Na sana... Malaman niya.

188 0 0
                                    

Naranasan mo na bang isipin ang mga bagay na pinagsisihan mong hindi mo nagawa sa kanya noong abot mo pa siya? Na sana.....

Sana hinawakan mo ang kamay niya sabay ng paglakad niyo pauwi. Na sana naramdaman mo ang init ng mga palad niyang lumulukob sa palad mong sabik maramdaman na hindi siya bibitiw kailanman.

Sana nasubukan mong ipakita sa kanya na pinagmamasdan mo siya ng palihim para malaman niyang pinagmamatyagan mo siya sa tuwina. Sana naipagluto mo siya ng makakain na gusto niya para malasahan niya yung tunay mong nararamdaman sa kanya. Na maraming salamat sa araw-araw na maliliit na bagay na nagpapakilig sayo kahit na hindi naman dapat(at hindi niya alam kasi hindi mo ipinapaalam).

Sana niyakap mo siya mula sa kanyang likuran kapag hindi niya alam na hindi ka na sumasabay sa kanya sa paglalakad. Na sana naiparamdam mong mahalaga siya sa pamamagitan ng pagkulong mo sa kanya sa iyong mga bisig. Na handa kang ipagdamot siya sa iba.

At...

Sana nasabi mo na mahal mo siya araw-araw kahit na nakikinig siya o hindi man. Na nagseselos ka kapag may kakausapin lang siyang iba kahit na wala kayong masasabing 'kayo' man. Na mahal mo siya ng walang dahilan bukod sa 'siya' lang.

SANA......

Na sana sinasabi mo na lang 'to at ipinapakita sa kanya kaysa isinusulat mo na lang.

Sana alam mo kung paano gawin 'yon sa mga oras na 'to.

MALAYANG TALUDTURANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon