×××
Alice Point Of View
Pinamulahan ako ng mukha dahil sa ginawa ni Xian.
Hinalikan na naman niya ako.
Ang bilis ng tibok ng puso ko na parang gusto na nitong lumabas sa dibdib ko.
Pakiramdam ko ang saya-saya ko.
Ganito ba talaga ang pakiramdam pag kasama mo ang taong mahal mo?
Ganito bang mag mahal na handa mong isuko ang lahat para sa kan'ya?
Hinawakan ko ang laylayan ng t-shirt niya at tumugon sa kan'yang halik.
Kahit nakakakaba masarap naman sa pakiramdam.
Ang lalaking ito kung totoosin hindi nababagay sa isang tulad ko.
Ako na isang normal lang na babae hindi kagandahan, hindi palaayos, walang hubog ng katawan pero minahal ni Xian.
Matalino siya, guwapo, habulin ng mga babae, halos lahat nalang nasa kan'ya na maliban sa kan'yang ugali.
Pero nagbago na siya hindi na siya masyadong nag susungit, kalmado na rin siyang magsalita pero minsan pilosopo parin siya kung magsalita pero ayos lang nasanay na rin ako, gano'n siya eh at minahal ko siya kahit gano'n ang ugali niya.
Bumitaw siya sa halik namin at hinawakan ang dalawang pisngi ko.
"Mahal kita Alice, mahal na mahal"
Sambit niya at hinalikan ang noo ko.Niyakap ko nalang siya at napa ngiti.
"Mahal na mahal din kita Xian"
Tugon ko.Hapon na at nasa park parin kami at nag-uusap nang napag pasyahan kong umuwi na pero itong si Xian nakahawak sa bewang ko.
"Xian umuwi na tayo"
Sabi ko sa kaniya. Umiling siya at tinignan ako. Nakatayo lang ako habang siya naka upo sa bench at nakayakap sa bewang ko.Nang naging mag girlfriend/boyfriend kami ni Xian nagsisimula itong umasta na parang bata. Gusto mag pa baby ng isang ito.
Hinawakan ko ang ulo niya at hinimas-himas ang kan'yang buhok.
Tinitignan na kami ng mga tao sa paligid.
Dumadami na kasi ang mga tao sa park pagsapit ng dapit-hapon dahil na rin sa sunset at maganda ang tanawin sa park pag gabi dahil sa mga magagandang light shows.
Alam kong napaka guwapo ng ka date ko kasama ang isang pangit na katulad ko. Alam kong hindi kami bagay alam ko.
May narinig pa akong bulungan ng mga tao sa paligid kung paanong naging ka date ko ang isang guwapong lalaki.
Hindi maiwasan dahil napaka attractive ni Xian kahit nakatalikod lang siya ay mapapatingin ka talaga.
Tinignan ako ni Xian ng kanina pa ako tahimik.
Napalagok ako ng laway ng makita ang napaka gandang mata niya ang mapula niyang labi at makinis nitong mukha, ang matangos nitong ilong.
Gusto kong tumili dahil hindi ako makapaniwala na may isang Xian ang magmamahal sa akin.
"Kanina ka pa tahimik d'yan, okay ka lang?"
Tanong nito sa akin. Tumango na lamang ako. Pero ang totoo malungkot ako.Hindi ko maiwasang mabahala na baka isang araw mawawala ang pagmamahal sa akin ni Xian.
"Sige na nga umuwi na muna tayo"
Sabi nito hindi na lamang ako nagsalita at tumayo na rin siya sa pagkakaupo."Ihahatid na kita. Akin na iyong bag mo"
Sabi niya at kinuha ang bag ko. Tinignan niya muli ako at tinitigan na parang may gustong alamin sa kinikilos ko.
BINABASA MO ANG
Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]
عاطفيةIsang love story ng isang babae at binata. Mag childhood friend sila hanggang sa nagkahiwalay sila ng landas at muling nagkita noong high school, isang kuwento na kailangan magparaya para sa isang kaibigan. Copyright © 2019 By: Imaginary_thinker143 ...