18

5 1 0
                                    

"NERVOUS?" I asked Wings, who was sitting uneasily beside me.

"A bit." Pag-amin naman nito habang inaayos ang kaniyang half mask. Inakbayan ko siya at tinapik-tapik ang kaniyang balikat upang maibsan ang kabang nararamdaman niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti habang nakatitig sa kaniya.

Wings may seem so mature and skilled, which I didn't expect when we first met at my office, but he's still an innocent young boy. Masyado lang naging marahas ang buhay sa kaniya kaya imbes na maging siya, nagpapanggap din itong matapang at malakas gaya ko. From those observations about him, the feeling of wanting to be like his big sister becomes stronger.

"We'll be fine. I promised to my team. I won't let anyone of you die in this code black." Bulong ko kay Wings pero alam kong narinig din iyon ni Graciel na nagpapatakbo ng sasakyan at ni Patz at Zea na nakamonitor sa amin mula sa headquarters. Lumingon si Graciel sa gawi namin nang may lungkot sa mga mata ngunit binigyan ko lang siya ng bahagyang pagtango. I know too well what those sad eyes mean and I don't want to have a breakdown here.

"We're here, Agent. Half a kilometer ahead, you'll reach the first hideout. Save the victims and destroy. Good luck." Ani ni Graciel nang makarating kami sa unang location.

Agad kaming lumabas ni Altair sa sasakyan at ganon din naman ang ginawa ng nakasunod sa amin, Agent Once and his goon. Sumaludo pa ang loko-lokong ito sa amin bago kami tumuloy sa pupuntahan namin. Sa bawat araw na kasama koi tong si Agent Once, napagtatanto kong may kabaliwan talaga ang naging mga kaibigan ni Zealous. Hindi ko tuloy mapigilang mapailing-iling habang naglalakad kaming apat patungo sa lokasyon.

"So, Wings, how's Agent Uno as a leader?" he interrogated Altair while we walked.

"I describe Agent Uno as the best leader, Agent Once." Altair said confidently before giving me a smile. I rolled my eyes at him as a response but I couldn't control my chuckle because of what he said. Narinig ko rin ang pagtawa ng tatlo pang miyembro ng team ko mula sa earpiece ko habang si Once naman ay parang nasuka ang itsura sa sinagot ni Altair sa kaniya.

"Are you in love young man?" Makahulugang tanong ulit ni Agent Once kay Altair. Nagulat ako sa tanong niya kaya agad ko siyang pinandilatan ng mata ngunit kumindat lang ito sa akin.

"Huh? No, Agent Once. I've never been in love." Inosenteng sagot ni Altair na siyang ikinahalakhak ni Agent Once.

"Never been in love, huh? What a sweet talker, then. Hey, Body, watch out. I just found another rival for you." Malakas na ani ni Once na alam kong narinig ni Zealous mula sa mga earpiece namin.

"Gago talaga." Narinig kong bulong naman ni Zea na walang ibang magagawa kundi ang makinig lang at manood mula sa headquarters.

Agent Once kept on talking and talking while we were walking. Kung pwede lang talagang busalan ang bibig nito, baka kanina ko pa sinuksukan ng mga dahon. Hindi matahimik eh, tapos kung ano-ano pang tinatanong niya kay Altair.

"We're here. Showtime." Sita ko na sa kaniya nang nasa harapan na namin ang kuta na puno ng gwardiyang armado. Buti na lang ay natahimik na ito at sumeryoso na ang mukha.

"What's the plan Agents?" tanong sa amin ng parter ni Agent Once.

Nagkatinginan kami ni Once bago nagtanguhan sa isa't isa sabay sabing, "Save the victims and destroy everything." With that, I prepared myself as we entered the hideout secretly.

"We'll be finding the control room. We'll meet you to where the victims are." Bulong ko kay Agent Once at tumango ito. Kasama ang aming mga partner, naghiwalay muna kami ng ruta habang isa-isang pinapatumba ang mga gwardyang nakakabungguan namin.

AS 01: Agent Uno | Cathleen ValecerinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon