CHAPTER 22

3K 75 5
                                    

CHAPTER 22

"Tell me what really happened Daffodillia and don't lie." He intently stared at me. Lumakas ang kabog ng dibdib ko, how can he look so dashing while being serious!? Asan ang hustisya?

"Uhm uhm hihi." Hindi ko na alam ang sinasabi ko dahil naka focus ang mata ko sa mga utong n'ya na para bang tinatawag ako.

"Ganito kasi 'yon sir, ene be sir ang utong n'yo parang tinatawag ako. Pwede papisil kahit saglit lang? Ang cute kasi eh hihi." Parang may pwersang nagtaas sa kamay ko nang bigla kong hawakan ang dalawang utong ni Sir at marahan itong pinisil.

Gulat na gulat ako sa ginawa ko habang nanlaki naman ang kanyang mga mata. What the fuck did I just do? Dali dali kong binaba ang mga kamay ko. Sir's cheeks heated, I mean nag blush siya dahil sa ginawa ko? Parang ganun.

"W-What the hell!?" Dali n'yang bawi sa reaksyon n'ya bago tumayo. Binalik ko ang tingin sa pool, wala ng tao rito dahil lahat sila nasa loob.

Pagkatapos ng mga nangyari kanina parang nawalan na lahat ng ganang maligo. Noong tinulak ni Sir Jahmal si Jessica sa pool walang nag abalang iligtas siya dahil unang una marunong lumangoy ang babae. Nagmamadali itong umahon sa pool at nagmartsa papasok sa loob. Sumunod naman si Clyde at Evan dito. They're friends of course.

"Joke lang Sir, ikaw naman. Parang utong lang eh! Ang arte arte mo! Daig pa nito babae!" Saad ko at inikotan siya ng mata.

"What the hell are you saying woman? Kung utong mo kaya pisilin ko?" Napaubo ako ng mahina sa sinabi n'ya, para akong nabilaukan sa sarili kong laway.

"Ikaw naman sir! Parang binibiro lang eh!" Bawi ko kaagad.

Aba, baka kurutin ang utong ko. Masakit pa naman 'yon diba?

"So anyway, what really happened back there? Magsabi ka ng totoo sa'kin babae." Seryoso n'yang saad kaya napaayos ako ng upo. Binalik na naman n'ya kasi ang tanong n'ya sa'kin kanina.

I guess, wala na akong choice kundi magsabi ng totoo.

"So ganito kasi 'yon sir. Ito totoo na 'to ha? Hindi na 'to tungkol sa utong mo." Saad ko at nag iwas siya ng tingin.

"Kumakain kasi sila nun Sir nang maisipan ni Jessica na mag outing, nag plano na sila. Eh diba maid n'yo naman ako na nagpapanggap na girlfriend kaya naka upo lang ako malapit sa kanila. Tapos na silang magplano nun nang biglang sinabi ni Jessica na ako nalang daw ang bibili ng mga kakailanganin para sa outing. Wala raw kasi rito. Tumango naman 'yong dalawa n'yang kasama kasi nga raw eh wala silang alam sa lugar na 'to at baka raw maligaw sila. Ayaw ko sana na ako ang bibili kasi unang una hindi ako sasama sa outing outing nilang 'yon. Pangalawa hindi sila ang nagpapa sweldo sakin para utos-utusan ako at pangatlo diba ang alam nila girlfriend mo ako kaya bakit ako ang utusan nila? Charot joke lang 'yong last sir." Tumigil muna ako kasi wala na akong hangin sa haba ng sinabi ko.

Naramdaman kong parang may nag iba kaya tumingin ako sa mukha ni Sir, galit na galit ito at naka kuyom pa ang kamao. Napalunok ako at nagpatuloy ulit.

"T-Tapos aalis na sana ako nung gini guilt trip ako no Jessica, na kesyo siya nalang daw ang gagawa it's okay lang daw na baka makidnap siya o ma hold up o masagasaan o maligaw. Eh pake ko ba kung may masamang mangyari sa kanya, buti nga meron eh. Pero joke lang ulit, ayaw ko namang ako ang magiging dahilan ng ka OA han n'ya sa buhay kaya nag volunteer nalang ako. Maraming salamat ate Charo 'yan po ang kwento ng aking buhay." Dinagdagan ko nalang ng kung ano ano sa huli dahil nakikita kong galit na galit na si Sir, parang mangangain ng tao. Nakakatakot, nagkasalubong ang kanyang makakapal na mga kilay and he even clenched his jaw! Sinong hindi matatakot?

Sa gitna ng mga titig ko sa kanya, gulat na gulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Dali dali akong nagbaba ng tingin dahil baka ako pagbuntunan ng galit.

"Are you okay? Wala na ba talagang masakit? I'm sorry for what they did. Don't worry I'll make them pay." Marahan n'yang hinaplos nag buhok ko na ikinagulat ko ng malala.

Parang may maliliit na mga kamay ang humaplos sa puso ko dahil sa ginawa at sinabi n'ya. Hindi ko mapigilang matuwa. Masarap talagang makahanap ng taong kayang iparamdam sayo na secure ka sa kanya, na walang pwedeng manakit sayo.

"A-Ano p-po bang gagawin n'yo?" Halos magkanda utal utal ako. Hindi ko parin talaga makalimutan ang kanyang ginawang paghaplos sa buhok ko.

"I'll make them pay." Oo nga naman, sinabi na n'ya 'yan kanina. Paulit ulit ka Daff? Mabilis kong sinapok ang ulo ko, nagiging bobo na minsan eh.

"Stop it." Napatigil ako sa matigas na boses. Nag angat ulit ako ng tingin kaya nagkasalubong ang mga tingin namin, parang hindi ko kayang ibaling sa iba ang mga tingin ko. Parang magnet itong nakatitig din sa mga mata n'ya.

"A-Ang alin po?"

"That, stop hurting yourself. Do you feel something? Do you want me to call a doctor?" Ang OA naman nitong si Sir, pero infairness nakakakilig minsan ang ka OA-han n'ya sa buhay ha.

"N-No thanks Sir hehe. Nababaliw lang po ako k-kaya po ganun hehe." Paliwanag ko at yumuko ulit.

He lifted my chin and I suddenly feel his intense stare na parang sinusuri ang buong pagkatao ko.

"Don't hurt yourself, I won't like it Peaches. Kung may nararamdaman ka just say it to me. Wag kang mahiya. Hindi kita tatalikuran." Seryoso n'yang pahayag.

Jusko Lord, ito na po ba ang oras na mag co-confess na siya sa kanyang undying love for me? Alam ko namang maganda ako pero hindi ko akalaing ganito kaganda.

"S-Sir di pa ako ready, pwede bang pag isipan ko muna? Bigyan mo ako ng time sir para makapag isip. Ang bilis bilis mo naman kasi." Saad ko at pinapaypayan ang sarili.

"What the hell are you saying!?" Parang nabalik ako sa reyalidad ng buhay na isa lang akong maid at amo ko siya. Malayo ang agwat sa pagitan naming dalawa nang bigla siyang sumigaw at tila litong lito sa sinabi ko. Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya.

"Hehe w-wala Sir, a-ay yon! Butiki nag tumbling sa pool ang galing wooo!" Litong lito naman siyang lumingon sa pool at 'yon ang kinuha kong tyempo para umalis. Gago, ayaw ko nang mapahiya ulit. Napaka assuming ko kasi minsan.

*******************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Running Into A Billionaire (Probinsyana series #1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon