CHAPTER 41

2.7K 69 4
                                    

CHAPTER 41

Tumapak ang mga paa ko sa hindi ko kilalang lugar. Isang napakalaking bahay na akala ko sa telebisyon ko lang makikita. Dala ang kaba, dahan dahan akong naglakad para pumasok, dahan dahang binuksan ng dalawang lalaki ang pintuan at halos mapanganga ako sa loob. Napaka eleganteng tingnan, napaka ganda. Halatang mamahalin ang nasa loob ng bahay. Halatang hindi ko afford.

"Finally you're here!" Tita greeted me with a big smile. I smiled back, I know she's expecting me.

"Tita." Mahina kong bati sa kanya.

She extended her arms para yakapin ako.

"Oh darling I miss you. You looked so beautiful. Nahiyang ka sa pagiging nanay ah." She said. Speaking about motherhood, true to his words, my son's operation was successful and tito Jahro paid all the hospital bills.

"Thank you tita." Sagot ko nalang. Hinanap ng mata ko si Jahmal.

Ang lakas ng kabog ng puso ko, I've been thinking about him. Kung anong magiging reaksyon ko. Kung may nararamdaman pa ba ako sa kanya o kung galit pa ba ako. Noong narinig ko ang paliwanag ng papa n'ya alam kong unti unting natanggal ang galit ko sa kanya. Lumipad ako papuntang Dubai dala ng utang na loob sa pagpapagamot ni tito Jahmal kay Zahid.

"Saan po pala si Jahmal?" Lumamlam ang mga mata ni Tita. Para siyang may napakalaking problema. Halos nawala ang ngiti n'ya nang marinig ang pangalan ng anak n'ya. Ano bang nangyari? Bakit ganito ang mga reaksyon nila?

"Iha, Jahmal is different now. He isn't the man you used to know. Please iha, I'm begging you. Be patient on him. He doesn't deserve this cruelty iha. I know you're our only hope, we are counting on you." Kumunot ang noo ko, what is she talking about? What happened to him? Bakit kailangan kong maging patient sa kanya?

"Tita ano ba kasing nangyari? Bakit kung makapag salita kayo parang-----" Napatigil ako sa biglang pagyakap ni tita sa akin.

"See it yourself iha. But please I'm begging you, be patient on him. He changed iha." Kumalas siya ng yakap at pinahiran ang mga luhang kumawala sa pisngi n'ya.

"Dadalhin ka ng maid papunta sa kwarto n'ya, once you'll see him I wish you will still love him the way you loved him before." I was left wondering with tita's words. Hinihintay ko na lamang ang maid na magdadala sa akin sa kwarto n'ya. Hindi nagtagal dumating na ito. Pumunta kami sa isang kwarto, akala ko 'yon na pero hindi. Pagpasok namin bumungad sa akin ang elevator. The maid pressed floor number 5 at halos mapanganga naman ako. Ang laki pala talaga ng bahay nila. Nang makarating na kami roon ay iniwan na ako ng babae.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, If I see him akong sasabihin ko? Mag hi-hi ba ako? Mangungumusta? Aawayin siya dahil sa ginawa n'ya sa akin noon? Sasabihing may anak na kami? Sasampalin siya? Mumurahin? Hindi ko alam! Litong lito ang utak ko! Wait, nandito ako dahil pinapunta ako ni Tito, nandito ako para sa anak ko. Tama tama.

Nangungunang kong hinawakan ang doorknob at dahan dahang pinihit ito.

"Daffodilla? Right?" Napatigil ako sa isang napaka pamilyar na boses. Halos kumulo ang dugo ko dahil sa pag iinit ng tenga ko dala ng boses n'ya.

"Jessica." I said full of coldness. Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?

"Yeah, it's me. What are you doing here?" Hindi ako lumingon sa kanya, kumuyom ang mga palad ko. Nandito na pala si Jessica eh bakit pa nila ako pinapunta rito? Hindi ako sumagot, nanatili lang akong naka talikod sa kanya.

"Hey, I'm talking to you." Still the old bossy Jessica. I gritted my teeth in annoyance.

"Wala akong panahon para sa isang katulad mo Jessica. Lubay lubayan mo ako." Matigas ang boses kong saad sa kanya. She doesn't know what I went through kaya wala siyang karapatang kausapin ako ng ganyan.

"Okay okay chill. I'm not here para mangaway. I'm here for Jahmal. How about you? Ah nandito ka rin para sa kanya? Girl trust me, he isn't fond of visitors. Ako lang ang pinapasok n'ya dahil halos takot sa kanya ang mga tao rito." She said in the matter of conviction.

"Am I asking?" Saad ko. Narinig ko siyang napasinghap kaya napangiti ako at dahan dahang binuksan ang kwarto. Nakita ko siyang nakahiga, his back is facing me at may mga pagkain sa gilid n'ya.

"Don't let me count to 5. Get out of my room." His cold voice sent shivers to my spine. I wonder kung bakit hindi pumasok si Jessica, nakangisi lang siyang nakatingin sa amin. Nagsimula akong maglakad ngunit napatigil ako sa

"I told you! Get out of my room!" Dumagundong ang boses n'ya na nagbigay ng kakaibang takot sa akin. No, no hindi ka pwedeng matakot. You're doing this for your son Daff.

May nahihimig akong kakaiba sa boses n'ya and I am right dahil ang daming alak na nasa paanan ng napaka elegante n'yang kama. Lasing siya.

Naka sara ang mga mata n'ya at naka laylay ang braso n'yang may hawak na bote ng alak sa kama. Nang makita ko ang mukha n'ya he seems like he isn't shaving for ages! Ang haba na ng balbas n'ya. It seems like he isn't taking care of his self. Umupo ako sa kama n'ya at dahan dahang hinila ang kumot.

"Ah right, you're the slut they sent for me? Aww just go away I'm not in the mood right now." Parang dejavu ang lahat, hanggang ngayon ba ganun parin ang bungad n'ya sa'kin?

"J-Jahmal." Mahinang saad ko, dahan dahang dumilat ang mga mata n'ya at ngumiti ng matamis.

"Oh God I'm dreaming about her again. I must be really drunk." His eyes are almost crying.

"But this is the best dream so far, it seems real." Dahan dahang nahuhulog ang mga butil ng luha sa mga mata n'ya. Napatakip ako sa bibig ko. What happened to the strong and mighty Jahmal?

"I-it's me, I'm real." Bulong ko habang unti unting tumutulo ang mga luha.

"Ah right, this is really a dream but I need to make the most of it." He said half smiling half crying. Binitawan n'ya ang bote at buti nalang hindi ito nabasag. Natapon lang ang laman nito. Bigla siyang bumangon at hinawakan ang dalawang paa n'ya.

"Please just this once, cooperate." Pinalo n'ya ang mga paa n'ya na ikinagulat ko.

Dahan dahan siyang umalis sa kama at nagulat ako ng bigla siyang mahulog. Akala ko tatayo siya ngunit nagulat ako nang tumingin siya sakin at umiyak.

"Hey baby even if this is just a dream I want to tell you that I am deeply sorry and I love you so much. Baldado na ako, hindi ko na kayang tumayo sa dalawang mga paa ko. I want to tell you how much it hurts." He fell asleep after he said those words. Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Iyak ako nang iyak sa nakikita ko ngayon. Napapatanong nalang ako sa sarili, was I really worth it?

*******************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Running Into A Billionaire (Probinsyana series #1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon