"Hanap kana."
Nalipat ang mata niya sa kapatid niya nang magsalita ito sa pinto ng kwarto niya, tinupi niya ang libro na kanina pa niya binabasa.
"Susunod na ako." Sabi ko sa kanya, tsaka nilapag ang libro sa table na nasa tabi ng kama ko.
Akmang lalabas na ako ng hindi ito gumalaw sa pinto ng kwarto ko, nakatitig lang ito saakin.
"Hindi kaba nagsasawa?"
"Saan?"
Umupo ito sa kama niya.
"Alam mo na, sa mga papuri nila.."
Kung alam mo lang.
"Isasara ko ang kwarto ko, lumabas kana.."
"Kung ako sayo hindi na ako lalabas, ipagmamalaki ka lang nila kung kani-kanino. At kailangan mo panindigan yun.."
Magagalit sila mama at papa kapag hindi ako lumabas.
Gusto ko din naman gawin iyon.
Umiling ako sa kanya. "Hindi pwede."
Natawa ito at tumayo sa kama niya pero tinadyakan nito ang bote ng alak na lumawit sa ilalim ng kama niya.
"Itago mo mabuti, baka mahalata ka."
Alam ng kapatid niya ang lahat, ang kahiligan niya sa pag inom ng alak.
Nang lumabas ito sumunod na din siya pagtapos niya iligpit ang mga alak na nasa ilalim ng mesa niya.
Bumungad sa kanya ang madaming tao sa garden nila, alam niya ang cine-celebrate nito ay ang pagkaroon niya ng mataas na marka.
Ang lahat ay sumasalubong sa kanya para batiin siya, pero hindi naman siya nakaramdam ng saya.
Sinalubong siya ng yakap ng mama niya hindi para batiin siya.
"Come on, fix yourself. Wag mo kami ipahiya.."
Pagtapos sabihin sa kanya ng mommy niya yun humarap ito sa kanya para ngumiti. Akala mo totoo.
"Oh iha.." Yumakap sa kanya ang hindi pamilyar na babae. "Congrats ang ganda mo na ang talino mo pa."
"Thankyou po.."
Sa sobrang daming lumapit sa kanya na hindi naman niya kakilala doon palang nalanta na siya.
Hinanap ng mata niya ang daddy niya dahil hindi siya binati nito, doon niyang nakita na lasing na pala ito.
Maybe becoming addicted in alcohol comes in a blood.

YOU ARE READING
Loving The Sober (Adulting Series #2)
RomansaThe way he always there for me, the way how he make me feel calm. The way his voice sounds a home to me, make me stay by his side forever. Kapag sapat na ang dahilan at oras natin sa susunod sisiguraduhin ko na mananatili ako sa tabi mo. -The photo...