DALAWANG ARAW na ang nakakaraan mula noong huling misyon ko at hanggang ngayon ay wala pa rin akong bagong misyon na natatanggap. Pero ayos lang ito sa akin, mas ayos nga kapag wala eh. Hindi ko kakailanganin ngayon na maghabi ng mga panibagong kasinungalingan para lang makalusot kay Zea tuwing hinahanap ako.
Habang wala pa akong misyon ay pinagkaabalahan ko muna ang pagpapatakbo sa kompanya. Nasa kalagitnaan nga ako ng pagchecheck ng monthly reports nang pumasok si Annie sa opisina ko. Hindi ko ito narinig na kumatok kaya mukhang urgent ang kanyang pakay.
"What do you need Annie." Walang lingong tanong ko sa kanya.
"VVIP B called me ngayon ngayon lang Madam. The VVIP B will be coming to your office in ten." Halata ang pagpapanic sa mukha niya habang ang akin ay nanatiling kalmado. Unang beses niyang ipapatupad ang protocol na ito bilang sekretarya ko kaya alam kong normal lang ang ganyang reaksyon.
"Utusan mo na ngayon ang security team na papasukin lahat ng empleyado sa kanilang mga opisina. Siguraduhin nilang walang pakalat-kalat mamaya kung ayaw nilang matanggalan ng trabaho." Kalmado paring utos ko pero sa loob ko ay nagsisimula akong mapika sa VVIP na yan at wala man lang maayos na paabiso.
"Masususnod po Madam." Mabalis na lumabas si Annie sa opisina ko para gawin ang pinaguutos ko habang ako naman ay tumayo para kunin yung phone ko. Balak kong tawagan ang kumag kong Kuya B / Boss B / VVIP B.
"The hell Kuya B! Balak mo bang patayin sa kaba yung sekretarya ko dahil sa pabigla-bigla mong pagpunta dito ha?!" Sininghalan ko talaga siya pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag ko.
"Gosh, I didn't know that giving your new secretary a mini heart attack would make you this furious. Why is that?" Tumatawa-tawa pa ito.
"I like her that's why. Hindi siya gaya ng iba kong mga naging secretary na tamad, chismosa at pakialamera. This one is a reliable person so be nice to her o isusuplong ko kay Dada yang mga kalokohan mo this past few months." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at binabaan ko na siya ng telepono.
Lumabas ako sa opisina ko upang tignan kung nagagawa ba ni Annie ng tama ang trabaho niya. "Hey Annie, is everything under control?" Hindi ako sigurado kung okay lang ba ito o hindi dahil pansin ko ang pagkataranta sa mukha niya.
"Everything is under control ma'am. The whole building is now set to VVIP protocol. Shall I take my leave ma'am? Batay po kasi sa protocol pati ako ay hindi pwedeng humarap sa VVIP." Napangiti ako dahil alam kong maasahan ko talaga ang bagong sekretarya ko sa lahat ng bagay. Takot na takot lang ata itong magkamali sa harapan ko kaya ito natataranta kung minsan.
"Nah, stay by my side. Help me welcome our annoying VVIP." I pulled her hand, and we walked toward the elevator.
Hindi naman kami naghintay ng ganun katagal kasi dumating naman agad yung VVIP namin.
Wearing his formal suit and white half-mask, he greeted us with a stoic face.
"Good morning po." Magalang na bumati si Annie sa guest habang ako naman ay umirap sa bagong dating.
"Good morning, ladies." He smiled, breaking the stoic aura he had just shown to my secretary. I almost grunted when I saw how Annie blushed under this bastard's gaze.
I cleared my throat to disturb their staring contest.
Para kasing naging hangin ako dahil sa pagtititigan nung dalawa eh. "Ahm, let's proceed to my office now Mr. B."
BINABASA MO ANG
AS 01: Agent Uno | Cathleen Valecerina
RomanceI've been waiting for this for two decades, but I've also loved you for that long. Looking at what we're about to go through, can we stay inseparable as I do what I must, my love?