CHAPTER 25

2.7K 65 7
                                    

CHAPTER 25

I don't really get it bakit parang laging nakamasid sa'kin si Sir? O baka assuming lang ako.

Binuksan ko ang iPhone 12 na bigay sa'kin ni Sir. Gagi ang ganda, parang ayaw ko na siyang gamitin kasi nakakatakot baka madumihan. Ano kayang pwedeng gawin dito? Makapag facebook nga, may account naman ako sa FB eh pero sobrang tagal na napaka jejemon pa ng profile picture ko roon. Hindi nga ako ang gumawa ng FB ko na 'yon eh kung hindi 'yong tita kong galing Maynila noon. Naalala ko pa naman ang password at email.

Sinubukan kong buksan at mabuti naman nabuksan ko. Daming notifications ah pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko.

Green F. Kennedy sent you a friend request

Halos napasigaw naman ako sa tuwa kaya kunot noong napatingin sa'kin si Sir. Ngumiti ako sa kanya.

"Wala sir hehe na amaze lang sa iPhone 12 hehe sorry poor lang kasi ako." Umiling iling siya at pinagpatuloy ang pagkakape n'ya.

"I hope it's me, the reason why you're happy." Mahinang bulong n'ya kaya hindi ko masyadong narinig.

"Ha?" Yan nalang ang naging sagot ko at pinagpapatuloy ang pag f-facebook.

"Nevermind, continue what you're doing." Nagkibit balikat lang ako at ngumisi.

"Hi"

Green F. Kennedy sent you a message

Halos namamatay naman ako sa kilig dahil sa message na dumating. Si Sir Green! OMG! Nagreply naman ako kaagad.

"H3ll0w poH!" Ang ganda ko mag type shet idot ko talaga sarili ko sa mga ganito eh.

"How are you?" Ngumiti ulit ako sa reply n'ya.

"1 Am F!ne!😊 HOw Ab0ut y0U poH????😊😊😊" Ang cute ng mga maliliit na parang mukha na bilog bilog. Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganito? Wala kasi 'to sa Cherry mobile ko eh.

"You like using emojis? Haha cute. You're so cute!" Parang pumula ang pisngi ko sa nabasa. Nakakakilig naman pala to si Sir Green eh.

"AY tEnK y0U poXxxxx! 😊😊😊😊😊😊😊😊😊😉😉😉😉 eKawxx rin poxx cUt33! 🥰🥰🥰🥰🥰🥰" Sabay send. Nakita kong naka seen lang ang message ko kaya nilagay ko na lamang ito sa mesa at naghugas ng pinggan. Hinihintay kong mag reply si Sir Green pero wala parin kaya pinagpatuloy ko nalang ang paghuhugas ng pinggan.

Kumakanta kanta ako habang naghuhugas, ewan ko pero parang ang saya ko ngayong araw. Pero nakakatakot maging masaya kasi baka pagka bukas matinding lungkot ang magiging kapalit.

Tapos na akong mag hugas ng mga plato pero wala paring reply si Sir Green. Baka busy lang.

Tatay calling

Kinapa ko ang bulsa ko sa ilalim ng apron at kinuha ang cellphone ko roon. Lumayo muna ako kay Sir at sinagot ang cellphone.

"Tay may problema po ba?" Takang tanong ko. Kahapon din kasi ay tumawag siya.

"Hello anak, sorry ha napatawag ako kasi may problema tayo eh." Biglang kumabog ang puso ko sa narinig. Ano kasi ang problema? Bakit ngayon lang sinabi sakin ni Tatay?

"Ano ba 'yon Tay?" Saad ko.

"Si Aljon anak, ilang beses bumalik dito sa bahay. Tinatanong kung saan ang address mo at pupuntahan ka raw n'ya." Parang tumigil ang pag tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni tatay. Bahagyang tumulo ang mga luha ko.

Bakit ba kasi kailangan pa n'yang bumalik? Ano bang kailangan n'ya? Pagod na pagod na ako sa kanya!

"Tay maawa ka wag na wag mong ibigay Tay. Pagod na pagod na ho ako, gusto ko nang magpahinga sa kanya Tay." Marahang bigkas ko.

"Sige anak naiintindihan kita ako na ang bahala rito basta mag iingat ka palagi riyan ha? Lagi mong tandaan na mahal na mahal ka ni Tatay anak." Ngumiti ako at tumango sa kanya.

"Mahal na mahal din po kita tatay ko." Bigkas ko at binaba ang tawag.

Humawak ako sa dibdib ko, nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok nito dahil sa balitang narinig.

Bakit kasi may mga taong pilit nating binabaon sa limot pero pilit naman binabalik ng mga ala ala natin? 'Yong taong akala mo siya ang na talaga kasi ginawa mo siyang mundo pero ang totoo ikaw pala ang talo dahil nahulog ka sa mga mabulaklak n'yang mga salita.

Binigyan ka niya ng motibo na kayo na talaga hanggang sa huli pero ang masakit na katotohanan, hindi pala ikaw ang gusto.

Dahan dahan kong pinunasan ang iilang butil ng luha saka bumalik sa loob. Nagulat ako nang makita kong hawak hawak ni sir ang iPhone at galit na galit siyang nakatitig dito. Nakita ko ring may nirereplyan siya. Dali dali akong tumakbo sa tabi n'ya at kinuha ang cellphone at binasa kung ano ang pinagagawa n'ya rito.

Green F. Kennedy
"You're so fine."
"Can I remove the letter M and change it with M instead?"

Daffodilla Asunta
"Fuck you fucking dickhead, I'll kill you!"

Green F. Kennedy
"Huh?"

Daffodilla Asunta
"Do not fucking show your fucking face again or else I'll kill you!"

Green F. Kennedy
"Lol"

Daffodilla Asunta
"Lol your face! Stop chatting my wife! You idiot!"

Green F. Kennedy
"Hmm is this you Jahmal? Haha, dude she isn't your wife. Dream on."

Hanggang diyan nalang ang convo nila dahil bigla kong hinablot ito kay sir Jahmal kanina. Tiningnan ko siya ng masama.

"Sir! Bakit mo pinakikialaman? Hindi porke't friends na tayo ay papakialaman mo na gamit ko? I mean gamit mo na binigay mo na sakin aba mali 'yon!" Saad ko. Kainis kasi to si Sir, nangingialam eh!

"Bakit mo kinuha! Di ko pa tapos replyan ang hayop na tanginang 'yon!" Nagulat ako sa straight at Tagalog na pagmumura ni Sir. Teka si Sir ba 'tong kaharap ko?

"Stop chatting that bastard or else! I gave you that phone not to flirt Daffodilla!" He's really serious right now. Parang galit na galit siya sa mga nabasa n'ya.

"Bakit muna sir? Bakit hindi ko na siya rereplyan ha?" Tanong ko. Hindi naman kasi pwedeng basta basta ko nalang I ghost 'yong tao diba? Charot hehe.

"J-Just! Just do it! Wag mo na replyan!" Frustrated na sagot n'ya.

"Bakit muna kasi?" Kaunting kulit ko pa. Gusto ko lang naman talagang pikonin si Sir.

Tumalikod siya sa akin at hinilot ang sentido n'ya parang stress na stress na siya sakin.

"Sige ka rereplyan ko siya kapag hindi mo sasabihin sa'kin ang sagot." Hehehe natatawa kasi sa reaksyon n'ya.

"Because I like you dammit! At ayaw kong may ibang kukuha ng pansin mo bukod sa'kin!" He said and walked away leaving me speechless. Wtf just happened?

******************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Running Into A Billionaire (Probinsyana series #1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon