CHAPTER 23

2.7K 64 8
                                    

CHAPTER 23

"Evan! Where the hell are you!" Sir's voice echoed. Hinahanap nito si Evan, natutop ko naman ang bibig ko dahil sa kaba. Paano kung may gagawin siya sa kanya? O sa kanila?

"Hey couz, bakit?" Evan said. Nakasuot ito ng maong short at naka sando. Kakababa lang nito galing sa taas. Mukhang naguguluhan dito dahil sa malakas na pagtawag ni Sir Jahmal sa kanya, well sino nga bang hindi maguluhan? Ang lakas lakas ng boses ni Sir Jahmal parang kakain ng tao eh.

"Get that bitch out of my house. Get that bitch out Evan o kakalimutan kita bilang pinsan ko." He seriously said. Napalunok ako.

Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Sir. Kasalanan ko talaga 'to. This isn't right.

"S-Sir a-ano okay lang po ako." Pagpapaliwanag ko sa kanya. I swear, nakakatakot ang mukha n'ya ngayon.

"No, that girl needs a lesson. Hindi pwedeng gaganyanin ka n'ya."

Napalunok nalang ako at hinayaan siyang magsalita.

"Couz I'm sorry for what happened, ako na bahala sa kanya. Iuuwi ko nalang silang dalawa. I'm really sorry." Hinging paumanhin ni Sir Evan.

"You better be, ikaw ang nagdala sa kanilang dalawa rito sa pamamahay ko Evan so you should shoulder the consequences of your visitor's actions." I scratch my arms, at umiling iling. Hindi naman tamang si Sir Evan ang mananagot sa kagagawan ni Jessica diba? That's unfair.

May narinig akong mga paang papunta sa direksyon namin at nakita ko si Jessica na hanggang ngayon ay naka bikini parin. Hindi ba siya nilalamig sa suot n'ya? Tsk tsk mga tao nga naman.

"What's happening here? What's this noice all about? Why are you guys shouting?" Naguguluhan n'yang tanong. It's because of you, gusto ko sanang sabihin pero baka ako balingan ng galit nila kaya chill nalang muna ako sa gedli.

"I want you to pack all your things." Jahmal told her sternly. Ayan, gaba nimo dzai. (Ayan, nakarma ka tuloy.)

Bakit kasi may mga taong hihilahin ka talaga pababa? Eh wala ka namang ginawang masama sa kanila? Dala ba ito ng inggit? Pero saan naman siya maiingit sa akin? Kung tutuusin ako dapat ang maiingit sa kanya dahil maganda ang trabaho n'ya. Mayaman pa, kumpara sa akin na katulong lang. Hindi sa inaano ko 'yong pagiging katulong ha pero sabihin na nating mas malaki ang sweldo n'ya di siya nagpapakahirap magpa alila sa iba.

"E-Excuse me what?" Hindi siya makapaniwala, halata sa expresyon n'ya. Hurt is evident in her face, kung ako rin sa kalagayan n'ya masasaktan din ako.

"I don't want a mouse in my house Jessica. Kailangan pagbalik ko wala ka na sa pamamahay ko kung ayaw mong kaladkarin kita palabas." Napadilat naman ang mata ko sa sinabi ni Sir, luh grabe siya kaladkarin agad? Ano to nasa pelikula kami?

Jessica walked out, nakita kong pumunta siya sa kuwartong tinutulugan nila. Umalis na rin si Sir Jahmal habang sinundan naman ni Sir Evan si Jessica.

"Well that's awkward." Nagulat ako sa biglang nagsalita sa likod ko. Si Sir Green, hala wala naman to kanina rito ah.

"Ah yeah." Lumingon ako sa kanya, he's staring at me like I'm some kind of food. Parang tumayo ang mga balahibo ko sa batok dahil sa paraan ng pagtitig n'ya. Napadako ang mga mata ko sa labi n'ya nang bigla n'ya itong dilaan.

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong kumabog ng mabilis. Nagulat ako nang tumawa siya. A sexy laugh.

"If you could just see your face hahahah." Napapikit ako dahil bigla siyang lumapit sa akin. Naramdaman ko ang kamay n'ya sa ulo ko.

"Take care. Wag magpapadala sa mga taong gagamitin ka lang. Goodluck." He said in a husky voice. Nang dumilat ako wala na siya sa harapan ko.

"Omygod pinaggagawa nun? Pero bakit kinakabahan ako? Susko maryosep." Dali dali akong umalis sa kinatatayuan ko at naghanap ng pwedeng gawin. I want to keep myself busy para hindi ko maisip ang mga nangyari ngayong araw na 'to.

Hindi ko nakita si Sir Jahmal, hindi ko alam kung saan siya pumunta. Kaya ang ginawa ko ginawa ko nalang lahat ng pwede kong gawin para lamang hindi maisip nangyari kanina sa pagitan namin ni Sir Green. Nasa labas ako nang makita ko si Jessica dala dala ang luggage n'ya at nakasunod nito sila Sir Evan at Sir Green. Jessica stared at me with hatred in her eyes. She's clearly shooting daggers at me! Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina lang ako naka bulagta rito.

"Are you happy now? Huh bitch?" She said habang nasa harap ko na. Uh uh this isn't right. Galit na galit siya eh, parang mangangain ng tao.

"Uhm watch me whip? Watch me nae nae?" Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nasabi. Gago pinagsasabi ko? Kasi naman kinabahan ako sa kanya!

Narinig kong tumawa sa likod n'ya sina Sir Evan at Sir Green dahil sa sinabi ko.

"Shut up you two! It's not even funny!" Singhal n'ya sa dalawa kaya tumigil ito.

"Do you think you won!? The game is still starting loser, hinding hindi ka mananalo sakin!" Sigaw n'ya sa mukha ko. Naramdaman ko namang tumalsik ang laway n'ya sa mukha ko.

"Yuck ano ba yan asan manners mo beh yung laway mo oh." Mahinang saad ko sabay pinahiran ang laway sa mukha ko.

"I don't care!" Napangisi ako. Galitin pa natin.

"Galit na galit? Usto manakit?" Sabay ngiti sa kanya. I know hindi na n'ya kaya, naramdaman ko nalang ang sakit ng anit ko dahil sa malakas na kapit n'ya sa buhok ko. Hindi ko 'to napaghandaan. Naramdaman ko nalang na may nagtanggal sa kanya sa pagkakahawak sa buhok ko at pinaghiwalay kami. It's sir Jahmal nagulat ako nang hinawakan n'ya ang pala-pulsuhan ni Jessica.

Hindi ko alam kung bakit para akong nasaktan sa nakita. Hello? Ako ang sinabunutan pero bakit parang siya kinakampihan mo? Gusto ko sana sabihin pero nanatili lang akong natuod na nakatayo habang tinitingnan silang inaayos ni Sir Jahmal ang buhok ni Jessica. What a fucking sight.

Aalis na sana ako nang nagulat nalang ang lahat, kinuha ni Sir Jahmal ang luggage ni Jessica hawak din n'ya sa kabilang kamay ang pala-pulsuhan nito sabay kaladkad sa kanya paalis.

"I told you you will not like it when I'm mad."

*******************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Running Into A Billionaire (Probinsyana series #1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon