CHAPTER 6

3.9K 101 18
                                    

CHAPTER 6

"What you did back there was so epic! HAHAHAHAHA!" Kanina pa tawa nang tawa si Sir Jahmal, kinakabahan na ako sa kanya dahil namumula na siya sa kakatawa. Grabe, paano kaya kung mamatay to kakatawa? Baka ako pa sisihin, nakakatakot naman dito baka mapagbintangan pa ako.

"Ah he he Sir, tama na 'yan okay na wag ka na pong tumawa. Nagiging kamatis na po mukha mo Sir." Mahina kong saad, kinakabahan ako eh. Maputi ang mukha n'ya kaya kitang kita ang pagiging pula n'ya gawa nung tawa n'ya. Gosh.

"HAHAHAHAHAHAHA" Tawa parin siya nang tawa kaya tumawa rin ako para di siya magmukhang tanga.

"HEHEHEHEHEHEHE" Bigla siyang napatigil noong tumawa ako, kumunot ang noo n'ya pero patuloy parin ako sa pagtawa.

"Oh God, you sounded like a witch!" Nahihiya akong tumigil, para raw akong mangkukulam.

"Hehehehe?" Grabe nahihiya na ako, tinulungan ko lang naman siya na tumawa.

"Ohh sige sir, magluluto muna ako ha? Hehe babush!" Dali dali akong umalis sa harap n'ya.

Nagsimula na akong magsaing, ginamit ko ang rice cooker na sinasabi n'ya. Tinuruan naman n'ya akong gumamit nito dahil natatakot siyang baka mangyari ulit ang sunog. Aba, malay ko ba wala naman kasing ganito sa amin doon sa bukid. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ang iba na sabihing taga bukid sila. Ako, hindi ako nahihiya sa katotohanan dahil doon ako nanggaling. Doon ako nagkabuhay at lumaki, bakit naman natin ikakahiya ang ating pagkakakilanlan?

Anyway, nakita kong dumaan sa harap ko si sir na naka topless lang. Grabe ang hot n'ya, ang gwapo pa. Ang sarap pisilin ng utong n'yang pink na pink, no no Daffodilla umayos ka wag na wag mong pisilin ang utong n'ya maawa ka plea--------

"What the fuck are you doing!?" Nabalik ako sa reyalidad ng buhay at nakita ko ang sarili kong pisil pisil na ang dalawang utong n'ya. Oh God lamunin mo nalang ako ng buhay! Lupa nagmamakaawa ako sayo lamunin mo ako ng buhay!

Hindi ko alam kung dahil ba sa inis n'ya sakin kaya mapula ang mga pisngi n'ya o dahil may iba siyang nararamdaman? Ay bobo ka Daffodilla umaasa kang may iba siyang nararamdaman eh ang ganda ganda ng mga dinadala n'yang babae rito! Wag mo kalimutang isa ka lang hamak na kasambahay okay!? Hindi ko mapigilang pagalitan ang sarili ko dahil sa katangahang ginawa ko. Great! Baka last day ko na ngayon sa trabaho.

"L-luh ano ba namang kamay ka bakit mo pinipisil ang utong ni Sir!? Hayop ka pinapahiya mo ako!" Pinapalo ko ang kamay ko habang nakayuko, hiyang hiya na ako sa ginawa ko.

"Get away from me!" Dumagundong ang boses ni sir sa buong kabahayan. Gulat na gulat ako at biglang napaalis sa harap n'ya.

Ang bilis ng kilos n'yang umalis, wari'y galit na galit. Kanang kaba ako at ang daming pawis ang lumalabas sa ulo ko. Ano na naman ba kasing katangahan ang ginawa ko grabe nakakahiya na ito.

Ilang minuto may naamoy akong kakaiba, naku po! Ang sinaing ko! OMG anong gagawin ko? Nasunog na suskomaryusep. Papagalitan ako nito or baka matanggal ako sa trabaho my goodness pero infairness ha ang pink ng utong ni sir. Ay naku naku Daffodilla cut that crap. Isipin mo, maid ka lang ha? Wag assuming wala ka sa isang pelikula.

Naku po anong gagawin ko rito? Sunog na, teka ano bang ginagawa ko sa amin noon kapag nasunog ko ang sinaing ko at para hindi ako mapagalitan ni inay? Pinapakain ko sa mga isda namin! Teka, may isda ba rito? Nilibot ko ang aking paningin at may nakita akong malaking glass na punong puno ng tubig at may lumalangoy na iba't ibang kulay na mga isda. May orange, blue at kung ano ano pa! Tamang tama! Ang talino ko talaga.

Tinanggal ko ang lahat ng kanin sa lalagyan, ang init pa pero nilagyan ko ng tubig at hinayaan na lumamig. Nang lumamig na ito unti unti ko itong pinakain sa mga isda, noong una hindi pa nila ito pinansin pero nang kalaunan unti unti na silang kumakain. Ang saya saya nilang tingnan! Buti nalang ang talino ko.

"Kain na kayo mga fishy fishy cutie okay? Wag mahihiya marami pa roon. Muah muah." Para hindi makita ang mga kaning lumilitaw sa glass, kinuha ko ang iba at dinala sa lababo. Hindi naman kasi nila mauubos 'yon. Nilagay ko sa isang plastic ang natitirang kanin. Hindi naman kasi pwedeng itapon, masamang magtapon ng pagkain.

Iisipin ko lang bukas kung anong gagawin ko sa pagkain, nagsaing ulit ako at this time binantayan ko ito ng maayos. 

Nang tumingin ako sa malaking glass kinakabahan ako dahil nag iba ang kulay ng tubig nito parang may halong gatas na ewan. Hala anong gagawin ko, hindi ko naman siguro yan kasalanan no? Luh bahala na yan jan wala namang ebidensya na ako ang naglagay ng kanin kaya nagkakaganyan ang tubig.

Ilang oras ang lumipas at hinayaan ko lang ang tubig na magka ganun, kinakabahan ako kasi unti unting nawawalan ang buhay ang mga isda. Nakakaawa ang mga isda.

"What the hell happened to my aquarium!?" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Sir Jahmal pero pinagpapatuloy ko lang ang pagwawalis ko alam ko namang hindi ako ang kinakausap ni Sir Jahmal, saka di ko naman alam kung ano ang aquarium na pinagsasabi n'ya.

"Maid come here!" Maid? ako 'yon diba? Dali dali akong pumunta sa kinaroroonan n'ya at nakita ko ang mga walang buhay na mga isda. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"O-oy sir hehe kumusta? Musta buhay hehehe" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kasi ang talas talas ng tingin n'ya sakin wari'y galit na galit at gusto akong sakalin.

"What happened!? Why are they dying!?" Napakurap kurap lang ako kasi sumasakit ang dibdib ko habang makita ang mga lumulutang na mga walang buhay na isda. Bakit siya nagkakaganyan? Kasalanan ko ba? Hindi ko naman alam na magkakaganyan sila eh. Hindi ko namalayan na tumulo na ang mga luha ko habang unti unting lumapit sa malaking glass.

"Patawarin n'yo ako, hindi ko naman alam na magkakaganyan kayo, patawad." Humagulgol ako habang nakayakap sa malaking glass. Ang sakit ng dibdib ko, awang awa ako sa mga isda.

"Hey" May naramdaman akong may humawak sa balikat pero winakli ko ito.

"Yes oo! Ako ang pumatay sa kanila kasi pinakain ko sila ng sunog na kanin! Yes mamamatay isda ako okay!? Pwede mo na akong ipakulong!" Humagulgol ulit ako habang tinuro turo ang sarili ko.

"W-what?"

********************
Hit it dudes
-MissteriousGuile

Running Into A Billionaire (Probinsyana series #1) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon