A KNOCK on my door caught my attention while designing the Inero Hotel. "Come in," walang lingon kong ani."Hey, my love, are you busy?" From the scent, I know it's Zealous again. Walking towards me, he kissed my head before leaning on my drafting table.
"Obviously, Kuya, why are you here in my office, and what do you need?" Tumingala ako at ngumiti sa kanya.
"Nothing, I just came to check on you, kinulit ako ni Papa sa text kanina. Hindi mo raw nirereplyan si Papa kaya ako ang napag-utusan magcheck kung humihinga ka pa ba o hindi na." He waved his phone in front of me, showing the conversation he and my Dada have.
"Papa? Text? Since when did you two become text mates? And why do you call him Papa?" I grabbed my phone while waiting for him to answer my questions.
Tinignan ko ang laman ng aking telepono at totoo ngang ang daming text at missed call ni Dada.
"Uhm, matagal na. Since your 18th birthday if I remember it right." Nag-iwas siya ng tingin sa akin.
"Really, huh? Hindi mo man lang sinabi sa akin? That was a decade ago." I looked at him with scrutinizing eyes.
"I can't tell it to you in details. It was a man to man talk." Umamin ito habang nagkakamot ng batok, halatang nahuli ko sa akto kaya di na makapagtanggi.
Alam na alam ko na rin ang ganitong galawan niya. Isa lang din naman ang ibig sabihin nito. Na ang pag-uusap na iyon ang isang malaking sikretong hindi niya talaga dapat sabihin.
"Hmm, okay. Tell him I'll call later on. Busy ako sa big project ng company."
"Bakit naman ako pa ang magsasabi, ikaw na lang kaya?"
"Can't you see this?" sabay turo sa sandamakmak na folder, tracing papers at blueprints na nagkalat sa mesa ko. "Busy ako kaya ikaw na lang, tutal textmates naman kayo."
"Hays, fine, fine. By the way, do you want to eat anything? It's getting late for dinner." He's now busy typing a text message for my Dada.
"Ikaw na bahala, basta ba ikaw ang magluluto. Nakarecord naman yung fingerprint mo sa pinto kaya pwede kang magtungo sa private room ko without my help." Hindi ko na alam kung anong sinagot niya dahil bumalik na naman ang atensyon ko sa aking gawain. Namalayan ko na lang na umalis siya nang wala na ang kamay niya na nakadagan sa mesa ko.
Ilang oras pa ang ginugol ko sa pagdra-drawing bago ko napagpasyahang tumayo muna para kumain at tignan kung saang lupalop na napadpad si Zea.
Lumingon muna ako sa glass wall ng opisina ko at pinagmasdan ang ilaw ng mga gusali sa labas at nag-inat inat bago ko hinanap kung saang lupalop na napadpad si Zea. Nang hindi ko siya makita sa loob ng opisina, nagtungo ako sa private room para doon naman siya hanapin.
Natagpuan ko siya sa harap ng malaking bintana sumisimsim ng kape. Nakatingin din ito sa labas na para bang may malalaim na iniisip. Malalim nga rin ang mga hiningang binibitawan neto kaya sumibol ang pag-aalala sa kalooblooban ko.
"Hey," I tapped his shoulder to get his attention.
"Hey to you too, done working?" He leaned his back on the glass to face me.
"Not yet. Tinigil ko na lang muna dahil gutom na ako. Nakapagluto ka na ba?" I grabbed the cup of coffee he was holding, and like it was the most normal thing to do, I took a sip.
BINABASA MO ANG
AS 01: Agent Uno | Cathleen Valecerina
RomanceI've been waiting for this for two decades, but I've also loved you for that long. Looking at what we're about to go through, can we stay inseparable as I do what I must, my love?