KASALANAN BA?

328 2 0
                                        

August 31, 2010

Minsan hindi mo maiiwasan na nakakasakit ka na pala , pero hindi rin ba niya naisip na nasasaktan ka rin naman, ang iyong nararamdaman sa iba ay nararamdaman rin niya sa iyo, iwawasaksi mo na lang ba ang iyong nararamdaman para sa taong mahal ka, isasakripisyo para lang masuklian ang lumbay na nadarama ng taong nagmamahal sayo? , pero magiging patas ba sa kanya kung siya lang ang nagmamahal at ang isa nama'y may minamahal na iba, mas masakit kung ganoon ang mangyayari, pero ang sabi nila "wala nang mas sasakit pa sa pagiging mag-kaibigan nalang ninyong dalawa", pero hindi nga ba mali sila? sapagkat mas masakit ang nagmamahal ng ikaw lang at iba naman ang tinitibok ng puso ng iyong mahal. 

Ano bang mas magandang pillin? tanggapin siya kahit na walang pag-asang mahalin mo siya kahit na madali siyang mahalin o piliin na lang na masaktan kayong pareho dahil ang totoo maski ikaw ay nahihirapan na ng todo. 

Kasalanan bang magmahal ka ng todo ngunit sadyang sa maling tao?

Kasalanan bang nahihirapan ka ng todo dahil sa nararamdaman mo?

Kasalanan bang makaramdam ka ng lungkot sa tuwing nakikita mo siyang masaya sa iba samantalang ikaw hindi mo siya makasama ng matagal?

Kasalanan bang pagurin mo ang sarili mong ihayag ng tuwiran ang iyong nararamdaan kahit ang sakit sakit na dahil sa hindi niya pinahahalagahan iyon?

Sa totoo lang hindi kasalanan ang lahat ng iyon, ang kasalanan mo lang ay hindi mo napigilan ang nadarama mo na sa unang pagkakataon pa lang alam mo na ang kahihinatnan nito.

MALAYANG TALUDTURANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon