Chapter o1: Campus Prince

1K 17 1
                                    

×××

Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor ng nakayuko nung bigla nalang akong binangga ng mga babae.

"Girls nandyan na iyong prinsepe natin, dalian niyo"

"Kyyaaahhh! Prinsepe namin!"
Sigaw ng mga babae at nagsisitakbuhan na sa likuran ko. Hindi man lang ako napansin ng mga iyon na nakaupo na sa sahig.

Nagkalat ang mga librong dala ko pero iyong kinaiinisan ko tumalsik iyong eye glass ko dahil sa pagbangga ng mga babaeng iyon.

Malabo ang paningin ko pag wala akong eye glass sa mata. Kahit ganun iyong paningin ko pilit kong kinakapa kapa sa sahig iyong eye glass na natanggal sa mata ko.

"Na'san na ba iyon?!"
Bulong ko habang patuloy parin sa pagkapa. Inuna ko iyong paghahanap ko sa eye glass ko kisa sa mga libro kong nagkalat rin sa sahig.

Habang patuloy ako sa pagkapa. Bigla na lamang akong natigilan.

"Kailangan mo ata 'to"
Sabi nung nasa harapan ko. Kahit malabo ang paningin ko alam kong kamay niya ang nasa harapan ko.

Hindi ako gumalaw. Bakit nakaabot ang kamay niya sa akin? Kailangan ba niya ng shake hands?.

Dahil sa tagal kong hindi na shake hands ang kamay niya.

Nagulat akong kinuha niya ang kamay ko at may inilagay siya sa palad ko.

"Sayo 'to diba?"
Mahinahon na sabi niya. Kinapa ko ito ng mabilis kung anong binigay niya sa akin.

Nung malaman ko kung ano iyon. Nakaramdam agad ako ng kaginhawaan.

Eye glass na iyong nasa kamay ko. Matapos niya iyong ibigay sa akin inabot niya din sa akin ang mga libro. Nung nakuha ko tumayo na rin siya at naglakad palayo.

Rinig ko iyong mga babae na nag titilian at parang sinusundan siya.

Sino siya?

Dali-dali kung sinuot iyong salamin ko. Para tignan ang taong iyon pero ng iangat ko ang ulo ko sa pagkakayuko.

Wala na silang lahat. Ako nalang mag isa.

Tumayo na lamang ako sa pagkakaupo ko at inayos ang aking sarili.

Si Xian Yzkeil Perez ba ang tumulong sa akin kanina? Pero bakit? Naawa?.

Sabagay hindi naman siya matatawag sa school na prinsepe kung hindi siya gentleman sa lahat ng mga babae.

Gwapo, matangkad, maamo ang mukha, maputi at makinis ang balat, malinis din sya kung manamit para nga siyang model eh at attractive din siya. Matalino at top 1 sa buong campus.

Actually kaklase ko siya.

Kung itatanong niyo naman ang sarili ko. Isa lang akong nobody dito sa school namin. May salamin sa mata, pandak, tahimik, mahinhin, at... panget.

"Huy! Panget na apat ang mata gawin mo 'tong assignment namin sa math ah! Lagot ka samin pag walang sagot 'to bukas"
Masungit na sabi sa akin ni Karen at nag walk out na sabay hawi sa kanyang mahabang buhok.

Nang makaalis si Karen sunod-sunod na ang mga kaklase kong pinaglalapag ang mga notebooks nila.

Tahimik lang akong nakayuko. Hindi na ako umangal kasi ayoko rin naman ng gulo.

Tsaka sanay nako, ganito naman lagi pag may assignment kami. Ako lagi ang gumagawa ng lahat. Minsan nga hindi na ako makatulog dahil dito.

Kinuha ko nalang ang mga notebooks nila sa desk ko at nilagay ko sa bag ko.

Nung naisara ko na iyong zipper ng bag ko bigla nalang akong nagulat ng may biglang may pumalo sa desk ko.

Pag tingin ko kamay ito. Tinignan ko siya at ang sama nitong maka tingin sa akin dahilan ng natigilan ako at natakot.

Anong... Bakit ganyan siya maka tingin sa akin at bakit nandito siya sa harap ko.

"Ganyan ka ba talaga. Mahinhin, tahimik, at mahina. Hindi mo ba kayang ipagtanggol ang sarili mo"
Mahinahon ngunit nakakapangilabot na sabi niya.

Hindi ako makapag salita. I mean hindi naman talaga ako nagsasalita sa mga kaklase ko.

"Palibhasa kasi panget kaya walang mapagmalaki. Dyan ka na nga!"
Sabi niya at umalis na sa harapan ko para lumabas na sa room namin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi niya ugaling magsalita ng ganun. Ang kinikilalang Xian Yzkeil Perez is mabait sa lahat at gentleman.

Nagpapanggap lang ba siya?... Iyon ba talaga ang totoong ugali niya pag walang taong umaaligid sa kanya?.

Xian Yzkeil Perez- Isang Campus Prince na tinatago ang totoong ugali...

Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon