CHAPTER 29

2.5K 50 0
                                    

CHAPTER 29

Hindi ko akalaing limang buwan na ang nakalipas mula noong manligaw sa akin si Sir Jahmal. Hindi na rin n'ya ako pinatatrabaho sa mga gawaing bahay at kumuha nalang siya ng iba, si Manang Fely. Hindi ko akalain na sa pagiging katulong ko pala magbabago ang buhay ko.

Life is indeed miraculous, in 2 seconds pwedeng mabago ang takbo ng buhay mo. And to those who keeps on trying everyday and carrying a heavy heart in silence, I assure you it's gonna be okay someday. Charot napa english tuloy ako.

Anyway hindi ko alam kung saan ako dinadala ni Sir ngayon, nasa kotse kami at may tinatahak na daan.

He keeps on looking at me and smile and it's frustrating me! Parang sira lang kasi sarap sapakin.

"What?" Umiling iling siya at ngumiti na naman na parang baliw. Gash what is his damn problem!? Nagulat ako at namula nang hawakan n'ya ang kamay ko. Ano ba naman 'tong taong 'to, lagi nalang akong pinapakilig.

"I just can't believe it, ang ganda ng babaeng nasa tabi ko ngayon. Like damn." He casually said. Wala na natunaw na ako sa damuhong 'to lakas magpakilig eh.

"Weh, baka sa una lang yan Sir ha, ganyan naman kasi lagi eh. Sa una lang mahal, sa una lang masaya pero pag dating sa huli wala. Sakit lang ang inabot ko dahil infatuation lang pala ang nararamdaman mo sa akin." I said as a matter of fact. Ganyan naman kasi halos lahat ng relasyon diba, sa una lang masaya, sa una lang mahal pero kapag nagsawa na kapag napagod na wala na itchapuwera ka nalang.

"I date to marry. All those girls are just my flings, they aren't my girlfriends. Nanliligaw ako para pakasalan ko." Wala na hulog na ako. Hulog na hulog na talaga, hindi na ako maka ahon. Charot lang.

"Uhm haha okay, pero saan muna tayo ngayon pupunta Sir?" Tanong ko sa kanya.

"Bibilhan kita ng kotse Madame." Gulat na gulat ako sa sinabi n'ya. Literal na nabulunan ako sa laway ko. Pinagsasabi na naman nito!? Parang tanga eh.

"Luh ikaw ba ay nababaliw na talaga sir!? Wala ka bang ibang magawa!? Tinatapon mo nalang yang pera mo!? Ang daming nagugutom sa mundo tapos ikaw ibibili mo lang yang pera mo ng kung ano ano! Baliw ka ba!? Hindi mo nga alam kung worth it ba ako sa mga ginagawa mo!" Sigaw ko sa kanya, hindi ko na kasi mapigilan ito kasing taong 'to parang tanga eh. Ang eme eme n'ya!

He just smirked at me, tumigil na pala kami.

"Wala ka nang magagawa, andito na tayo." Hindi na ako naka imik nang lumabas siya at pagbuksan ako ng pinto.

Pumasok na kami at halos napanganga ako sa lahat ng mga sasakyan dito. Ang gaganda, ang daming dealers na lumapit sa amin. May isang kotse ang nakakuha ng pansin ko, ang ganda n'ya sobra. Kulay pink siya at napaka astig tingnan. Lumapit ako at hinaplos ito.

"Ma'am that's the Chevrolet Corvette, it costs ₱9.916 Million ma'am." Nanglaki ang mata ko at mabilis na tinanggal ang kamay ko sa kotse. Pusang gala kainin n'yo nalang yang kotse n'yo. Ayaw ko na n'yan. Ang mahal pusang gala talaga.

"Do you like it?" Narinig ko ang bulong ni Sir Jahmal sa likod ko. Umiling iling ako, baka kasi bibilhin n'ya. Ang mahal pa naman, saan naman ako kukuha ng ganun kalaking pera?

"Hindi sir kasi ang pangit pangit tingnan mo oh tas ang mahal pa. Tara na sir alis na tayo sa lugar na 'to dahil parang masusuka ako." Hinawakan ko ang kamay n'ya at hinila ngunit hindi siya natinag, lumapit siya roon sa dealer ng sasakyan at kinausap ito.

"We'll take this one---" Hindi ko na narinig kung ano ang pinag uusapan nila dahil umalis na ako. Mahihimatay ako sa presyo. Naiinis din ako kay Sir Jahmal kasi hindi naman n'ya ako kailangan bigyan ng kung ano ano. Masaya na akong kasama siya. Nauna ako sa kotse at ilang minuto dumating na rin siya. Hindi ko siya pinansin, nanatiling nasa labas ang tingin ko.

"They said bukas na bukas darating sa bahay natin ang kotse mo and you don't have to worry I paid it full. Sayo nakapangalan at hihintayin nalang natin ang mga documents. About your license kukuha agad tayo bukas para magamit mo na ang sasakyan mo. Hey are you even listening?" Hinaplos n'ya ang buhok ko at dahil sa ginawa n'ya tumulo tuloy ang luha ko.

"Hey baby what's wrong? Why are you crying?" He asked with concern in his eyes. Mahina ko siyang pinalo.

"Bakit mo ako binibilhan ng kung ano ano ha? Hindi kita kayang bayaran, kahit magtrabaho pa ako sayo buong buhay ko hindi ko parin kayang bayaran 'yan. Ano ang kapalit?" He's taken aback because of my question. Pero wala, gusto kong malaman kasi natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.

Dahan dahan n'ya akong hinalikan sa ulo at niyakap. "Stop crying please, wala kang kailangang bayaran kasi hindi naman ako nagpapabayad. Ginawa ko 'yan ng bukas sa puso ko because I love you. I love you so much. Stop crying already okay?" Tumango nalang ako sa sinabi n'ya.

Buong buhay ko walang nagbigay sa akin ng assurance na ganito. Akala ko buong buhay ko lagi nalang ako manghihingi ng assurance sa taong gusto ko. Pero ngayon? Binibigay n'ya ang assurance at consistency kahit hindi ko hinihingi.

"Why are you freaking like this? I'm just simple, isa lang akong katulong bakit parang pakiramdam ko hindi ko deserve ang pagmamahal na binibigay mo sa akin ha?" I asked full of tears. Para kasing I don't deserve his love, he's too good to be true.

"No, parang ako nga ang hindi bagay sayo kasi you're too pure habang sobrang makasalanan ko naman. I did this for you because you save me from the dark. Baka kung hindi ka pa dumating sa buhay ko matagal na akong nakabaon sa lupa at hindi humihinga kaya kung may magpapasalamat sa ating dalawa ako 'yon." Tumigil muna siya at tumitig sa akin.

"I can see my future in you."

I pray to keep him forever and I hope the universe would answer my prayer.

*******************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Running Into A Billionaire (Probinsyana series #1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon