25

8 0 0
                                    

IT TOOK me a few months before my body recovered to its' normal state. The first months were harsh, and Zea got very strict with my diet and all. Despite his strictness, I was still grateful he was there to guide me with everything.

In addition to my therapies, I must review all the company files for five years to cope with their current trends. Nalaman ko rin tuloy na si Kuya B ang nag-aasikaso ng lahat sa loob ng limang taon. I don't understand the deal between my Kuya and my secretary since they looked very formal when I last talked to them in a closed-door meeting.

Tinanong ko nga rin si Kuya kung bakit hindi niya ipinahawak kay Dad ang kumpanya. Gusto naman daw ni Dad na hawakan din iyon pero umiiwas na ang lahat sa marami pang katanungan tungkol kay Dad lalo pa't alam ng karamihan na ulila na ako sa kanila. They just opted to keep everything a secret for things to get less complicated especially with the situation they all went through for five years.

Nang tuluyan na akong makabalik sa dati kong lakas, doon na rin natapos ang pagpapanggap ni Zea na pinalabas nilang nananatili sa labas ng bansa. Siya parin naman ang pumipirma ng mga desisyon sa kanilang kumpanya pero si Dada naman ang tumayong tagapamahala noon lalo nang gustuhin ni Zea na maging tutok sa pagbabantay sa akin.

Kinailangan naming siguruhin na malinis ang pagpapanggap na ginawa nila dahil alam din nilang hindi basta-basta mauuto ang mga kaibigan ni Zea. Para sa kaligtasan ng lahat at ng mga sikreto namin kailangan naming pagtakpan ang lahat at mamuhay batay sa kung ano mang kwento ang pinakain nila sa kanila sa loob ng limang taon.

Ngayong nakaliban parin ako sa mga gawain ng organisasyon, ang oras ko araw-araw ay nauubos lamang sa pagpasok sa opisina at pag-uwi sa safe house kung saan madalas naghihitay si Dad sa pag-uwi namin ni Zealous. Hindi rin naman makalumang tao ang paniniwala ni Dad kaya malayang nakakatira si Zea sa safe house.

"Ano na namang iniisip mo Cathleen Angelianie Meyer Valencerina?" tanong nga ng mokong na abala sa pagmamaneho pauwi.

"Buti hindi ka napatay ni Dad nung nalaman niyang sa iisang apartment tayo nakatira noon at ngayon sa iisang bahay na?" tanong ko habang nakangisi sa kanya.

"Anong buti hindi, muntik niya akong mapatay kamo. Kung hind lang niya nakita kung paano kita napakalma nung malaman mong si Daddy ang pumatay sa kanila hindi niya siguro ako hahayaang gumala ng buhay." Sagot nito sa akin habang umiiling-iling.

"Sus, takot ka ba?" tanong ko muli sa kaniya.

"Medyo, tatay mo yun, love. Panong hindi naman ako matatakot? Kay Tito Clis pa nga lang grabe na yung kaba ko sa kaniya pa kaya?" Sagot nito sa akin na siyang ikinatawa ko.

"Hindi ko rin alam kung paano mo kinaya noh? Una si Dada, tapos yung tatlong baliw kong mga Kuya at hindi pa natapos doon kasi meron na ulit si Dad. Ganon mo talaga ako kagusto?" Pang-aasar ko pa sa kaniya.

"Wow, ang understatement naman ng gusto. Mahal kasi mahal, ganon kita kamahal. Kaya ko ngang isugal yung buhay ko sa kontrata eh, saan ka pa makakahanap ng gaya ko diba?" sagot niya sa akin.

"Kontrata?" muling tanong ko sa kaniya at natawa ako nang magmukha siyang binuhusan ng malamig na tubig. Sa itsura pa lamang niya ay alam ko nang dapat hindi niya nasabi ang mga katagang iyon.

"Huwag mo nang sabihin. Alam ko yon. May kontratang iniwan si Dad kay Dada kung sakaling may mangyari sa kanila. I saw a copy of it before but I was too young to take it seriously. Seryoso pala sila don." Ani ko habang bahagyang natatawa sa kabaliwan ng dalawang tatay ko.

AS 01: Agent Uno | Cathleen ValecerinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon