Chapter 27: Hurt Feelings

43 0 0
                                    

×××

Ilang oras na ang nakalipas at nandito parin si Xian sa bahay ko.

Mahimbing itong natutulog sa sofa at ang ulo nito ay nasa hita ko.

Marahan kong pinasadahan ng aking kamay ang kan'yang malambot at itim na itim na buhok.

Naalimpungatan siya at inaantok na napa tingin sa akin.

"Kamusta ang tulog mo?"
Tanong ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko at inilagay ito sa kan'yang pisnge na parang pinapakiramdaman ang init ng palad ko.

"Maayos, mas okay ang tulog ko pag nandito ka sa tabi ko"
Naka ngite nitong sagot. Hindi naman agad ako makapag salita at tinitigan ko lang siya.

Bumangon siya at niyakap ako.

"Dito nalang muna ako. Bukas na ako uuwi"
Sabi niya sa akin. Tinulak ko ang mukha niya palayo.

"Hindi nga puwede! Ilang bisis ko ba sa'yo sasabihin. Paulit-ulit ka naman Xian eh!"
Naiinis kong sabi sa kan'ya.

"Bakit kasi ayaw mo! Dito lang naman ako sa sofa matutulog, sasamahan lang naman kita dito sa bahay niyo!"
Pamimilit niya. Kahit anong sabihin niya hindi ako papayag.

"Alam mo ba bakit hindi ako papayag?"
Sabi ko sa kan'ya. Tahimik lang naman siya na naghihintay ng susunod kong sasabihin.

"Dahil hindi pa tayo mag asawa. Hindi puwede magsama ang lalaki at babae sa iisang bobong na hindi naman kasal! Ano nalang sasabihin ng iba? 'tsaka ang pangit isipin na may pinapatulog akong lalaki sa bahay habang wala ang parents ko!"
Sabi ko sa kan'ya. Parang nainis siya sa sinabi ko dahilan ng sinamaan niya ako ng tingin.

"Para kang matanda kong mag isip. Gusto lang naman kita samahan at wala naman tayong gagawing masama"
Sabi niya sa akin. Napa hilamos ako ng mukha dahil sa kakulitan niya. Gustong-gusto niya talaga akong samahan dito sa bahay.

"Hindi nga kasi puwede. Umalis ka na nga!"
Tulak ko sa kan'ya paalis ng bahay.

"Ayoko! Sinong makakasama mo rito sa bahay?! Paano kung may magnanakaw? Sinong po-protekta sa'yo? Kababae mo pa naman na tao at lampa kumilos!"

Napa angal agad ako sa sinabi niya at nanlalaki ang mata na itinuro ang daliri ko siya.

"Aba! Hindi ako lampa 'no! Atsaka bakit ka nag iisip ng gan'yan! Gusto mo lang matulog dito kaya tinatakot mo ko!"
Sigaw ko pabalik sa kan'ya.

"Hayaan mo na kasi ako na rito matulog!"
Naiinis na niyang sabi.

"Ayoko nga kasi! Ang tigas ng ulo mo!"

"Ikaw ang matigas ang ulo! Ang inisip ko lang naman ay iyong kaligtasan mo"

"Bahala ka na nga d'yan!"
Pagtatampo ko. Suko na ako sa kakulitan ng taong 'to.

Halatang ayaw magpatalo ni Xian eh. Kaya para wala ng gulo hinayaan ko nalang siya.

"Basta 'wag kang aakyat sa k'warto ko. Hanggang dito ka lang sa baba, okay?!"
Sabi ko. Napa ismid siya at tumango na lamang.

Napa buntong hininga na lamang ako.

Kinabukasan.

Mahimbing naman ang tulog ko at sinonod naman ni Xian ang sinabi ko sa kan'ya kahapon.

Bumaba agad ako ng hagdan pagkatapos kong mag ayos ng sarili.

Namataan kong nakadapa si Xian sa sofa at mahimbing parin na natutulog.

Tahimik akong lumapit sa kan'ya para hindi siya magising.

Umupo ako para mapantayan ang mukha ni Xian.

Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon