Chapter 34: Am I Dying?

49 1 0
                                    

×××

Umaga na pero heto ako at magdamag na naka tulala sa kawalan. Nakahiga ako mag-isa ngayon sa loob ng tent. Kagabe, hindi ko katabi natulog si Dwayne at sa labas lang ito natulog— kasama ang batchmate namin na isa sa mga ka teammates niya sa basketball.

Hindi ako makatulog ng maayos dahil lage tumatakbo sa isip ko si Xian. Sobrang nahihiwagaan na'ko sa mga kinikilos niya.

Akala ko, galit siya sa'kin dahil iniwan ko siya. Naalala ko pa nga iyong sinabi niya sa'kin kagabi bago niya ko halikan.

"I hate you Alice, I will not forgive you for what you have done"
Na aasar kong bulong 'tsaka napa irap nalang sa kawalan habang sinasambit ang salitang iyon na sinabi sa akin ni Xian kagabi. Napa simangot ako at napa balikwas ako ng bangon sa inis. Dahil sa ginawa niya hindi ako maka pag isip ngayon ng tama.

Kailangan ko bang umasa na may nararamdaman parin siya sa'kin? Kung aasa naman ako mas lalo lang akong masasaktan? Ano bang dapat kong gawin? Kailangan ko bang linawin ang hinala ko at itanong kay Xian kung anong nasa isip niya, kung anong tingin niya sa'kin? Paano nalang kung awayin na naman ako nun?

Nakakatakot, ayokong isipin niya na hanggang ngayon nag a-assume parin ako na magkakabalikan pa kami. Pero kahit anong isipin ko hindi parin talaga mawala sa isip ko iyong hinalikan niya ako sa kaliwang pisnge. Hindi ba't nakakapagtaka iyon? May tao bang galit na humahalik?!

Sa lalim ng pag iisip ko hindi ko napansin na kanina pa ako tinatawag ng isang tao. Mabilis kong kinuha sa tabi ko iyong salamin ko sa mata para maayos kong makita kung sino iyon, at nang mailagay ko na sa mata ko iyong salamin, pag lingon ko si Dwayne pala.

"Anong ginagawa mo? Okay ka lang ba?"
Nakakunot noong tanong nito sa akin. Napa ayos naman ako ng upo at humarap sa kan'ya sabay tango ko ng ulo.

"Kanina pa kita tinatawag pero parang hindi ka naman nakikinig. May iniisip ka 'no?"
Usyoso nitong tanong sa akin at tuluyan ng pumasok sa tent ko. Kanina kase naka silip lang siya sa tent ko. Iyong ulo niya nasa loob na; pero iyong katawan naman nito kanina— nanatili sa labas ng tent.

"Wala ah!"
Mabilis kong pagtanggi sabay iling ko ng ulo. Pinanliitan niya lang ako ng mata na parang hindi siya kombinsido.

"Parang hindi ka naman natutulog— ang laki ng eyebags mo"
Pag-iiba niya ng usapan. Mabilis ko naman kinapa ang eyebags ko at tinignan siya.

"Hindi ako nagpuyat!"
Muling pagtanggi ko. Napa buntong hininga siya.

"Huwag ka na ngang mag sinungaling sa'kin. Alam ko naman na hindi ka makatulog dahil kay Zkei"
Sabi niya dahilan ng iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya sabay pout.

"Kase naman eh! Bakit kase ang weird niya. Naguguluhan na ako"
Sumbong ko sa naiinis na expression habang naka pout at hindi parin nakatingin sa kan'ya.

"Bakit hindi mo siya kausapin?"
Mungkahi niya na kinatingin ko at hindi maka paniwala sa sinabi niya habang napapakurap na lamang ng mata.

"Seryoso ka ba d'yan? Alam mo naman na napaka arogante ng lalaking iyon, suplado pa. Paano kong ayaw niyang makipag usap sa'kin? Hindi ba nga— wala na siyang pake alam sa'kin?"
Sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masinsinan sa mata na may seryosong expression.

"Walang mawawala sa'yo Alice kung susubukan mo. May dahilan para kausapin ka niya, sabihin mo ang tungkol kagabi, hindi puwedeng walang dahilan iyon"
Sagot niya sa'kin. Tinignan ko lang siya.

"Talaga?"
Paninigurado ko.

"Tsk! Oo nga!"
Naiirita nitong sagot pero kalmado.

"Okay. So— ano, ngayon na ba?"
Habang naka taas ang kilay na tanong ko sa kan'ya.

Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon