CHAPTER 37

2.5K 55 7
                                    

CHAPTER 37

"T-tay anong oras siya umalis?" Taranta kong saad, wag naman sana mangyari ang kinatatakutan ko. Kumunot ang mga noo ni tatay, tila naguguluhan sa inasta ko.

"T-teka tay t-tawagan ko lang siya baka ano po baka may importante lang na gagawin." Hindi ko na mapigilang mapaluha, humihikbi na rin ako dahil sa nararamdaman ko. Siguro mali lang ako ng iniisip ngayon, siguro may importante lang siyang gagawin kaya nakalimutan n'yang magpaalam sakin. Kaya siguro maaga siyang umalis dahil biglaan ang lakad n'ya. Siguro ganun nga, dapat akong magtiwala sa kanya kasi ano naman ang dahilan kung bakit n'ya ako lolokohin? Diba? Kaya dapat kumalma lang ako.

Tama tama hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari kaya dapat akong maghintay sa kanya, hindi dapat ako susuko.

Ngunit dumaan ang mga araw ay linggo ngunit hindi parin siya nagpakita. Ni isang text o tawag hindi n'ya man lang nagawa. Ilang beses ko siyang tinatawagan ngunit walang sumasagot, lagi n'ya akong pinapatayan.

Nasasaktan ako kasi wala naman akong karapatang magalit dahil walang kami. Bakit kailangan n'yang iparamdam sa akin na mahal n'ya ako pero iiwan lang din sa bandang huli? Hindi ako pwedeng magreklamo kasi walang kami.

"Anak kain na, ilang araw ka nang tulala oh." Kita ko ang lungkot sa mga mata ni tatay. Pati ako nalulungkot dahil ayaw kong nakikita siyang malungkot.

"Mamaya na po ako tay mauna ka na po." Mahina kong saad, pilit ko siyang nginitian ngunit niyakap n'ya lang ako. Doon na ako umiyak sa balikat n'ya. Bakit kasi napaka unfair ng mundo?

"Tahan na anak, wag mong iyakan ang taong binalewala ka lang. Maging matatag ka para sa sarili mo dahil hindi siya kawalan. Kahit nawala siya sa'yo okay lang 'yon basta ang importante wag lang ang sarili mo ang mawala." Sapol na sapol ako sa sinabi ni tatay. Kumalas ako sa kanya at humiga. Tumalikod ako para hindi n'ya makita ang mga luhang nahuhulog galing sa mga mata ko.

"Alam kong ayaw mong kumain pero nag aalala ako anak, kukuha ako ng pagkain sa kusina ha. Dadalhan kita at dapat kainin mo." He said full of authority. Hindi ko siya nilingon, nanatili lang akong nakatalikod sa kanya.

Naramdaman kong umalis na siya at kumuha ng pagkain. Umiyak na naman ako, para kasing ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Parang pasan pasan ko ang mundo dahil sa nangyari.

Nakakatawa lang, kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin. I told him about my trauma kasi akala ko hindi n'ya 'yon gagawin sa akin pero nakaka disappoint kasi ang mismong taong pinagkatiwalaan ko siya naman ngayon ang rason kung bakit ako umiiyak at bumabalik sa dati. Ang sabi ko sa kanya tanggalin n'ya hindi dagdagan, grabe naman.

"Ito na nak, niluto ko 'yan kanina kasi alam kong favorite mo 'yan." Bumangon ako at tumingin sa niluto ni tatay. Tortang talong, that's really my favorite. Dati, ang saya saya ko kapag nilutuan ako ni nanay. Simpleng pangyayari pero parang gusto kong bumalik kasi I was genuinely happy that time.

Kakain na sana ako nang maamoy ko ito, parang bumaliktad ang sikmura ko at nagmamadaling pumunta sa banyo para sumuka.

"Anak okay ka lang ba?" Alam kong nag aalala si tatay sakin pero ang tindi talaga ng sikmura ko. Parang binabaliktad ito.

"Daffodilla, sabihin mo nga sa'kin ang totoo. Buntis ka ba?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni tatay. Buntis? Ako? Paano? Hindi naman kami--napatigil ako nang may maalala.

"T-Tay hindi ko alam." Nanginginig kong saad. Hindi pwedeng mabuntis ako, hindi pwede. Hindi ko kayang alagaan ang batang ito. Wala siyang kikilalaning ama dahil hindi pa man alam ng ama n'yang buhay siya iniwan na siya nito kaya hindi ako pwedeng mabuntis. Ang bata ang kawawa.

"Maghintay ka riyan. Pupunta akong bayan bibili lang ako ng pregnancy test. Hintayin mo ako Daffodilla ha at magtutuos tayo mamaya." Takot na takot ako, napaka seryoso ng boses ni tatay. Alam kong galit siya, alam kong kasalanan ko.

"T-tay patawad." Iyon lamang ang aking nasabi, tiningnan lang ako ni tatay bago umalis. Napaiyak na naman ako, bakit kailangang mangyari 'to? Bakit pinaparusahan ako ng tadhana? Bakit? Ano bang naging kasalanan ko? Bakit parang sobra na?

Nawala ako sa sarili saglit, nadala ako sa galit, nadala ako sa sakit. Mabilis akong naglakad papuntang kusina hinanap ang pinakamatulis na kutsilyo at balak sanang maglaslas. Wala akong nararamdaman kundi paghihinagpis, hindi na ako nag iisip ng tama basta ang gusto ko lang ay magpahinga habang buhay. Balak ko na sanang laslasin ang sarili ko nang biglang dumating si tatay. Inagaw n'ya ang kutsilyo kaagad at sinampal ako.

"Ano bang balak mo!? Magpapakamatay!? Nahihibang ka na ba!?" Humagulgol ako ng iyak at napaupo sa harapan n'ya.

"Tay patawarin mo ako tay, nagmamakaawa ako. Patawad kung hindi ako lumaki tulad ng inaasahan mo. I'm sorry if I failed as your daughter. Pasensya na 'tay." Lumuhod ako sa harapan n'ya habang humahagulgol, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pitong lito na ako. Nahihirapan ako ng sobra dahil sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko.

"Anak you didn't fail as my daughter. Nagkakamali ka because you're human. Nobody's perfect, everybody makes mistakes. Please labanan mo 'yang masasamang nasa utak mo. Nawalan na ako ng asawa at ayaw kong maglibing naman ng anak." Umiiyak na rin siya. Kasalanan ko 'to eh, nasasaktan ang ama ko dahil sa mga maling desisyon ko sa buhay.

"Paano kung buntis ako Tay? Paano ko palalakihin ang bata? Tay hindi ko alam, nahihirapan ako Tay." Niyakap n'ya ako at hinalikan ang ulo. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso n'ya, ang lakas. Takot na takot siya sa nakita n'ya kanina. Nagpapasalamat akong naabutan n'ya ako dahil kung hindi baka wala na rin kami ngayon ng anak ko.

"Mabuti nalang naiwan ko ang pitaka ko kaya bumalik ako paano kung hindi? Baka mawalan na naman ako ng mahal sa buhay anak. Kung buntis ka nandito lang ako hindi ka iiwan ng tatay anak. Mawala man silang lahat sa buhay mo, hinding hindi kita iiwan anak. Pangako." Ngayon ko lang napagtanto na ang swerte swerte ko sa tatay ko. Kung sakaling buntis man ako, papalakihin ko ang bata, ako ang magiging ama at ina n'ya kaya hinding hindi na n'ya hahanapin ang lalaking bumuo sa kanya.

********************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Running Into A Billionaire (Probinsyana series #1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon