×××
Nandito ulit ako ngayon sa Convenient Store kasama si Dwayne. Kumakain ulit kami ng mainit na cup noodles na may kasama pang malamig na drinks.
"Magang-maga ang mata mo ah? Ilang araw ka ng umiiyak?"
Tanong nito. Napa buntong hininga ako at napa halumbaba sa table."Mag da-dalawang araw na"
Tipid kong sagot sa kaniya. Napa iling naman rin siya at marahan na hinimas ang balikat ko."Hayaan mo pag nakita ko 'yang gonggong na iyan uupakan ko siya. Ano bang pinag aawayan niyo?"
Naka kunot noong tanong niya. Umayos ako ng upo at kuwenento sa kaniya ang nangyari sa amin dalawa ni Xian."Ganito kasi iyon nag d-date kami ni Xian ng dumating itong si Farra. Tapo--"
Hindi ko na matapos ang pag ku-kuwento ko ng bigla siyang sumabat."Ano nakita niyo si Farra?!"
Gulat nitong sabi. Sinamaan ko siya ng tingin."Hindi!... Kami nga ang nakita niya. Bigla nga niya kami nilapitan pero si Xian lang ang pinapansin, kasama niya iyong lalaki na 'di ko alam kung sino iyon. Boyfriend niya ba iyon o ano. Basta naiinis ako dahil nung makita ni Xian si Farra parang wala ako sa tabi niya na parang may sarili silang mundo. Minamanyak na nga ako ng lalaking kasama ni Farra eh dahil sa kadaldalan nilang dalawa"
Nakasimangot kong sabi sa kan'ya. Namataan kong napakamao ang isang kamay ni Dwayne dahil sa narinig."Sino iyong manyak na iyon. Babasagan ko ng mukha! Hayop iyon ah!"
Sabi niya sa malakas na busis at napatayo pa sa kaniyang upuan.Napa tingin tuloy ang mga tao sa kaniya sa convenient store. Humingi agad kami ng pasensya sa mga taong na destorbo namin.
Umupo ulit si Dwayne at pinakalma ang sarili niya.
"Ano naman ginawa ni Xian. Binugbog ba niya ang manyak na iyon! Kung nando'n ako sisiguraduhin kung katapusan na ng lalaking iyon!"
Nang gigil na sabi niya. Pinakalma ko siya kasi parang lalabas na ang ugat niya sa ulo dahil sa galit."Kumalma ka nga! Oo nasuntok naman niya iyong lalaki. Pero sa huli nagtalo rin kami. Hanggang ngayon nga hindi ko parin siya nakakausap o nakikita basta galit ako sa kan'ya. Ayaw pa niya aminin na may kasalanan siya sa'kin"
Sabi ko. Napa buntong hininga siya at parang na mo-problema rin ng marinig ito."Bakit kasi pumapayag ka pang makipag date sa kaniya. Alam naman natin dalawa kung anong totoong ugali nun"
Sabi niya. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya.Hindi ko nga rin alam sa sarili ko. Basta gusto ko makipag date sa kaniya kahit gano'n man ang ugali niya. Dahil iyon ang nararamdaman ng puso ko. Hindi naman kasi nauutusan ang puso na huwag ang taong iyon ang mahalin mo.
"Oo na kasalanan ko na kung bakit si Xian pa ang tinitibok ng puso ko. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Kusa nalang akong nagmahal sa kan'ya"
Nakasimangot kong sagot. Napa hilamos siya ng mukha at napa dapa ang kaniyang dalawang kamay sa table na parang pagod na pagod."Anong nangyari kasunod?"
Tanong niya."Ayon nag sorry naman siya pero hindi ko siya agad pinatawad. Tinapon ko nga sa pagmumukha niya iyong salamin ko sa mata bago ko siya iniwan. Buti nalang may extra salamin ako sa bag kaya nakakalakad ako ng maayos"
Sabi ko sa kan'ya. Agad naman siyang tumawa."Talaga? Wow! Deserve!"
Masaya nitong sabi at tumawa ulit. Hindi ko alam kung bakit tinatawanan niya ang ginawa ko kay Xian. Sapagkat hinayaan ko nalang siyang tumawa mag isa kahit ang totoo wala naman talagang nakakatawa.Hindi ko masyado edenetalye sa kan'ya ang nangyare lalo na iyong tungkol sa pangungutya ng mga tao sa paligid ko noon. Ayokong kaawaan niya ako dahil doon.
BINABASA MO ANG
Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]
RomanceIsang love story ng isang babae at binata. Mag childhood friend sila hanggang sa nagkahiwalay sila ng landas at muling nagkita noong high school, isang kuwento na kailangan magparaya para sa isang kaibigan. Copyright © 2019 By: Imaginary_thinker143 ...