×××
Pahirapan ang team ko sa pagtama ng bula. Marami na din silang points na nakukuha. Samantalang kami ay kunti palang talaga.
Hindi ko inaasahan ang araw na'to ang dati kong kaibigan ay kaaway ko na ngayon
Nahihirapan na kami sa subrang galing nilang mag vollyball at lahat ng mga estudyante na nanunuod sa amin ay pangalan ng section nila ang chine-cheer.
Pagod na pagod na ang ilan sa amin pero pinipilit namin na habulin ang score nila Farra. Limang agwat lang naman at oo ganun talaga sila kagaling na malabo talagang mahabol namin. Pero hindi kami susuko.
Laban lang.
"Kaya natin 'to!"
Sabi ng captain namin inilahad niya ang kamay niya sa amin. Dahil magka harap nga kaming lahat bali pabilog kaya inilapat din namin ang kamay namin sa likod ng palad niya sabay sigaw namin bilang pag sang-ayon na itinaas din ang kamay sa ere na bumalik agad sa laro.Puno ng determinasyon ang mga mata namin sa laro. Kahit si Karen na may inis din sa akin ay nakikisama sa kooperasyon. Hindi na niya ako binu-bully bagkus ay hindi na niya ako pinapansin pero lumalapit parin siya sa akin para sa assignment na gagawin at ako parin ang inaasahan niya doon.
Iba na ang pwesto namin.
Kaya nagsimula na iyong laro. Spike lang kami ng spike ng bula. Pinipilit namin iyong sinasalo na tinitira nila para di iyon bumagsak sa area namin iyong bula.Medyo nakabawi na kami kaya medyo nainis iyong kalaban sa amin hanggang sa mag spike na ang isa sa team ni Farra kasi nasa kanila iyong bula.
Parating ito sa akin kaya eni-spike ko ito pabalik sa kanila. Nagulat akong natamaan si Farra dun dahilan ng sinamaan niya ako ng tingin. Akala ko babaliwalain niya lang pero nagkamali pala ako. Lumapit siya sa akin at ibinato niya ito ng malakas sa mukha ko na kinatigil ng lahat. Natumba ako sa pagkahilo at sakit ng ulo ko. Tumilapon pa iyong salamin ko sa mata kaya ang labo na nung paningin ko. Naramdaman kong may tumutulo sa ilong ko ng hawakan ko isa itong dugo.
May biglang lumapit sa akin sabay hawak sa mga balikat ko.
"Sh*t ayos ka lang ba?"
Pagtingin ko si Xian pala na subrang nag alala sa akin. Isinuot niya agad sa mata ko iyong salamin na pinulot niya agad bago siya lumapit.Hindi ko nagawang tumango sa dami ng dugo sa ilong ko na tumutulo na. Dahil sa nangyari kumuha muna ng sub iyong captain para ipalit ako sa laro. Kasi dinala na nila ako sa clinic.
Binuhat ako ni Xian papunta doon habang ako naman nahihilo parin at nanghihina. Grabi ata iyong pagkatama ko sa bula. Subrang lakas kasi nung pagkatapon ng bula ni Farra sa ulo ko.
"Hija, magpahinga ka lang dyan sabihin mo sa akin kung masakit pa iyong ulo mo, okay?"
Sabi nung nurse ng clinic tumango ako sa kanya.Naka higa na ako ngayon sa higaan. Tapos na din niya akong painumin ng gamot. Nung mawala iyong nurse sa harapan ko lumapit sa akin si Xian at hinawakan ang kamay ko na kinagulat ko.
Subrang bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Puno ng pag alala iyong mata niya habang naka tingin sa mga kamay namin na hawak niya.
"May masakit pa ba sayo"
Sabi niya sa akin at nakita ko na unti-unti niyang itinaas ang tingin niya para tignan ako sa mga mata."Pinag alala mo ako. Alam mo ba?"
Hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Natameme na lamang ako habang nakatitig sa napaka gandang mata niya.Nakakabingi ang tibok ng puso ko.
Biglang napabitaw si Xian sa mga kamay ko ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nun si Dwayne na halata ring nag alala sa akin.
"Alice, okay ka lang ba?"
Bungad niya ng makalapit ito sa akin. Hindi nga niya napansin si Xian na nakatingin sa amin.Tumango ako bilang pag sang-ayon.
"Kunting pahinga lang tapos magiging ayos na ako"
Sagot ko sa kanya na kinabuntong hininga niya."Sorry sa ginawa ni Farra"
Paumanhin niya. Umiling ako."Ayos lang may dahilan naman siya kung bakit niya iyon nagawa"
Sabi ko sa kanya. Napatahimik siya at mapait na ngumiti."Subrang bait mo Alice, salamat kasi kahit ganun ang ginawa ni Farra nagawa mo parin siyang patawarin"
Ngumiti ako sa kanya. Naiiyak, kasi naawa ako kay Dwayne. Siya itong nag s-sorry sa taong gusto niya."Balang araw Dwayne matutunan ka ring gustuhin ni Farra. Kunting tiis nalang"
Sabi ko sa kanya. Mapait na ngumiti si Dwayne at naluha pero mabilis ding inalis iyong luha sa mata niya gamit ang kamay."Sana nga. Kasi iyon lang ang pangarap ko ang magustuhan din ni Farra"
Sabi niya sa akin. Tumango-tango lamang ako habang tinatapik ang balikat niya.Yayakapin niya sana ako ng may biglang pumigil sa kanya. Pag tingin namin si Xian na ang sama ng tingin.
"Bawal. Ako lang pwedeng yumakap dyan"
Sabi ni Xian na kinatawa ni Dwayne pero ako? Ito namumula ang mukha.Tumayo si Dwayne para harapin si Xian.
"Wag mong sasaktan ang best friend ko, importante din siya sa'kin. Maliwanag"
Sabi ni Dwayne sabay tapik nito sa balikat ni Xian at umalis na din ito ng clinic.Napatingin kaming dalawa ni Xian sa isa't-isa. Ilang minuto napa kamot siya ng ulo na umupo sa higaan ko.
"Sasaktan? Gag* pala siya eh wala iyon sa bokaborlayo ko. Pag nagmahal ang isang badboy, totoo"
Sabi niya habang hindi naka tingin sa akin.Natawa naman din ako. Hindi ko alam kong bakit pero natutuwa ako.
Tinignan niya ako ng nakakunot ang noo habang masamang nakatingin sa akin.
"Tinatawanan mo ako?"
Tanong niya. Ngumiti lang ako at umiling."Hindi"
Sagot ko sa kanya. Pero parang mas lalo lang siyang nainis sa sagot ko."Nakita at narinig ko. Anong tawag mo dun, iyak?"
Nakasimangot na sabi niya na kinatawa ko at muli na namang umiling.Tatayo na sana siya sa pagkakaupo sa tabi ko ng pigilan ko ang kamay niya kaya napatingin ito sa akin.
"Natutuwa ako kasi sa dami ng babaeng maganda, sexy at perpekto. Ako na pangit at badoy ang pinili mo"
Sabi ko sa kanya. Napatahimik siya at humarap sa akin.Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya at tumitig ng mataman sa mga mata ko.
"Hindi mata ang ginagamit ko para magka gusto sa isang tao kundi ang puso ko na ikaw na babae ang pinili nito"
Sabi niya na unti-unting lumapit sa mukha ko. Pumikit naman din ako para maramdaman ang labi niyang nakalapat...Sa aking noo.
BINABASA MO ANG
Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]
Любовные романыIsang love story ng isang babae at binata. Mag childhood friend sila hanggang sa nagkahiwalay sila ng landas at muling nagkita noong high school, isang kuwento na kailangan magparaya para sa isang kaibigan. Copyright © 2019 By: Imaginary_thinker143 ...