09

9 3 0
                                    

PAGOD NA dumating sa bahay si Cath at halatang konting-konti na lang ay bibigay na ito sa pagod. IMay ideya na ako kung saan siya galing pero hindi na ako nagtanong dahil mahirap itong kulitin kapag pagod. Baka bigla na lang itong magtampo sa akin at hindi na naman magpakita. Aminin ko man iyon sa harapan niya o hindi alam kong natakot ako nang mawala siya ng parang bula sa loob ng isang buwan.

Hinayaan ko siyang umupo sa mga hita ko at sumandal sa akin habang yakap ako sa beywang. I can feel how tired she is but she's still trying to be the sweetest girl for me, my girl.

"You look really tired. Kumain ka na ba?" I asked her. Alam kong pagkain lang ang isa sa mga makapagpapagaan ng pakiramdam niya eh.

"You know that I don't eat other food aside from what you, Kuya B or Dada cooks right?" balik tanong niya sa akin. Because of that answer, I don't have to be told directly. Alam kong hindi pa kumakain ang mahal ko.

Binuhat ko ulit siya in a bridal style. Nagiging gawain ko na ito sa mga nakaraang araw pero ngayon ko lang siya hindi narinig na umangal. Pagod siguro talaga ang mahal ko.

"Umupo ka lang diyan. Ipapainit ko lang yung pagkain." I told her as I let her sit on one of the stools in the kitchen. Tumango lang naman ito sa akin at tinatamad na dumukdok sa bar counter.

Gaya nga ng sabi ko, ako ang nagpainit ng pagkain at ako na rin ang nag-ayos ng hapagkainan. Minsan sumusulyap-sulyap ako kay Cath dahil parang iba ang itsura nito ngayon pero nagdadalawang isip naman akong magtanong dahil parang may malalim din itong iniisip ngayon.

"Let's eat?" I asked her after fixing the food. I smiled when she opened her arms to me like a bit of a child who wanted to be carried.

"Naku, gustong-gusto namang binubuhat ah." paninikis ko sa kaniya at mahina lang itong natawa. Okay, something is really up and I think I need to talk to her about before it ruins my plan.

Binuhat ko siya patungo sa dining area at sinalinan ng pagkain ang kaniyang plato at tubig ang kaniyang baso bago ko siya tinitigan ng maayos. "Do you want to tell me something?" I asked while observing her reaction.

"Can I tell it to you later? Baka mawalan ako ng ganang kumain kapag sinabi ko sayo ngayon." she suddenly becomes serious. Tumango na lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon at tahimik siyang sinabayan na kumain.

Pagkatapos naming kumain, tahimik parin si Cath. This is so unlikely her. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Nagiging ganito lang naman siya kung may seryoso talagang nangyari eh. Dahil ba ito sa pagiging agent niya?

"Mauna ka na sa taas, ako na maghuhugas." ani ko pagkatapos niya akong tulungan na dalhin ang pinagkainan sa lababo.

"Are you sure?" walang gana niyang tanong sa akin.

"Yeap, I'll just see you in your room after I wash this and take a short bath." sagot ko.

"You'll sleep beside me again tonight?" she asked another question.

"Yes my love, I will stay by your side again tonight." ani ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya bago pa siya makahakbang palayo sa akin.

"We'll talk about this okay?" I told her. Naramdaman ko ang pagtango niya sa dibdib ko habang nakayakap siya pabalik sa akin.

"Akyat ka na. Susunod ako sayo agad." I assured her and kissed her forehead before letting her leave.

Mabilis kong tinapos ang paghuhugas ng pinagkainan naming at mabilis rin akong umakyat sa kwarto ko para maligo. I moved as quick as possible that's why in less than 30 minutes, I found myself knocking Cath's door.

AS 01: Agent Uno | Cathleen ValecerinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon