CHAPTER 2

4.8K 122 12
                                    

CHAPTER 2

"Hala bakit po may sunog hehehe?" May maliit na mga apoy na nabuo sa likod bahay, yung nilagay kong mga kahoy roon ay unti unting kinakain ng apoy. Dali daling kinuha ni Sir Jahmal ang hose at tinapat sa nagbabagang mga kahoy hanggang sa naapula ito at mamatay.

Galit na galit na nakatingin sa'kin si Sir Jahmal, kunot na kunot ang noo n'ya na tila gusto akong kainin ng buhay.

"Sino ba ang tangang nagsaing sa likod?" Madiin n'yang tanong. Napakamot naman ako sa ulo, grabe 'to si sir Jahmal oh, inaano ko ba 'to?

"Ay sir, ako po ang nagsaing pero di ko ako yung tanga hehehehe." Mahina kong sagot.

"Kasalanan ko bang hindi ako marunong sa rice cooker n'yo sir? Ilang oras na akong naghintay pero wala parin, hindi parin naluluto sir. Peace po tayo hehehehe." Itinaas ko ang dalawa kong mga daliri at pinakita ang peace sign sa kanya.

"Kasi hindi mo sinaksak sa kuryente. Paano maluluto 'yon? Stupid." Grabe naman 'to maka stupid si Sir oh, perfect perfect?

"Sorry po Sir." Hinging paumanhin ko nalang, minsan hindi naman kasi masamang humingi ng paumanhin kapag kasalanan mo.

"I wish it won't happen again." Seryoso n'yang saad at umalis sa harapan ko. Hindi na talaga 'to mauulit kasi nakakahiya.

Grabe ano ba kasi ang nandito bakit ang hirap gamitin? Pinagpag ni sir ang kanyang mga kamay at tiningnan ako ng mariin, yumuko naman ako dahil nakakahiya nga ang ginawa ko.

"What's happening here?" Biglang saad ng babae sa likuran namin, lumingon ako at nakita ko ang babaeng naka tuwalya lang. Matangkad siya, maputi mapula ang mga labi. Maganda siya pero mas maganda ako.

"Little problem. Go back to bed." Habang sinasabi ni sir ang mga katagang yan parang wala siyang pakialam sa babaeng sinasabihan n'ya. Medjo ewan ko nalang. Nagkibit balikat nalang ako at bumalik sa kusina. Naglinis nalang ako roon at sinama ko nalang din ang garden, ganitong ganito ang ginagawa ko sa'min eh. Nagbubungkal ng lupa para maglinis at minsan para magka pera.

Mag-gagabi na at dumating na rin si Sir, nakita ko kasi s'yang umalis kanina kasama ang babae kanina. Baka girlfriend n'ya yun o ano kasi kung makalingkis napaka landi eh.

Nasa garahe na ang kotse ni Sir at lumabas na rin s'ya, napakunot noo ako nang makitang umikot pa s'ya sa kabilang kotse at may pinagbuksan. Lumabas ang isang sosyal na babae. Kulay puti ang suot nito na napaka ganda, ang puti n'ya rin at kulay blond ang buhok n'ya. Pulang pula rin ang lipstick nito. May hawak akong walis habang nanonood sa kanilang pagdating.

"Don't disturb us." Saad ni Sir Jahmal at hinila papunta sa kwarto ang babae.

"Mia, come here babe." Narinig kong saad ni sir Jahmal habang hinila ang babae papasok sa kanyang kwarto. Kumunot nalang noo ko at sinarado ang pintuan, pinuntahan ko rin ang gate at sinara ito.

Ilang oras na ang lumipas at papasok na sana ako sa kwarto nang may narinig akong parang umuungol. Luh ano yun? Kinabahan ako kaagad, ano yun? Multo?

"Ugghhh uhh uhh uhh." Ang lakas nang kabog ng dibdib ko, may multo sa bahay na 'to? Bakit naman parang nasasarapan ang multo base sa ungol na naririnig ko?

"Uhh uhh uhh uhh." May narinig akong humahampas sa pinto kaya takot na takot na ako. Napaka agresibo naman ng mga multong ito! 

"Ugggh ahhh fuck me! Uhm deeper Jahmal ahh ahh ahh yes yes that's it babe uhmm!" May lalong lumakas ang ungol ng multo. Wait nag eenglish ang multo!? Grabe naman ang sosyal pala eh, kahit multo nag eenglish na.

Nakakatakot pa naman ang bahay na 'to dahil bukod sa kaming tatlo lang ang tao rito napakalaki pa.

"Ugh ugh ugh ahhh that's really big babe uhmm ahhh ahhh uhmmm yeahhh deeper uhm ahh ughhh!" Mas lumakas ang ungol na naririnig ko kaya nagsimula na akong magdasal. Nilakasan ko ang boses ko para kahit anong mangyari matutulungan nila ako.

"Lord sa lahat ng elemento na nandito wag mo pong hayaang makasakit sa'min Lord, nagmamakaawa po ako. Ano po ba ang kasalanan ng multong 'to kaya 'di makapasok sa langit Lord? Kahit ano na po tutulungan ko siya." Medyo malakas na ang boses ko habang nagdadasal ng taimtim pero nanatiling nasa paligid ang tenga ko para kung sakaling may mangyari masama, alerto ako kaagad.

"Ughhh uhmmm ahhh ahhh!" Parang humihiyaw na ang multo. Kaya mas nanalangin ako.

"Patawarin mo po kami sa lahat ng kasalanan namin Lord! Nagmamakaawa po ako, tanggalin mo lang ang masamang elementong 'to!" Halos sumisigaw na rin ako dala sa labis na takot.

"Lord bakit po parang nasasarapan ang multong 'to Lord? Ano ba talaga?" Bakit parang di rin naririnig nila sir Jahmal eh parang malapit naman sa kwarto n'ya ang ungol ng multong 'to. Ako ang kinakabahan para sa kanila, baka may mangyaring masama sa kanila sa loob.

Unti-unting nawala ang ungol ng multo kaya napahinga ako ng maluwag. Thank you Lord. Dali dali akong umalis sa kinatatayuan ko at pumasok sa kwarto ko, kinuha ko ang mga panangga, hinalungkat ko ang dala kong bag at kinuha ang mga rosaryo at holy water na dala dala ko.

Dali dali rin akong tumakbo papunta sa kusina. Kumuha ako roon ng bawang at kutsilyo, pagkatapos kong makuha ang lahat pumunta ako sa harap ng kwarto ni sir Jahmal. May narinig akong mahihinang ungol at parang nagbabanggaang gamit. Baka inaatake na sila ng multo!

Winisikan ko ng holy water ang pinto at habang winiwisikan ko ito sumasabay rin ang ungol ng multo. Sa paanan ng pinto nilagay ko rin roon ang rosaryo at ang mga bawang. Nagdasal ako saglit at umalis na. Kinakabahan ako dahil baka may nangyayari na sa kanila sa loob dahil sa multo. Hindi ko pa naman labis na kilala si Sir Jahmal pero ayaw kong mapahamak s'ya. 

Umalis na ako at bumalik sa kwarto ko, kailangan kong maging matatag. Nagdasal nalang muna ako na sana gabayan kaming lahat sa gabing ito. Sana bukas gigising pa kami.

********************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Running Into A Billionaire (Probinsyana series #1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon