04

12 4 0
                                    

"WHO IS Agent Uno?" This is the moment that I feared the most,  for him to uncover my mask and realize what kind of person I am. I can't even have a choice or a chance because our lives are at stake.

"It's me." Hindi ko alam kung saan galing yung lakas ko pero nagpapasalamat akong nasagot ko parin siya sa kabila ng kaba at takot na nararamdaman ko ngayon.

Sa loob ng sampung taon ng pagiging Agent Uno, ni minsan sa mga misyon ko ay hindi ako natakot at kinabahan. Kaya tinatanong ko ang sarili ko kung ano bang pinagkaiba ngayon? Yun bang kasama ko si Zea o yung posibleng mangyari ngayong malalaman na niya kung sino ako? 

This is frustrating, but I need to gather myself and remind myself that I am with the person I love the most, and all I need to do is to protect him at all costs.

Nakayuko parin ako nang magsalita siyang muli, "Since when?" 

Hindi ko alam kung galit ba siya o dismayado kasi hindi ko talaga kayang tumingala at harapin siya. 

"A decade ago," I answered him in the same way, a very soft whisper.

"So that explains everything, every lie you weaved, every disappearance you can't explain and every injury you tried to hide. Sabi mo walang taguan at sabi mo walang magsisinungaling, nangako ka, nangako tayo pero ano ito?" Nanatiling kalmado ang boses niya pero may diin ang abwat salitang binibitawan niya at sa bawat pagbitaw niya ng salita, para akong sinasaksak sa puso.

"Do you trust me?" Alam kong wala akong karapatang magtanong ng ganito pero gusto ko paring itanong sa kaniya. 

I'm close to breaking down, so I have to hear even just a glimpse of hope from him. Just give me some hope that we'll still be okay after I fix this mess.

"Wow, now you're asking me if I could trust you? Really? How can I trust you? Ni hindi mo ata ako kayang pagkatiwalaan. So, why should I trust you?"

"Do you trust me?" I asked him again, disregarding what he had just said.

Sasagot na sana si Zea pero may hinayupak na pumutol sa usapan namin. 

"Wait, who is this agent? Is he your lover? Are you having a lover's quarrel right now?" Tumingin ako sa gawi niya at halatang tuwang-tuwa ang loko sa nasasaksihan niya ngayon. 

[Let me finish this, and we'll see if you can still have that smirk plastered on your annoying face, fucktard.]

Hindi ko nalang muna siya pinansin. Yumuko na lang muna ako at hinarap si Zea ng nakayuko parin. 

"Do you trust me?" I asked him for the third time.

Ilang segundo kaming naging tahimik. Nawawalan na ako ng pag-asang sasagutin niya ako ng "Oo" nang bigla niya akong kinulong sa bisig niya. 

"Fine I trust you, but, please don't get hurt. Marami kang ipapaliwanag sa akin pagkatapos nito." Naging maamo na ngayon ang tono ng boses niya pero hindi ko parin tinignan ang mukha niya.

"I can't promise that but I'll try my best. Thanks for trusting me." Pinagpalit ko ang posisiyon namin at buti na lang hindi siya nagmatigas. Hinayaan niya akong gawin kung ano ang kailangan kong gawin while his hand was tightly holding mine. Gustohin ko mang baklasin ang pagkakahawak niya sa kamay ko ay hindi ko magawa kasi ayaw talaga niya akong bitawan.

I used my free hand to press the little button on the side of my glasses to talk to Patz and to ask for a backup. 

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung masasaktan si Zea ngayong gabi dahil sa akin kaya kailangan kong masigurong maililigtas ko ang lalaking mahal ko kahit anong mangyari.

AS 01: Agent Uno | Cathleen ValecerinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon