Chapter o5: Close

225 7 0
                                    

×××

It's another day for me para pumasok ulit ng school. Dali-dali akong tumakbo dahil masisiraduhan nako ng gate ng school namin.

Napuyat kasi ako kagabi sa kakaisip sa sinabi sa akin ng prinsepeng iyon. Hindi ako makatulog dahil sa plano niya. Tapos pinagbantaan pa ako ng mukong kung humindi ako.

Nakakainis wala tuloy akong choice. Tapos naawa ako kay Dwayne dahil mapapalayo ko pa ata siya kay Farra.

Napatigil ako sa pagtakbo ng may narinig akong sumisigaw. Pag lingon ko iyong terror teacher pala ng school namin.

Tinuturo niya ako tapos tumakbo siya palapit sa akin.

Nang nasa harap ko na siya sinita niya kaagad ako sa uniform kung hindi nakaayos.

Nagmamadali kasi ako kanina kaya hindi ko na alam kung ayos pa ba iyong hitsura ko tapos nakalimutan ko pa iyong ID ko sa bahay.

Napa buntong hininga nalang ako na naglakad sa field na tinuro ng terror. Doon kasi kami paparusahan sa pagiging pasaway namin.

Nakayuko akong naglalakad palapit dun sa ilang mga estudyante na katulad kong nasita din ng Terror.

Nakalinya na din sila dun at kanina pa ata sila pina squats. Tulad nila luminya din ako at nag simula ng mag squat hanggang 100.

Nakakainis never akong nag exercise sa buong buhay ko ng ganito kalala. 100 squats ba naman?! Argh!!.

Habang nag s-squats ako nagulat akong may familiar na tao sa tabi ko. Napa ayos tuloy ako ng tayo ng di oras.

No way...

Nagsimula ng mag bulungan iyong mga estudyante na nakatingin sa lalaking katabi ko.

Kinilig ang mga ito at napapa hanga sa kagwapuhan niya. Like araw araw mas pagwapo ito ng pagwapo.

Anong ginagawa ng lalaking 'to samin. May lahing mangkukulam ata ito para maging perfect sya sa paningin namin eh, ginayuma ata lahat kami.

"What's the look, Alice?"
Sabay ngiti nito ng matamis sa akin. Napa tigil kaming lahat sa ngiti niya at ilang sandali parang gusto ng umusok ng mukha ko sa subrang init nito dahil sa ginawa niya. Napa tili pa iyong mga babaeng kasama namin dito.

Umiwas agad ako ng tingin.

Naka prinsepe mode siya ngayon dahil nasa harap siya ng mga estudyante na kilala siya bilang mabait, gwapo at gentleman in short iyong tipong pang prinsepe talaga ang galawan like yuck! Don't me hindi ako magpapalinlang sayo Mr.Pretender!.

Inayos ko iyong makapal na salamin ko at tinaasan ko siya ng kilay. Piling nag mamatapang lang.

"Pake mo?"
Matapos kong sabihin iyon napatigil si Xian pati ang ibang mga estudyante dito, kasama namin.

Pero maya-maya napa ngiti si Xian.

"Hey, you don't need to be rude with me. I'm just asking you know?"
Cool niyang pagkakasabi habang may ngiti sa labi.

Iyong mga babaeng nasa paligid namin ang sasama na ng tingin sa akin na kulang nalang sugurin na ako sa pabalang na sagot ko kay Xian.

Bumuntong hinga nalang ako ng malalim na kinuha ang bag ko.

Aalis na nga lang ako tutal tapos ko na ang 100 squats.

Nung nasa room na ako. Sinalubong ako agad ng mga ngiti ni Dwayne na binabati ako.

Nginitian ko din siya. Ang cute nyang ngumiti nakikita agad iyong dimples niya. Bagay na bagay sa hitsura niya.

Nang nasa upuan na ako lumapit agad siya sakin.

"Bakit late ka? Kakatapos lang ng first subject natin. Ito oh, hiramin mo nalang iyong notes ko"
Sabay lapag niya ng notebook sa desk ko. Kinuha ko naman ito at ningitian siya.

"Salamat Dwayne, kasi ano... Uhm"
Hindi ko alam ang idadahilan ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na napuyat ako dahil sa plano ng gonggong na si Xian.

"May problema ba?"
Nag aalala nitong tanong sa akin. Bigla tuloy akong napa tingin sa kanya habang natataranta na may naiilang na ngiti sa labi.

"Wala. Napuyat kasi ako kagabi kaya na late ako ng gising"
Naiilang kong pagkaka sagot sa kanya.

Tumango-tumango na lamang siya at hindi na muli nag usisa, nag change topic na lamang kami.

Hanggang sa dumating na si Xian. Iyong mga kaklase kong mga babae agad na lumapit sa desk niya kung saan naka upo na ang kinikilalang prince dito sa campus.

Pinapalibutan siya ng mga babae at kinakausap. Ngingiti-ngiti lang si Xian na parang okay lang sa kanyang makipag usap pero hindi niya ako malilinlang alam kung naiirita na ito sa mga babae dahil sa pilit nitong ngiti.

Napa tigil ako ng napasulyap ang mata ni Xian sa akin at biglang sumeryoso tapos sinamaan ako ng tingin.

Umiwas na lamang ako ng tingin at napa ayos sa salamin ko sa mata. Pag lingon ko kay Dwayne napatigil ulit ako ng nasa harap ko siya. Malapit sa mukha ko.

"D-dwayne ang lapit ng mukha mo"
Hindi mapalagay na sambit ko sa kanya. Nakatitig kasi ito sa akin na parang inuusisa ako.

Napa buntong hininga siya at umupo na ng maayos sa harap ko. Buti nalang wala pa doon ang may ari ng upuan dahil nakikipag landian pa kay Xian. I mean babae iyong nakaupo dun.

"Wala lang hehehe!"
Ngiti niya tsaka siya napa kamot ng ulo sa pagkailang.

Break na at hudyat na iyon ng recess namin. Lumabas agad ako ng room namin para bumili ng pagkain sa canteen. Kailangan kong magmadali bago pa dagsain ng mga estudyante ang canteen.

Wala pa masyadong estudyante doon kaya makakalabas ako ng wala pa masyadong estudyante na gustong manlait sa kapangitan ko.

Inaamin ko pangit talaga ako. As in pangit talaga.

Matapos kong makabili ng pagkain ko nagmadali agad akong lumabas para puntahan ang favorite spot ko iyong school park. Doon ako laging kumakain or tumatambay pag walang klase.

Habang naglalakad ako nabigla ako ng may humawak sa braso ko.

"Hello Alice"
Pag lingon ko si Farra pala. Naka ngiti ito sa akin pero ilang sandali napa simangot.

"Kanina pa kita tinatawag kanina sa canteen di mo ko pinapansin. Umiiwas kaba sa akin?"
Tanong niya. Nabigla naman din ako.

"Huh? Hindi ah. Sorry nagmamadali kasi ako"
Sagot ko sa kanya habang nakayuko ang ulo.

"Ganun? Saan ka ba pupunta? Sama nako"
Nakangiti na niyang sabi. Napa lingon naman din ako sa kanya.

"Eh, bakit?"
Nagtataka kong tanong. Ngiti lang ang sagot niya sabay higit sa akin para maglakad na kami.

"Ay basta may sasabihin ako sayo. Tara na!"
Sabi niya. Wala na din akong nagawa at pinasama ko nalang siya kung saan ako balak pumunta.

Ano naman kaya sasabihin nito sa akin. Parang subrang saya niya ngayon ah.

Nang makarating kami sa favorite spot ko halatang na amaze si Farra sa napaka gandang tanawin dito sa parte ng school park.

"I never came here before. Subrang ganda dito"
Sabi niya sa akin at umupo na sa damo.

Bago ka kasi makapunta dito dadaan ka muna sa masukal na halaman at mapupuntahan muna itong lugar na nag iisa na malaking puno na napapalibutan ng mga bulaklak at paro-paro.

Naalala ko kasi nung tumambay talaga ako sa school park at dumating si Xian ay hindi na ako lagi pumupunta doon. Buti nalang naghanap ako ng tagong lugar at nakita ko 'to.

Dito kasi walang Xian ang makakapunta sa lugar na 'to dahil tago siya. At matatahimik ako dito na walang ibang makakapang gulo sa akin. Tulad nalang ng mapanlait na estudyante na nag mamaganda at tulad ni Xian na suplado at dektador.

Napa buntong hininga na lamang ako at napa tingin kay Farra na nakatingin parin sa paligid na may ngiti sa labi.

Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon