×××
Xian Point Of View
Bigla ako nagising sa pagkakatulog ng ma realize ko na lahat pala iyon ay panaginip lang.
Napahilamos ako ng mukha at may nakapa sa aking pisnge. Basa ito galing sa aking mata. Umiiyak pala ako habang natutulog at nanaginip ng masama.
Mabilis akong napatayo ng kama habang may pilit na tinatawagan.
"Alice sagutin mo please... Please"
Bulong ko sa sarili habang hindi mapakali sa paglalakad ng pabalik-balik dito sa loob ng kuwarto.Nang sinagot niya ang tawag ko, agad kong tinawag ang pangalan niya.
"A-alice"
Hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga labi ko."Xian? Anong nangyare sa busis mo? Okay ka lang ba d'yan?"
Pag alala niya. Nang marinig ko ang busis niya bigla nalang nanghina ang mga tuhod ko at napa upo sa kama 'tsaka tinakpan ng isang kamay ang mga mata."P-p'wede ba tayong magkita?"
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko.Akala ko mawawala na siya ng tuluyan sa'kin. Akala ko 'di na kami magkikita.
"Sige pero talaga ba'ng okay ka lang?"
Pag aalala nito hindi ako sumagot."Magkita na tayo sa park"
Sagot ko 'tsaka pinatay ang cellphone at nagmadaling nagbihis.Nag text si Alice at sinabing may sasabihin din siya sa akin na ikasasaya ko raw.
Hindi ko ito inintindi at mabilis na umalis ng bahay para pumunta ng park.
Ilang minuto ang nakalipas nandito na ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Alice.
Hindi parin ako mapakali. Wala pa siya at kinakabahan ako baka magkatotoo ang panaginip ko.
Balisang-balisa na hinihintay si Alice na dumating.
Nang makita ko siyang palapit sa akin agad ko siyang sinalubong nangyakap nabigla naman din siya sa ginawa ko.
"Talaga bang okay ka lang?"
Takang tanong nito na may pag alalang busis. Hindi ako umiimik na mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kan'ya."Alice natatakot ako"
Bulong ko sa kan'ya habang nakayakap parin.Gusto niyang humiwalay sa yakap ko pero 'di ko siya pinagbigyan.
"Nag aalala na ako sa'yo ba't ka ba nagkakaganyan?"
Taka nitong sabi. Siniksik ko ang ulo ko sa liig niya."May napaginipan ako. Sobrang sama at napaka sakit"
Bulong ko sa kan'ya."Puwede bang umupo tayo at pag usapan natin iyan?"
Sabi niya sa akin tumango na lamang ako at umupo nga kami sa upuan."Xian hindi ako sanay na gan'yan ka. Talaga bang sobrang sama ng panaginip mo? Okay lang iyan hindi naman totoo ang panaginip. Ang panaginip kabaliktaran lang naman iyan sa realidad"
Sabi nito sa akin ng maka upo na kami sa bench dito sa park."Alam ko iyon Alice pero... Di ko mapigilan parang totoo. Parang pinapahiwatig sa akin na may mangyayareng masama sa'yo"
Sagot ko sa kan'ya nabigla naman siya at napa turo sa sarili niya."Sa'kin? Bakit? Ano bang nangyari sa'kin sa panaginip mo?"
Tanong nito. Ek'wenento ko sa kan'ya ang panaginip ko tungkol sa kan'ya ng marinig niya iyon bigla niya akong niyakap."Ano ba iyan kung ano-ano kasi nasa isip mo kaya nanaginip ka ng masama"
Sermon niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin."Kasalanan ko oo, pero hindi ko maiwasan. Alice, aalis ka iiwan mo 'ko anong iisipin ko? Mag kukunwaring masaya? Paano kung makahanap ka ng iba paano kung hindi kana babalik?"
Hinawakan niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]
RomanceIsang love story ng isang babae at binata. Mag childhood friend sila hanggang sa nagkahiwalay sila ng landas at muling nagkita noong high school, isang kuwento na kailangan magparaya para sa isang kaibigan. Copyright © 2019 By: Imaginary_thinker143 ...