CHAPTER 11

3.4K 95 11
                                    

CHAPTER 11

Jusko Daffodillia! Anong pinagagawa mo kanina? Gago ka anong sinabi mo sa parents ng amo mo? Are you out of your mind!? Saad ko sa sarili ko. Wait wait wait, tama naman 'yon ah kasi diba binastos ako ng tatay n'ya? Aba dapat lang sa kanya 'yon! Saad naman ng ibang bahagi ng utak ko.

Ito na talaga, ito na ang time na mapapaalis na ako sa trabaho ko dahil sa kagagahan ko. Pumunta ako sa kwarto at nagsimulang mag empake. Alam ko naman kasing tatanggalin na ako ni Sir sa trabaho mamaya.

Kahit naman sinabi n'yang girlfriend n'ya ako alam ko namang hindi 'yon totoo. Jusko, sinabi ko pa 'yon sa tatay n'ya.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto, iniluwa nito si Sir na mukhang galit. Oo alam ko namang mali ang ginawa ko kanina. Magsasalita na sana siya nang tinaas ko ang kamay ko sa ere, tanda na pinapatigil ko siya sa kahit ano mang sasabihin n'ya.

"Sir oo alam kong mali ako sa ginawa ko kanina, kasi naman sir binastos ho ako ng ama n'yo. Aba hindi ata makatarungan 'yon kahit naman hindi mo ako totoong girlfriend dapat hindi siya ganun dahil paano kung sa totoo mong girlfriend n'ya 'yon sinabi? Edi masasaktan ang GF mo diba?" Mukhang hindi siya nakinig sa sinasabi ko kasi nakita kong nakadako ang tingin n'ya sa mga gamit ko. Kaya inunahan ko na siya.

"Ah, kasi sir alam ko namang ise-sisante n'yo ako kaya uunahan ko na kayo. Sinesisante ko ang sarili ko. Goodbye sir." Mahaba kong saad sabay sarado sa zipper ng bag ko.

"Who told you that I will fire you?" Napatahimik ako sa sinabi n'ya at tinuro ang sarili ko.

"A-Ako?" Sabi ko habang nakaturo parin sa sarili ko.

"Why would I do that? Silly, I won't fire you. What you did back there was very brave Daff that's why we have to act. Let me just ask you a question, aren't you afraid of my parent's presence? Especially my father?" Napakunot noo ako dahil sa sinabi n'ya, hindi ko siya naiintindihan pero sinagot ko parin ang tanong n'ya ng maayos.

"Hindi naman, kasi tingin ko sa kanya eh Arabo tas Indian, dami kasing magpapa 5/6 sa amin doon eh tas parang kamukha ng papa mo." Kumunot ang noo n'ya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Seriously?" Saad n'ya.

"Oo, seryoso ako Sir. Mukha bang joke time to?" Sagot ko sa kanya. Aba hindi naman talaga ako natatakot sa presensya ng parents n'ya.

"Interesting, very well then, I have a proposal to make." Seryoso n'yang saad. 'Yong boses n'ya parang nagsasabi na dapat akong umuo sa mga sasabihin n'ya kaya nakinig nalang ako kung ano 'yon.

"Okay Sir, fire up."

"I need you to act as my girlfriend in front of my parents." Napasubo ako sa sinabi n'ya. Nagulat ako as in.

"Luh bakit naman ako Sir? Maid mo lang ako rito, katulong o utusan kaya bakit ako? Oo alam ko namang maganda ako. Sobrang ganda ko pero hindi naman----" He cut me off.

"You're not scared of them, that's the sole reason. Don't worry about your talent fee, just act and I will double your monthly wage." The offer is really tempting pero ang tanong makakayanan ko ba 'to? Hindi naman kasi ako magaling umarte baka mabulilyaso pa.

"Pero sir hindi ako magaling umarte, baka ako pa sisihin mo." Saad ko.

"Don't worry, it's just for a week. I know you can. We also need to transfer your clothes into my room." Napamulat naman ako ng mata dahil sa sinabi n'ya.

"Aba 'yan ang hindi pwede Sir, virgin pa ako no? Baka akala mo madadaan daan mo ako sa ganyan." Aba hindi pa nga ako umoo pero may demand agad saka bakit kailangan nasa iisang kwarto pa kami diba?

"That's how I wanted it. We need to make them believe we're really together. Don't worry, I'll sleep in the couch and you can use my bed." Hindi ko alam ang gagawin ko, taga probinsya ako at hindi normal sa akin na nasa isang kwarto kasama ang isang lalaki baka kung nasa amin pa ako ay pinakasal na kami ng tatay ko kapag nalaman na nasa iisang kwarto kami ng jowa ko.

"Actually you can't say no. If you'll object or you'll still go I will ban you for working in this country. No one will accept you. Just me, think about it Daff. I'll give you 3 hours to think about my offer. Goodluck." That heartless jerk, pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay lumabas na siya sa kwarto. Pero char lang, oo gusto ko naman talaga ang offer n'ya aba double raw sahod ko eh. Mag a-acting lang naman eh.

Ikaw ay humanda talaga bukas Sir, ako napili mong gawing girlfriend eh, kahit naman hindi totoo I will make you fall for me. Charot landi ko.

Anyway, lumabas ako sa kwarto at pupuntahan sana siya para sabihin na payag na ako pero napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko ang mama n'ya. Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang para na parang kumikilatis. Ang dami ko pa namang nakikitang teleserye noon sa bahay ni Aling Bebang about sa mataray na mga kontrabida. Hindi pa naman ako nagpapatalo.

"So you're my son's girlfriend huh?" Nakataas ang kilay n'ya nang sinabi n'ya 'yon.

"Yes, do you have a problem 'bout that ma'am?" Saad ko, sabi ni sir eh kaya n'ya ako pinili dahil di ako takot sa kanila. Kaya dapat kong panindigan. Parang naging excited tuloy ako, gusto ko pa naman sana maglampaso sa sahig pero kung papalarin at mukha ng nanay ni Sir ang mailampaso ko tulad sa mga nakikita ko sa teleserye magiging masaya pa ako.

Mas lalong tumaas ang kilay n'ya sa sinabi ko kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. Aba di ako papatalo ah siya lang ba marunong magtaas ng kilay.

"I want you out of my son's life." Malditang saad n'ya. Kung ang iba ay baka natakot na sa kanya, ako hindi.

"No ma'am I want you out of our life." Malamig na saad ko.

Charot charot lang talaga 'yan, nagaya ko lang sa mga teleserye na napapanood ko. Sana hindi siya nanonood para di ako mabisto.

********************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Hi guys sorry dahil sobrang dalang kong mag update sa story na 'to ang dami lang kasing nangyari sa akin na halos mawalan na ako ng gana mabuhay pero don't worry dalasan ko na ang pag uupdate and tatapusin ko na siya agad.

Running Into A Billionaire (Probinsyana series #1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon