra ka nang nasasaktan kaya mo itinago sa kanila ang buong katotohanan, kaya sinasabi mong OKAY KA LANG.
Tandaan mo magkaiba pa rin ang OKAY KA LANG sa OKAY KA NA kaya Medyo halata ka pa rin. Maybe try harder? :)
Tapos bigla mo na lang marerealize na.
"Ay tyanggala! I'M SO STUPID for being like that!"
Matatawa ka na lang.
Lahat tatawanan mo.
Hindi ka pa totally na nakaka recover pero isang araw may bigla na lang darating sa buhay mo.
Sa Hindi ulit inaasahang pagkakataon. Sa Hindi inaasahang tao. Sa Hindi inaasahang oras at lugar.
Sino bang makakapagsabi na mangyayari yun diba?
Dito na pumapasok sa punto na magugustuhan mo na siya.
KUNG KAILAN Masaya na.
KUNG KAILAN alam mo na na nakarecover ka na sa past mo at siya na.
KUNG KAILAN alam mo na na siya na rin siguro yung sagot kung bakit ka nasaktan dati.
KUNG KAILAN alam mo na, na mararamdaman mo na ulit ang salitang MASAYA at salitang PAGMAMAHAL at BUHAY.
.
.
.
.
.
.
.
May hahadlang....
KUNG KAILAN ayos ka na at siya......
Life is so unfair right?
But I can say that Life is also a challenge so we just need to face it. Together. :)
Haaaay.
Buhay. You're so complicated. :)
Pwede naman sigurong Hindi maging Romeo and Juliet ang love story mo pero Hindi maiwasan. Forbidden love lang ang trip sa love life? Kailangan maging mala TELESERYE ang buhay pag-ibig mo? Para ring pang wattpad kasi ang daming struggles pero what to do? Ganoon talaga ang buhay. Maraming pagsubok.
Pasasaan din at matatapos din ang paghihirap at lungkot na nararamdaman at saya at ngiti na ang masisilayan.
*cross finger
-Ginawa ko 'to nung birthday ko. HAHA. Worst birthday yung naramdaman ko dati nun na hindi ko naman maintindihan ngayon kung bakit siya naging worst? HAHAHA.

BINABASA MO ANG
MALAYANG TALUDTURAN
PuisiNang magsimulang magkamuang sa mundo ng pagsulat at imahinasyon. Para bagang nasa isang dimensyon na hindi mo maapuhap kung saang lupalop ng mundo. Isa itong pinagsama-samang damdaming bumubuo sa aking sarili sa bawat araw, buwan at taon. Mga damdam...