CHAPTER 31

2.5K 67 0
                                    

CHAPTER 31

The party ended and so lahat ng mga bisita nagsi uwian na. Pumasok ako sa kwarto ko nang biglang tumawag si tatay sa cherry mobile phone ko. Dali dali ko itong sinagot dahil baka importante.

"Tay hello." Bungad ko sa kanya. Ilang minuto bago siya sumagot kaya hinintay ko muna.

"Nak, happy birthday. Maligayang kaarawan, mahal na mahal kita. Patawarin mo ako kung wala man lang akong maibigay sa iyo. Pero pangako pagdating mo rito anak, babawi si tatay ha? Mahal na mahal kita." Hindi ko mapigilang ang emosyon ko dahil sa sinabi n'ya.

Mula noong namatay si nanay siya nalang ang tanging karamay ko sa lahat ng bagay kaya gagawin ko ang lahat para kay tatay.

"Mahal na mahal din po kita tatay, lagi po kayong mag iingat diyan ha? Papadalhan po kita." Saad ko habang pinapahiran ang mga luhang kanina pa tumutulo. Pagdating talaga sa pamilya ko hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Pamilya muna bago sarili.

"Anak may masama pala akong balita sayo, pasensya ka na kung sa mismong kaarawan mo pa ko ito sinabi." Napatigil ako, iniisip kung ano ang pwedeng masamang balita na sasabihin n'ya.

"Ano 'yon tay?" Kinakabahan kong saad.

"Anak, pinapaalis tayo ni Aljon dito sa lupang kinatatayuan ng bahay natin. Matagal na n'ya akong tinatakot na kapag hindi ko raw sabihin kung saan ka nakatira papaalisin daw n'ya ako rito sa lupa." Hayop talaga ang Aljon na 'yon! Pagkatapos n'ya akong iwanan sa kasal namin! Pagkatapos mamatay ang nanay ko dahil sa kanya ngayon naman gusto pa n'yang makitang nagdudusa talaga ako sa kagagawan n'ya!? Ang kapal ng mukha n'ya! Ngayon ko lang nakita kung ano ba talaga ang muntik kong napakasalan noon! Isang walang pusong demonyo!

"Ano pa bang gusto ng hayop na 'yan Tay!? Kulang pa ba ang pagdurusa natin noon dahil sa kanya!? Ano pa bang gusto n'ya sa'kin!? Sinira na n'ya ako Tay! Wasak na wasak ako tapos ngayon babalik siya na parang walang nangyari!? Eh putangina pala ng taong 'yan tay eh!" Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Matagal ko na 'tong dinidibdib, ngayon ko lang napalabas.

Babalik siya na parang wala lang? Pagkatapos ng lahat? Ang kapal kapal ng mukha n'ya.

"Shhhh tama na anak, makakaya natin 'to okay? Wag ka mag alala kapag napaalis ako rito maghahanap ako ng ibang matutuluyan. Wag kang mag alala sa akin ha?" Mahinahong saad ni tatay.

"Ginigipit din ako ng pamilya n'ya anak, wala naman akong magawa kasi mayaman sila. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan natin sa kanila." Nanginginig kong binaba ang cellphone, galit na galit ako na nasasaktan. Hindi na 'to pwede sobra na ang pang aapi nila sa amin. Binalik ko ang cellphone sa tenga ko at nagsalita.

"Tay, wag na wag kang aalis diyan sa bahay natin. Uuwi ako bukas na bukas. Aayusin ko ang problemang 'yan. Sobra na sila sa panggigipit sa atin. Tayo ang inagrabyado nila noon Tay at hindi na ako papayag na pati ngayon sasaktan nila ulit tayo." Seryoso kong saad habang pinupunasan ang mga luhang nahuhulog galing sa mga mata ko.

"Sige Tay, may gagawin pa po ako." Mahina kong saad sabay patay sa tawag. Hindi ko na kasi kayang marinig ang nakakaawang boses ni tatay.

Bumaba ako at hinanap si Sir Jahmal, kailangan kong mag paalam sa kanya. Kapag hindi ko 'to gagawin si tatay ang kawawa roon at ayaw kong mangyari ulit na api apihin siya ng kung sino sinong walang pusong tao.

Natagpuan ko si Sir Jahmal na naka upo at may pinipindot sa cellphone n'ya. Sinabi ko na kaagad ang gusto kong sabihin.

"Sir," Panimula ko. Lumingon siya sa akin. Kinakabahan tuloy ako dahil nagkasalubong ang mga kilay n'ya. Baka galit pa 'to dahil sa nangyari kanina. "Uhm ano kasi" Na uutal na ako.

"Yes Madame?" Naka hinga ako nang maluwag nang tawagin n'ya akong ganyan.

"Uhm magpapaalam po sana ako na uuwi ako sa amin bukas. May kailangan lang po akong gawin. Importante lang po." Nagkasalubong ulit ang mga kilay n'ya kaya bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko.

"What is it? Is it really important kaya kailangan mo talagang uuwi? Hindi mo ba magagawa 'yan dito?" Lumunok ako at tumango.

"Y-Yes sir." I replied.

"Can you tell me what is this important things you want to do?" Sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari sa akin noon?

Sa totoo lang gustong gusto kong sabihin sa kanya kasi I feel peace when he's around me. Parang siya ang safe place ko. Pumikit muna ako ng mariin at pinakalma ang sarili ko bago nagsalita.

"M-May pamilya po kasing gumigipit sa tatay ko. Pinapaalis si tatay roon sa lupang kinatatayuan ng bahay namin. Kailangan kong pumunta para ayusin." Mahina kong saad habang pinipigilan ang mga luha kong malapit na tutulo. Biglang nagbago ang mood n'ya.

"Sino 'tong pamilya ang gumigipit sa inyo?" Madiin at seryoso n'yang saad.

"Pamilya ng ex ko." Lumabas ang mga salitang 'yan sa bibig ko na parang bulong nalang. Alam kong narinig n'ya ng maayos dahil nagtangis ang bagang n'ya.

"Ex? May ex ka?" Hindi n'ya pimansin ang una kong sinabi.

"O-opo. Ex fiancé sir." Tumitig siya sa akin. Nagulat sa sinabi ko, inilayo ko sa kanya ang tingin ko at pinahiran ang luhang tumulo sa mga mata ko.

"Do you still love him?" Hindi ko mawari kung bakit parang nasasaktan ang boses n'ya habang nagtatanong sa akin ng mga katagang 'yan. Kitang kita sa mga mata n'ya.

"No sir! Of course not! After he left me on our wedding day sa tingin mo mamahalin ko pa siya? Pagkatapos nila akong saktan noon? Pagkatapos akong ipahiya ng pamilya n'ya? No sir. Wala na." Shock is evident on his face. Hindi n'ya siguro inakalang ganun ang nangyari sa akin.

"I-Iniwan ka n'ya sa simbahan? Oh baby." Kahit nanginginig ang boses n'ya dahil sa sinabi ko, nagawa n'ya parin akong yakapin. Doon na bumuhos lahat ng sakit at galit ko na kinimkim ko matagal na.

"Na trauma na ako sir. The trauma he caused on me change me for the worst. Kaya pasensya na kung ikaw  ang sumalo. Pasensya na rin kung takot akong pumasok ulit sa ganyan sir. Natakot lang akong baka ako na naman ang maiwan sa huli. Ako na naman ang masasaktan." Mahina kong saad habang nakayakap sa kanya. Hinahaplos n'ya ang buhok ko, it feels so good. Parang nakahanap ako ng kapayapaan sa kanya.

"Shhh sasama ako sa'yo bukas." Napahinto ako sa pag iyak dahil sa gulat dala ng sinabi n'ya.

*******************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Running Into A Billionaire (Probinsyana series #1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon