Chapter 35: My Love is in Critical

40 0 0
                                    

×××
XIAN P.O.V

Agad kaming dumiritso ng hospital para dalhin si Alice, nang makita namin siya kanina sa bangin na punong-puno ng dugo sa katawan at walang malay, ay parang nadurog ang puso ko sa sobrang sakit, pagsisisi, takot, at sa sobrang galit ko sa sarili.

Sobrang nagsisisi ako, dahil sa akin nangyare itong lahat sa kan'ya. Kung hindi ko na sana iyon sinabi baka hindi ito nangyare kay Alice.
Nang nasa hospital na kami sinugod agad siya sa Emergency Room. Sa sobrang takot ko sa kung anong mangyare sa kan'ya ay nanginginig ang mga kamay ko.
Hindi ko na rin mapigilang umiyak habang pinagmamasdan ang E.R kung saan eno-operahan na ngayon si Alice.

Habang nakayuko ay nagulat akong may sumuntok ng malakas sa mukha ko, dahilan ng malasahan ko ang dugo ko sa labi 'tsaka ako napa tingin sa kan'ya. Punong-puno ng galit ang suntok na iyon na alam kung galing kay Asher Dwayne.

Pag tingin ko sa kan'ya sumalubong sa akin ang mata niyang nanlilisik at galit na galit na gusto na ata akong patayin, dahil sa mga tingin nito sa'kin.
Hindi ko siya masisisi dahil ang totoo ay ako ang dahilan kaya nangyare ito lahat kay Alice. Dahil sa ginawa ko humantong siya sa ganito.

"Matauhan ka na sana, ipagdasal mong mabubuhay pa si Alice. Kung hindi, huli na para humingi ka ng tawad sa mga ka gaguhan mo"
Nanginginig na boses na sabi nito. Nakita ko unti-unting tumulo ang mga luha sa dalawang mata niya na kanina pa niya pinipigilan.

Napa yuko ako at napa tango na lamang sa kan'ya habang umiiyak na nakasampak sa sahig at nakasandal sa pader, ang kamay ko tinukod ko sa isang tuhod ko at doon itinago ang mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo.

Sobrang pagsisisi ko. Kung hindi lang sana ako naging manhid edi sana hindi mangyayari ito sa kan'ya.

Ilang oras din kaming nag hintay sa E.R, habang lumilipas ang ilang oras hindi ko mapigilang hindi ulit matakot sa mangyayare sa kan'ya. Natatakot akong mawala siya. Ito ba ang pahiwatig sa panaginip ko? Mamamatay na ba ang babaeng pinaka mamahal ko?

Idiniin ko ang pagpikit sa mga mata ko dahil parang madudurog na ang puso ko sa sobrang sakit. Hindi ko kaya.

"Pag babayarin ko ang gumawa nito sa kan'ya"
Bulong ko sa sarili habang nanlilisik ang mga mata. Hindi ako papayag na hindi managot ang taong tumulak kay Alice. Dahil malabong walang tutulak sa kan'ya. Alam ng lahat na bangin iyon at sobrang dilikado pag nilapitan.

"Hindi mo rin ba ako sisisihin sa nangyare kay Alice?"
Namumula ang mga mata na tanong nito sa akin.

"Bakit, sinisisi mo rin ba ang sarili mo sa nangyari sa kan'ya?"
Balik kong tanong. Tumango naman din siya at napa tingala. Katabi ko siya ngayon, kaming dalawa ay naka upo lang sa sahig kahit may upuan naman na malapit.

"Sinisisi ko ang sarili ko dahil ako ang nagsabi sa kan'ya na kausapin ka. Kung hindi ko iyon sinabi hindi ito mangyayare kay Alice"
Napa lingon ako sa kan'ya at napa kagat ako sa ibabang labi habang pinipigilan ang mga luha na nag babadya na namang tumulo.

"Ang babaw ng kasalanan mo. Pa'no naman ako? Ako ang mas makasalanan, dahil sa akin, dahil sa ginawa ko nangyare ito sa kan'ya. Tinaboy ko siya kahit hindi ko man gustuhin. Nagpaka manhid ako dahil sa nagalit ako sa kan'ya. Pero sa kabilang banda sinasaktan ko lang sa huli ang sarili ko. At sinasaktan ko rin si Alice"
Sabay hawak ko noo ko at napa pikit.

"Galit ako sa'yo pero hindi kita magawang kamuhian. Alam mo bang mahal ko na siya?"
Pag aamin niya sa akin kaya unti-unti akong napa lingon sa kan'ya na may kunot noo.

"Anong, sabi mo?"
Hindi maka paniwalang tanong ko sa kan'ya. Tumingin siya ng deretso sa mga mata ko.

"Mahal na mahal ko si Alice"
Pag uulit niya nang marinig ko iyon parang uminit ang dugo ko at kwenelyuhan siya.

Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon