CHAPTER 38

2.4K 59 11
                                    

CHAPTER 38

Hindi nagkamali si tatay, buntis nga ako. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa, anong ipapakain ko sa anak ko kung ang mismong tatay n'ya hindi man lang kayang makapag reply? Naawa ako sa magiging hinaharap ng anak ko.

"Please maawa ka sa akin sumagot ka." Paulit ulit kong tinatawagan ang number n'ya ngunit ring lang ito nang ring. Walang sumasagot.

Bigla nalang siyang umalis ng walang paalam, naiwan akong nasasaktan at tinatanong kung ano ang naging kasalanan ko. Kung ano ang nangyari, ano bang kulang sa akin? May nagawa ba akong mali? Where did it all go wrong?

Napagod na ako kakatawag sa kanya kaya humiga nalang ako at umiyak nang umiyak. Ano bang gagawin ko? Hindi pwedeng hanggang dito nalang ang mangyayari.

"Paano kung puntahan ko siya? B-baka kapag sinabi kong buntis ako babalik siya, babalikan n'ya ako." Ngunit naalala ko, wala palang kami. Paano ko siya hahabulin kung hindi naging kami?

Pero may pera pa naman ako rito papuntang Maynila, siguro di n'ya ako matitiis kapag nalaman n'yang buntis ako diba. Siguro di naman n'ya ako papabayaan. Dali dali kong kinuha ang iilan kong damit at inilagay sa malaking bag.

"T-Tay!" Nagmamadali akong pumunta sa kusina, nagbabakasakaling nandoon si Tatay at hindi nga ako nagkakamali, nandoon siya at nagluluto ng tanghalian.

"Anak? Magdahan dahan ka naman, buntis ka. May buhay kang dinadala riyan sa loob mo at teka bakit may dala kang bag? Wag mo sabihing? Hindi pwede Daffodilla!" Nagulat ako sa biglang pagbabago ng boses n'ya. Ngunit hindi pwede, nangangailangan ng ama ang anak ko at desididong desidido na ako.

"T-tay pupuntahan ko lang siya tatay. Babalik ako at sa oras na 'yon kasama ko na s'ya. Please tatay payagan n'yo na po ako." Para akong nawala sa katinuan ngayon basta ang gusto ko makita ko si Sir Jahmal. Makita ko ang lalaking mahal ko.

"Daffodilla! Makinig ka! Iniwan ka na! Bakit ka pa aasa sa taong iniwan ka? Bakit, anak? Bakit mo hahabulin ang taong hindi ka inisip noong iniwan ka n'ya?" Naglalakad lakad ako sa harap n'ya. Hindi n'ya naiintindihan eh, hindi naiintindihan ni tatay kaya kailangan kong ipaintindi sa kanya.

"Tay! May rason siya tay, kailangan kong malaman ang rason n'ya! Mahal n'ya ako tay at babalikan n'ya ako!" Nahihirapan kong saad sa kanya. Ang sikip sikip ng dibdib ko, para akong mahihimatay. Kanina lang din ako umiiyak, halos hindi na nga ako tumitigil sa kakaiyak mula noong nalaman kong buntis ako.

"Iniwan ka na! Kung totoo ka n'yang mahal hinding hindi ka n'ya iiwan!" Napatigil ako ng ilang minuto at napaupo pilit kong nilalagay sa utak ko ang sinasabi ni tatay ngunit hindi ko talaga kayang intindihin. Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan.

"Kung lalabas ka sa pintong 'yan, kakalimutan mong may ama ka." Napatigil ako sa sinabi ni tatay, sumikip ang dibdib ko kasabay ang pagtulo ng rumaragasang luha sa mga mata ko. Tatay ko siya bakit n'ya sasabihin sa akin ang mga bagay na 'yan? Bakit n'ya ako itatakwil? Pwede naman n'ya akong suportahan nalang.

"Tay bakit naman ganyan?" Lumingon ako sa kanya at tinanong ang mga bagay na 'yon. Nakita kong tumulo ang mga luha sa mga mata n'ya, nasasaktan siya para sa'kin, nasasaktan siya sa mga nangyayari sa amin ngayon.

"Kasi ayaw kong mawalan na naman ng mahal sa buhay anak. Maawa ka wag mo akong iwan dito ka lang kay tatay ha? Sabay nating palakihin ang apo ko. Hayaan mo na ang lalaking iniwan ka dahil nakuha na n'ya ang panandaliang kagustuhan n'ya sa'yo anak." Umiling-iling ako sa sinabi ni tatay, wala na akong oras.

"Tatay mahal na mahal po kita. Babalik po ako." Mahina kong saad sabay ngiti sa kanya at naglakad paalis ng bahay.

Narinig kong tinawag n'ya ako nang paulit-ulit pero hindi ako lumingon. Umiiyak lang ako habang patuloy na naglalakad ng mabilis. Nakakuha agad ako ng ticket sa eroplano at mamayang 3:00 PM ang alis nito. Naghintay muna ako ng ilang oras bago ako makaalis sa lugar na 'to at nangyari nga. We landed on Ninoy Aquino International Airport, paglabas ko sa airport sumakay agad ako ng kotse papunta sa lugar ni sir Jahmal.

Halo-halo ang nararamdaman ko. Pagod, sakit, hiya at saya. Napapagod ako dahil sa byahe, nasasaktan ako dahil sa mga nangyari, nahihiya akong magpakita sa kanya at nasasaktan ako dahil sa pag iwan n'ya sa'kin ng ganun ganun lang. Mga ilang oras ang byahe at gabi na ako dumating doon. Naka bukas ang mga ilaw ng bahay n'ya, doorbell ako nang doorbell ngunit walang nagbukas. Nang halos mawalan na ako ng pag asa may biglang bumukas ng gate.

"J-Jahmal!" Mukha n'ya ang bumungad sa akin. Gulat na gulat siya pagkakita sa akin at tila takot na takot.

"W-what are you doing here!?" Halos pabulong ngunit paggalit n'yang saad, parang ayaw n'yang makarinig ngunit pinag-aawayang bahala ko lang ang lahat ng 'yon.

"M-may kailangan kang malaman Jahmal." Masaya kong saad sa kanya kahit tumutulo na ang mga luha ko. Hindi siya makatingin sa akin.

"Please wipe your tears." Seryoso n'yang saad. Nag aalala siya sa akin, alam ko 'yon. Dati, ayaw na ayaw n'ya akong nakikitang umiiyak.

"May sasabihin ako." Saad ko ulit.

"What's that? Dalian mo at may gagawin pa ako." Nagulat ako sa biglaang pagbago ng emosyon n'ya. The way n'ya sinabi ang mga bagay na 'yan parang wala siyang pakialam kung masaktan man ako.

"Sinasagot na kita." Mahina kong saad. Tumitig siya sa mga mata ko at tila natatawa.

"Are you seriously fucking with me right now?" Tumawa siya na parang baliw ang kausap n'ya.

"Do you really think na seryoso akong nanliligaw sa'yo? You don't know? Nagpustahan lang kami ng mga barkada ko tinitignan lang namin kung ilang araw ko ba mapasagot ang isang probinsyana. Maraming nagsabi pakipot daw kayo eh, hindi raw kayo easy to get. Tingnan mo nga naman I fucked you easily---" Napatigil siya dahil sa pagsampal ko sa kanya.

"How dare you?" Hindi ko makapaniwalang saad. Para n'ya akong pinatay sa mga pinagsasabi n'ya ngayon.

Ngumisi lang siya sa akin at hinihimas ang pisngi n'ya.

"Hon who's in there?" Napalingon siya sa boses na tumawag sa likod n'ya. Para namang nabiyak ang puso ko sa narinig.

"Nah just some random girl asking for a direction." Mas lalong sumakit ang puso ko sa sinabi n'ya, just some random girl? Haha. Narinig ako ng mga yabag at inilabas nito ang isang napaka gandang babae. Parang taga middle east dahil sa pananamit at pananalita nito.

"Ah okay, I'll just go back to the kitchen to prepare our food okay?" She looked so pretty and kind. Hindi ko mapigilang umiyak na naman dahil sa sakit at inggit.

"Yes hon." Sagot ni sir Jahmal, hinalikan n'ya ito sa labi sa harap ko na dumurog sa akin. I guess hanggang dito nalang ko. Pagka alis ng babae pinahiran ko ang mga luha ko and give him a straight face.

"Nevermind sir, thank your for the direction. Aalis na ako kasama ang anak ko goodbye." I said and walk without looking back.

*******************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Running Into A Billionaire (Probinsyana series #1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon