CHAPTER 44

2.6K 66 10
                                    

CHAPTER 44

"Uulitin ko, where's my son." Hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot akong baka kunin n'ya sa akin ang anak ko. Hindi maaari, hindi ko kakayanin. Mamatay ako.

"Anong ginagawa mo rito!?" Kahit natataranta ako, kahit natatakot ako nagawa ko paring sumigaw. Hindi pwede, ayaw kong kunin n'ya sa akin ang anak ko.

"I'm here for my son." Lumunok ako, something is in my chest. Yes Daffodilla, he is here for his son. Ano pa bang iniisip mo? Na nandito siya para sayo? Wake up! Sinuka ka na n'ya.

"Wala kang anak dito Jahmal." Nagulat ako sa reaksyon at sinabi ni tatay. Ngayon ko lang siya nakitang sumagot.

"Sir, please forgive me. I just want to see my son." Jahmal's eyes are full of pain and sorrows. Nawala ang matigas n'yang anyo.

"You left my daughter pregnant Jahmal. Sa tingin mo may karapatan ka pang makuha o makita man lang ang apo ko? Nagkakamali ka iho, nawalan ka na ng responsibilidad nang iwan mo ang anak ko. Makakaalis na kayo." Tumalikod si tatay at pinuntahan ang silid ng apo ko.

"Narinig n'yo ang sinabi ng itay ko. Umalis na kayo, at please lang Jahmal wag na wag kang magpakita sa'kin ulit." Tumalikod ako at nagsimulang maglakad.

"I'll win you back. I promise." Lumingon ako and smirked at him. "You're too late." He's too late.

Napaka bobo amputa, noong ako ang naghabol tinutulak ako palayo pero noong lumayo ako saka naman maghabol? Anong klaseng utak 'yan. Napaka bobo talaga.

"Hindi ako titigil, babalik kayo sa'kin. Akin lang kayo." Hindi ko na siya pinansin at pinuntahan ang anak ko. Mahimbing siyang natutulog habang may nakakabit parang aparato sa katawan n'ya. Tumulo ang mga luha ko habang nakatitig sa anak ko, ang bata bata pa n'ya pero nararanasan na n'ya ang ganito.

"Just stay strong baby, hindi kakayanin ni mama na mawala ka. Mahal na mahal kita."

May narinig akong papaalis na sasakyan, siguro umalis na sila. Mabuti 'yang umalis nalang sila sa buhay ko at hayaan kami ng anak ko. Wag na silang bumalik.

Nakakapagod magpatawad sa mga taong wala namang planong magbago. Bakit pa sila humingi hingi ng tawad kung hindi naman pala nila babaguhin ang pinaggagawa nila. Useless lang din.

Humiga ako sa kama, siguro naman deserve kong magpahinga na walang iniisip na kahit ano. Umaga na nang magising ako. Saktong 8 ng gabi pala ako nakatulog kaya hindi na ako gumising, pagod na pagod kasi talaga ako. Mabuti nalang at may nurse na nakabantay sa anak ko. Tiningnan ko ang anak kong mahimbing pang natutulog, a nurse is beside him checking his vitals.

"Ikaw munang bahala sa kanya ha, bababa lang ako." Mahina kong saad sa kanya.

"Yes ma'am." She smiled at me at pinagpatuloy ang ginagawa n'ya.

Naligo muna ako bago bumaba. Naabutan kong may nakahanda ng pagkain sa mesa. Nakaupo rin si tatay sa paborito n'yang pwesto sa mesa at nagkakape.

"Hi tay goodmorning." Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Gising ka na pala anak, halika at kumain ka na. Alam kong wala kang kain kagabi, hindi na kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo. Alam ko ring pagod na pagod ka galing sa byahe. " Umupo ako sa tabi ni tatay at kumain.

"Tay aalis pala ako mamaya, may pupuntahan lang. Babalik ako kaagad, ikaw muna ang bahala kay Zahid tay." Nahihirapan ako, ubos na ubos na kasi ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang hirap, gusto kong ilabas lahat ng 'to kasi baka sasabog ako kapag tinago ko pa 'to sa dibdib ko.

"Saan ka pupunta?" Naguguluhang saad ni tatay. Malungkot akong ngumiti sa kanya.

"Wag mo sabihing makipag kita ka kay Jahmal, nako ha tigil tigilan mo ako Daffodilla ha. Hindi kita pinalaking marupok." Grabe naman 'to si tatay, marupok agad.

"Hindi Tay, ano ka ba. Pupuntahan ko lang si Levi. Kailangan ko kasing bayaran ang nahiram ko sa kanyang pera. Baka kasi kailanganin na rin n'ya eh." Saad ko. Tumitig siya sa'kin bago tumango bilang pag sang ayon.

Pagkatapos kong kumain, naghanda agad ako para pumunta sa condo ni Levi. Nang makarating na ako roon pinapasok n'ya kaagad ako.

"Hi, what brings you here?" Bungad n'yang tanong.

"Magbabayad ako ng utang haha, nakalimutan kong may hiniram pala ako sayo para sa operasyon ni Zahid." Nilagay n'ya kaagad sa mga labi ko ang hintuturo n'ya tila pinapatahimik ako.

"Shhh don't mention it. Parang anak ko na rin naman si Zahid. Gamitin mo nalang 'yan para sa kanya. Ito mag kape ka nalang pasensya na kakagising ko lang din." Tinanggap ko nalang ang kapeng bigay n'ya, buti nalang hindi masyadong mainit kaya nagmamadali akong uminom pero sa pagmamadali ko naibuhos ko sa damit ko ang kape. Sakto naka dress pa naman ako.

"Ayan kasi tatanga tanga parang maubusan ng kape." Napatawa ako sa sinabi n'ya.

"Sorry na haha, nagmamadali kasi ako. Uuwi nalang siguro ako." Saad ko at pinupunasan ang matcha sa damit ko gawa nung kape.

"Hiramin mo nalang muna ang t-shirt ko. Labhan mo muna 'yang dress mo sa washing machine tapos I dryer mo nalang pagkatapos." Ginawa ko 'yong pinapagawa n'ya sa'kin. Kinuha ko ang binigay n'yang t-shirt at nilabhan ang damit ko. Nag lalaba ako nang marinig kong may pumasok sa condo. Hindi ko nalang pinansin at sinuot ang t-shirt na bigay n'ya. Sakto at hanggang tuhod ko ito. Nang matapos ko ang pag d-dyer lumabas ako.

"Tapos naaa, saan ko ihahanger? Wala akong nakitang hanger." Malakas ang boses kong saad habang dala ko ang dress ko.

Ngunit nagulat ako paglabas ko, Jahmal is looking intently at me, bumaba ang tingin n'ya sa damit ko pataas sa mukha ko.

"What are you doing here and why are you on his shirt?" I can feel his anger through his gritted teeth. Hindi ko alam kung bakit ako natakot sa tanong n'ya. It was a harmless question pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang mga tingin n'ya tila sinusuri ang buong pagkatao ko. His looks are judging me. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan, diba nasanay na ako sa klase ng tinging ipinupukol n'ya sa akin pero bakit nasasaktan parin ako? I regained myself and throw a cold stare.

"What is it with you? Why are you even asking?" Mahinahon kong saad.

"What is it with me? Seeing you wearing a man's t-shirt is never okay! You're mine!" Napatawa ako ng pagak sa sinabi n'ya.

"Remember? You said it yourself days ago. Umalis na ako. Wag na kitang guluhin so why are you acting like a jealous boyfriend right now huh? Who are you to begin with?" His eyes darted like a knife because of my words. I got him. But his next words struck me.

"Nevermind, kukunin ko naman si Zahid. I'll get my son, I will give him the best medication at wala kang magagawa roon. It's either you'll live with us or hindi mo na makikita ang anak natin. You choose." Tumulo ang mga luha sa mga mata ko. He's such a heartless jerk.

********************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Running Into A Billionaire (Probinsyana series #1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon