06

10 3 0
                                    

PAGKATAPOS NG mahigit isang linggo pa naming pananatili sa headquarters, Cath's bosses / brothers let us move out under one condition. We must stay in Cath's safe house until they resolve what happened. Since then, we stayed here and abandoned our condo temporarily.

Sa safe house na ito, apat lang kaming nakatira, me, Cath, Yaya Lima and Butler Four. Sa laki at lawak ng kinatitirikan ng safe house, hindi ako makapaniwalang apat lang kaming nakatira rito. Nevertheless, this place is still great.

Ilang araw na rin mula nang lumabas kami at ilang araw na rin mula nang aminin sa akin ni Cath ang ilan sa mga lihim niya. Sinabi niya sa akin kung paano siya napunta sa mga Organo kahit na isa siyang Valencerina, kung paano at kalian siya nagdesisyon na magtraining para maging agent rin gaya ng kaniyang tunay na ama, kung ano ang mga ginawa niyang palusot noon sa akin para hindi ako magtaka sa ginagawa niya at kung paano niya tinatakasan si Mirina kahit hindi pa siya okay para lang maiwasan niyang makapagbigay ng rason para pagdudahan ko siya. Sa kabila ng mga nasabi niya, nahalata kong hindi niya kayang sabihin sa akin kung paano namatay ang kaniyang mga tunay na magulang. As much as I want to know that also, I just respected her because from her stories, I can feel like they suffered from a terrible tragedy.

An average person would sometimes get mad at her for keeping this stuff, but that's not the case for me. Ni minsan habang nagkwekwento siya sa akin, hindi ko naisip na magalit sa kanya at sa mga lihim niya. How can I get mad when I can clearly see how hard it was for her?

She cried before me that time, and I think I again fell in love with her. I admire how brave and strong she is. I admire her determination. I admire her for just being her. Lastly, I love the way I admire her, and admiring her is one of the best feelings I've ever had and felt.

"Enjoying the view and the drink, iho?" Yaya Lima interrupted me from my deep thoughts.

"Good evening po. Oho, ang ganda po rito, minsan nga po nakakalimutan ko kung gaano kadelikado sa labas ng bahay na ito." I smiled at Yaya before sipping from the can of beer. Umupo si Yaya sa kaharap kong upuan at napaayos ako ng upo kasi parang may gusto siyang sabihin sa akin.

Yaya Lima stayed silent, but I could really feel that she wanted to say something. "Yaya, may nais po ba kayong sabihin sa akin?" I dropped the can of beer on the table and faced her.

"Pwede ba kitang makausap tungkol kay Cathleen iho?" she sounds like she wants to ask a favor from me.

I smiled with respect at her and nodded my head. "Syempre naman po. Ano ho ba yon?" I looked at Yaya Lima's hesitant expression. Akala ko hindi na niya sasabihin but in the end, she sighed and looked at me again.

"Iho, alam mo bang maliban sa pamilyang Organo, sa pamilya mo lamang napalapit si Cathleen ng husto. Base sa nakikita kong kilos ninyong dalawa, mukhang napakatibay ng koneksyon niyo at parang hindi kayo matitibag. Nais ko lang malaman, may pagtingin ka ba kay Cathleen iho?" napakalumanay ng pagsasalita ni Yaya sa akin pero nagulat naman ako sa tanong niya. Lagi akong itinutukso kay Cath pero walang nakipagprangkahan sa akin, ni ang mga kaibigan ko ay hindi nagawa yon kahit napapansin nila iyon.

"P-po?" I stammered out of shock. Iniisip ko tuloy kung masyado ba akong naging pahalata sa nararamdaman ko kaya ako tinatanong ni Yaya ng ganitong tanong.

"Nagulat ba kita iho? Kung hindi mo mamasamain, gusto ko lang sanang malaman kung may gusto ka kay Cathleen? Huwag kang mag-alala iho, sa ating dalawa lang naman ito." Yaya gave me a reassuring smile which convinced me to say the truth to her. Maybe she also has this motherly aura which made me trust her and feel safe to share my secret to her.

AS 01: Agent Uno | Cathleen ValecerinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon