July 14, 2015
Paano kung magustuhan na kita?
Ililigtas mo ba ang kalahati ng buhay ko sa hukay ng nakaraan ko?
Paano kung magustuhan na kita?
Iiwan mo rin ba ako katulad nila?
Nakaahon na ako sa nakaraan ngunit ang sugat pala ay nagkaroon ng marka.
Marka na nagpapaalala na ako'y nasaktan.
Marka na pwedeng maging pang-habang buhay.
Marka na nagiging takot para makapag-isip na hindi na maganda.
Kaya paano na kung magustuhan na kita?
Hindi ko maapuhap ni mahagilap ang sagot na kailangan.
Paano kung mahulog ako sa bitag na ginawa mo?
Sasaluhin mo ba ako o bibitawan rin lang kapag hindi ka pa sigurado.
Paano na?

BINABASA MO ANG
MALAYANG TALUDTURAN
PoesiaNang magsimulang magkamuang sa mundo ng pagsulat at imahinasyon. Para bagang nasa isang dimensyon na hindi mo maapuhap kung saang lupalop ng mundo. Isa itong pinagsama-samang damdaming bumubuo sa aking sarili sa bawat araw, buwan at taon. Mga damdam...