Chapter 30: Seat by Him

45 0 0
                                    

×××

"Wait Alice, anong ibig mong sabihin?"
Pagka klaro niya sa sinabi ko.

Napa hawak na lamang ako sa noo ko.

Biglang nagbago ang isip ko at mabilis na iniling ang ulo.

"Wala-wala, huwag mo ng isipin iyon. Naguguluhan pa kasi ako ngayon, sorry"
Paghihingi ko ng pasensya sa kan'ya at naka pikit pa ang mga mata na napa iling.

"Hindi naman kita pinagmamadali eh, huwag kang mag alala 'tsaka huwag mo na rin munang isipin iyon. Ang mahalaga, sinabi ko na ang matagal ko ng gustong sabihin sa'yo"
Sagot niya sa akin.

Hindi ako maka pagsalita at inob-ob nalang ang sariling mukha sa unan.

"Nahihiya ako. Sorry ha? 'di ko talaga kaya makipag relasyon eh. Parang takot na akong maramdaman ulit iyong sakit na nararamdaman ko ngayon 'tsaka Dwayne takot din akong mawala ka sa buhay ko kaya gusto ko sanang manatili lang sana tayong magkaibigan"
Kagat ko ang kamay ko dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong nararamdaman.

Na g-guilty ako dahil agad kong ni-reject si Dwayne. Hindi ko makita ang reaction niya dahil sa tawag lang naman ng phone kami nag uusap.

Narinig ko siyang napa buntong hininga.

"Okay lang, basta hayaan mo nalang akong nasa tabi mo; ang alagaan ka, protektahan, pasayahin. Iyon lang sapat na 'yon sa'kin. Kung okay lang sayo— kasi wala naman din akong magagawa eh, hindi ko talaga kayang palitan si Xian d'yan sa puso mo. Kaya sana, kahit kaibigan nalang; hayaan mo na akong gawin iyan lahat sa'yo"
Kalmado niyang sabi. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kay Dwayne. Kung tutuusin napaka perpekto niya bilang maging boyfriend.

Kung magkaka girlfriend man siya in the future napaka suwerte ng babaeng magiging girlfriend nito.

Pero ngayon hindi ko talaga magawang maging boyfriend siya. Hindi pa kasi ako nakaka move on kay Xian at ayokong gawin siyang rebound.

At alam kong maintindihan iyon ni Dwayne kung bakit— ayoko siyang sagutin.

Sana lang talaga kahit ni-reject ko siya walang magbabago sa pagka-kaibigan namin. Natatakot ako baka isang araw bigla nalang siyang magbago at layuan ako.

"Pangako ko sa'yo Alice, palagi akong nasa tabi mo kahit ano pa man ang mangyari"
Sabi nito sa akin napa yuko ako at palihim na napangiti.

"Maraming salamat talaga Dwayne hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka sa'kin. Hindi ko ata kakayanin"
Sabi ko sa kan'ya.

"Paano mo naman iyan nasabi? Kahit kaibigan lang ang turing mo sa'kin. Kahit ang totoo nasasaktan ako sa rejection mo— okay lang sa'kin naintindihan kita. Ni-reject mo lang ako dahil hindi ka pa nakaka move on. Ni-reject mo ko dahil ayaw mong gamitin mo ko. Ni-reject mo ko dahil ayaw mong mawala ang friendship natin. Naintindihan ko lahat Alice kaya tinanggap ko kahit gaano man ito kasakit. Kahit gano'n man hindi parin kita lalayuan. Ayokong mag isa ka; gusto parin kitang makasama— bilang kaibigan mo. Weird nga lang kasi iyong kaibigan mo nagka gusto sa'yo pero huwag mo ng isipin iyon"

Ang bigat ng dibdib ko dahil sa mga sinabi sa akin ngayon ni Dwayne.

Hindi ko tuloy alam kung kaya ko pa siyang harapin ng personal. Natatakot akong makita siyang nasasaktan dahil sa akin.

Hindi naman kasi kadaling makatanggap ng rejection. Ang pagkakaalam ko emosyonal na sakit ang mararamdaman mo pag nakatanggap ka nito. Ang mga pagtanggi ay nakakasira din daw sa kalooban ng isang taong ni-reject, nagdudulot ito ng matinding galit at sinisira nito ang confidence ng isang tao. Sa kasamaang palad, ito ang ginawa ko kay Dwayne ngayon. Kaya hindi ko alam kong kaya ko pa ba siyang harapin sa susunod na araw, maiilang na siguro ako.

Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon