CHAPTER 35

2.6K 70 1
                                    

CHAPTER 35

Natatakot ako para sa mga buhay nila. Ako rin hindi ako maka imik ni parang pinipigilan ko ang paghinga dahil sa takot. Hindi ko akalaing hahantong kami sa ganito.

"S-sir tama na po. Hayaan nalang po natin sila." Mahina kong saad habang dahan dahang humawak sa braso n'ya. Lumingon siya sa akin, lumamlam ang mga mata n'ya ngunit umiling sila.

"They made you cry, the made my queen cry and I won't tolerate it. Not in my watch." He furiously said while giving them a glare. Natatakot ako sa pinapakita n'ya sa akin ngayon. Parang hindi siya ang Jahmal na nakilala ko, parang iba siyang tao. Nakakatakot, nakakaba, nakakabahala.

"S-sir tama na po okay? Okay lang po ako ako. Umuwi nalang po tayo sir, hindi na po kailangang umabot tayo sa ganito sir." I said almost begging. Hindi naman kasi ganito ang nakilala ko.

They are shaking, kitang kita ko ang takot sa kanilang mga mata. Halos hindi na sila makagalaw sa kaba. Nakahawak sa dibdib n'ya ang ina ni Aljon habang nanatili namang hindi gumagalaw si Aljon dahil sa takot. Ikaw kaya lagyan ng pulang marka sa ulo mo, sa tingin mo hindi ka matatakot? Siguro kung ako ang nasa kalagayan nila matagal na akong nahimatay sa takot.

"T-tanggalin mo 'to! S-sino ka para gawin sa'kin 'to!? Hindi 'to makatarungan! Come on Daffodilla help us!" Aljon helplessly said. I can see fear in his eyes while saying those words. Bilib din ako sa taong 'to kahit dapat na silang magmakaawa ngayon nagmamataas pa. Parang nawala tuloy ang awa ko para sa kanila dahil sa sinabi n'ya.

"I change my mind. Patayin mo nalang pala sila, wala naman silang kwenta." The coldness in my voice crept through my heart. Nawala ang awa ko sa kanila. Naalala ko kung paano nawala si nanay dahil sa kahibangan ko sa isang walang kwentang lalaki.

"Nak." Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Si Tatay, ngunit wala akong pakialam.

"Gusto ko na palang nakita silang nagdudusa sa harap ko. Kung babarilin lang sila ngayon mawawalan ng saysay ang mga paghihirap na dinanas ko noon sa kamay nila. Kaya siguro mas mabuting pahirapan muna sila bago patayin." I casually said habang kining sumimsim sa kapeng nasa harapan ko.

Jahmal looked at me like I am a queen. He smirked at dahan dahang hinalikan ang kanan kong kamay.

"Yes my queen. Noted, saan mo ba sila gustong pahirapan?" Tanong n'ya. Ngumiti ako sa kanya bago bumaling sa tatlong taong halos mawalan na ng kulay dahil sa takot.

"Hmm saan nga ba maganda? Siguro kung saan doon nila dinala ang mga taong pinatay nila dahil takot silang malamangan? Hm?" Mahina kong saad. Noong magkasintahan pa kami ni Aljon marami akong natuklasan sa pamilya n'ya, marami silang pinatay, marami silang pinahirapan pero wala akong magawa para tulungan ang mga taong ginanun nila dahil wala akong ebidensya at hawak nila ang batas.

"A-anong pinagsasabi mo? Nababaliw ka na Daffodilla! Nababaliw na kayo! Mga putang ina n'yo!" Napatawa ako ng mahina sa sinabi ng ginang.

"Unahin mo ngang pasabugin ang ulo ng babaeng 'to. Ang ingay ingay ng bibig eh." Mala demonyo kong saad na nagpa tahimik sa kanya.

Nakakatawa talaga ang mga tao, kayang kaya nilang gawin ang mga bagay na masama para lamang hindi malamang. Kaya nilang pumatay para sa pera. Mahirap maging mahirap dahil kahit ikaw ang agrabyado kung wala kang pera hindi ikaw ang papanigan. Katulad nalang ni Aling Melba, pinagkalulo n'ya kami sa mga demonyong 'to dahil sa pera. They offered her 3 million para lamang ibigay sa kanila ang titulo. Nang makita naman kanina ang attache case na may lamang pera nagkukumahog na umalis. Ang kapal ng mukha.

"Chill lang kayo ano ba. Para kayong constipated ah." Humalakhak ako at pumalakpak.

"Luhod." Madiin at seryoso kong saad.

"Hello, yes after 5 seconds at ni isa sa kanila wala pang lumuhod. Pasabugin mo na ang mga ulo." Saad ni Jahmal sa kausap n'ya sa cellphone. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa gilid ng kanyang mga labi.

"Ang galing mo naman mahal." Mahina kong bulong. I felt him stiffened by my sudden actions.

"Anyway---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana nang lumuhod silang tatlo sa harap ko. Nagulat ako sa ginawa nila, sila kasi ang klase ng tao na hinding hindi luluhod sa kahit na kanino. Nakakatawa nga namang tingnan, ako ang kinakawawa nila kanina pero tingnan mo naman ngayon sila na ang nakaluhod sa harap ko.

"Nakakatawa kayong tingnan alam n'yo ba? Nakakatawa ang mga hitsura n'yo ngayon. Tama nga talaga ang sinabi nila, bilog ang mundo. Hindi natin alam nasa ibabaw pa tayo ngayon pero bukas baka tayo naman ang nasa ibaba." Makahulugan kong saad sa kanila.

"Tama na 'yan tumayo na kayo." Dali dali silang sumunod sa sinabi ko.

"Jahmal?" I called him, lumingon siya sakin tila nagtatanong sa sunod n'yang gagawin. Imbes na sumagot ako, tumayo ako at tumingin sa pinanggagalingan ng pulang ilaw.

"N-no p-please wag mo kaming patayin. M-magbabago na kami maawa ka." Nagmamakaawang saad ng ina ni Aljon. She desperately clasped her hands. Tumaas ang kilay ko sa inakto n'ya, akala ko ba bad bitch tong ginang na 'to? Bakit takot mamatay?

"O-oo m-magbabago na kami, maawa ka. Wag mo kaming patayin. Patawarin mo kami iha." Saad naman ng ama n'ya. Naramdaman kong humawak sa mga braso ko si Tatay, hinawakan ko lang ang mga kamay n'ya tila pinapakalma siya. Gusto kong sabihin sa kanya na kaya ko 'to na magtiwala lang siya sa akin.

"I'm so sorry for leaving you in that altar. Patawarin mo ako please spare my family's life Daffodilla I know hindi ka ganito please." Si Aljon naman ngayon ang nagmamakaawa.

Humalakhak ako sa harap nila, pinatayo ko narin si Jahmal.

"Chill, hindi ko kayo ipapatay. Hindi pa sa ngayon. Let's go Jahmal." Makahulugan kong saad at naunang maglakad sa kanila, alam kong nakasunod lang sa akin sila Sir Jahmal at si Tatay.

Pagkalabas natin, hindi ko na talaga mapigilan. Humalakhak ako.

"WAHAHAHA kung nakita mo lang ang mga mukha nila WAHAHAHA!" Tawang tawa ako narinig ko rin na tumawa rin silang dalawa.

"Ang galing mo kanina roon ah HAHAHA!" Saad ni tatay.

"Galing ko nga Tay, nakita ko lang 'yon sa TV eh WAHAHAHAHA ginaya ko lang WAHAHAHAH!" Tawa kami nang tawa. Lumingon ako kay sir Jahmal pero he's just staring at me with amusement.

"Tsk, crazy."

********************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Running Into A Billionaire (Probinsyana series #1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon