CHAPTER 8

3.5K 88 6
                                    

CHAPTER 8

"Ahhh ito na ba katapusan ko, susmaryosep di pa ako nakaranas ng langit pero mamatay na ako! Ano ba namang buhay to!" Sigaw ko, sumisigaw na rin kasi ang mga pasahero. Takot na takot ako, ngayon lang ako nakarinig ng putok ng baril jusko Lord. Sana di nalang pala ako pumunta rito sa Maynila, sana sa probinsya nalang ako. Mas mabuti pa pa sana ang buhay ko kung doon lang ako sa amin.

"Maawa po kayo samin wag n'yo po kaming patayin, may mga anak po ako!"

"Kuya naghihintay sakin ang mga pamilya ko sa bahay. Maawa po kayo."

"Please"

Iba't ibang daing namin, takot na takot kami sa pwedeng mangyari samin ngayon.

"M-magsitahimik kayo!" Hindi ko alam kung bakit nangangatal na ang nanghohold up samin. Pawis na pawis na silang dalawa, ngayon ko lang napansin na nanginginig na rin sila. Nang pumutok ang baril kanina, walang tinamaan sa amin pero lumusot ang bala sa bubong ng jeep, sana walang matamaan sa labas.

"P-pare kailangan na nating makaalis dito, malapit na tayo lumagpas sa lugar na 'to. Marami nang tao mamaya! Baka mahuli na tayo ng mga pulis!" Nangangatal at tila takot na takot sa saad sa kanya ng kasama n'ya. Patuloy lang ang byahe namin, naramdaman ko rin na mabilis ang andar namin, iniisip siguro nung driver na baka paglampas namin sa lugar na 'to ay maliligtas kami.

"K-kunin mo na ang mga gamit nung iba, dalian mo!" Nagmamadaling hinablot ng lalaki ang mga bag ng kahit sinong pasahero sabay tutok ng baril sa kanila, hindi ko alam pero kung anong nangyari sa kanya dahil nangangatal at kabang kaba siya kaya nabitawan n'ya ang baril.

Dahil rin sa takot at kaba dali dali ko rin itong kinuha at tinutok sa kanya bigla siyang nagtaas ng kamay at nabitawan ang mga bag na hawak n'ya. Tinutukan naman ako ng baril ng kasama n'ya, kabang kaba ako hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kasi malapit na utak ko ang baril. Inilibot ko ang paningin ko sa mga pasahero, naghihintay na tulungan ako pero lahat sila'y takot, halos babae rin pala sila. Itong dalawang lalaki lang na nang hold up samin ang lalaki sa jeep na ito. 

"A-ano ba naman kayo kuya di na po kayo mabiro hehe, isasauli ko nga po 'tong baril eh." Ibinigay ko kay kuya ang baril.

"Ito na po kuya oh, tinulungan ko lang po kayong pulutin ito kasi naawa ako sa iyo dahil ang dami mong ginagawa, sinusunod mo lang ang utos nitong isa. Ikaw na nga ang sumigaw ng hold up ikaw pa kumuha sa mga bag habang itong kasama mo pa easy easy lang sa buhay. Payag ka nun kuya? Ako hindi eh, kung ako sayo sinampiga ko na 'yan." Hinablot ni kuyang maitim sakin ang baril at parang napaisip, ang dali naman pag laruan nito. Sa ginawa n'yang reaksyon parang alam ko na ang gagawin ko.

"Tumahimik kang babae ka! Tomas dalian mo jan, wag ka ngang paghanga tanga! Malapit na tayong lumagpas!" Sigaw nung lalaki kay kuyang maitim.

"Oh kuya oh, payag ka nun tanga ka raw!? Sino ba yan para tawagin kang tanga kuya? Pinapakain ka ba n'yan ha? Binibigyan ka ng sahod para utos utusan ka? Nako kuya, wag kang papayag na ganyanin ka!" Saad ko kay kuya at dahan-dahang lumapit sa kanya nanatiling nakatutok naman ang baril sa ulo ko. Takot na takot ako sa ginagawa ko ngayon, ang lakas ng kabog ng dibdib ko para ngang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko.

"Ano ba Tomas naniniwala ka sa putang babaeng yan!? Kaya ka iniwan ng asawa mo eh kasi bobo ka! Dalian mo riyan! Bobo tanga inutil! Halika na!" Doon ata sa sinabing yun ng kasamahan n'ya kaya natrigger si kuya. Kawawa naman pala 'to.

"Hindi ako bobo Sergio! Sino ka ba para utusan ako!? Amo ba kita!? Sampid ka lang naman sa pamamahay ko!" Unti unti akong bumalik sa kinaroroonan ko. Tinuturuan ni mang Tomas ng baril si mang Sergio kaya ang resulta para na silang nagpapatayan.

"Ano ba Tomas! Wag ka nga munang maging bobo ngayon! Mahuhuli tayo sa ginagawa mo eh!" Hindi na nakikinig sa kanya si mang Tomas, nanatili ang hawak nito sa baril, nanginginig at hindi ko alam kung dahil ba sa galit o takot.

"M-mahuhuli talaga tayong dalawa Sergio! Pagod na pagod na ako sa mga pinapagawa mo sa akin! Hindi ako masamang tao Sergio! Ikaw ang gumawa sakin nito! Ngayon, ilang minuto nalang at lalagpas na tayo sa lugar na 'to, marami nang tao at may nga traffic aid na sa daan. Mahuhuli tayong dalawa Sergio!" Galing ni mang Tomas pang hollywood! Kitang kita sa mukha n'ya na ayaw na n'ya sa ginawa n'ya. Mabait naman pala si Mang Tomas eh, ito lang talaga si Mang Sergio ang kontrabida.

Hanggang sa lumagpas na kami sa lugar at nangyari nga ang sinabi ni Mang Tomas, may humuli sa kanila dahil nagsimula na kaming nagsigawan sa loob at narinig ito ng mga tao at may nagsumbong sa pulis. Pinara kami at doon na sila nahuli. Hindi na kasi makagalaw si mang Sergio dahil nakatutok sa kanya ang baril ni Mang Tomas, binantaan nito na kapag gagalaw siya ay babarilin siya nito.

"Naku iha salamat sa ginawa mong kabayanihan sa loob kanina, mabuhay ka sana hanggang kailan mo gusto iha." Saad ng lola pagbaba namin sa jeep.

"Naku wala po 'yon lola, ginawa ko lang ang dapat kong gawin kasi kung ikaw naman nasa kalagayan ko gagawin mo rin naman diba?" Nginitian lang ako ni lola.

"Iha ang kasiyahan mo ay nasa tabi mo lamang, kung ano ang kanyang magiging kamalian sayo sana patawarin mo." Makahulugang saad ni lola bago umalis. Ha? Pinagsasabi nun? Ano ba naman to si lola gulo n'ya isip ko.

"Miss ikaw ba ang tinutukoy nilang babae kanina na kumausap sa nga holdaper?" Nagulat ako nang bigla akong nilapitan ng mga pulis, jusko baka akala nila kasama ako sa sa mga holdaper na 'yon dahil kinausap ko sila.

"Naku kung pulis hindi po ako kasamahan ng mga 'yon! Isa po akong mabuting anak ng bansang Pilipinas hindi po ako makasalanan!" Halos naiiyak na akong nagpapaliwanag sa kanya.

"Iha sumama ka samin sa presinto."

Putanginang buhay naman oh!

********************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Running Into A Billionaire (Probinsyana series #1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon