Chapter 10: Knowing

160 6 0
                                    

×××

"Psst huy! Pangit!"
Tawag ni Xian sa akin. Bahala siya sa buhay niya, ilang araw na din akong hinahabol ng lalaking ito.

Hindi ko na kasi siya pinapansin kasi gusto ko ng lubayan na niya ako. Pero ito siya ayaw sumuko, naiirita na nga lang ako sa lagi niyang pagtawag sa akin na pangit.

Parang araw-araw nalang pangit nalang ang naririnig ko sa kanya. Kulang na lang ipangalan na niya iyon sa akin.

Mabilis akong naglakad kasi ayokong abutan niya ako.

Papaliko na sana ako sa kabilang side ng corridor ng may biglang pumigil sa braso ko.

Iniharap niya ako sa kanya at nagtama iyong mga mata namin dalawa. Parihong masama ang tingin sa isa't-isa na parang walang gustong magpatalo sa aming dalawa.

"Ilang araw ka ng ganyan ah! Problema mo ba pangit!"
Galit nito na sabi sa akin.

"Iwan ko sayo! Tigilan mo na nga ako!"
Sigaw ko sabay malakas na hinigit ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Bumitaw naman din siya at disappointed na natawa.

"Siguro nasa side ka na ngayon ni Asher nu"
Sabi nito sa akin. Ano naman ngayon sa kanya kung kay Dwayne na ako kumakampi. Magaling pala siyang manghula. Eh bakit kailangan pa niya akong habulin.

"Alam mo na naman pala eh bakit hinahabol mo pa ako?"
Nakataas na kilay ko sa kanya. Sinamaan naman din niya ako ng tingin at muling hinawakan ang braso ko. Pero ngayon subrang higpit na nito humawak at nasasaktan na ako.

Nakatitig lang ito sa mga mata ko habang matalim na nakatingin. Ramdam ko iyong galit niya sa mga mata niya na hindi ko naman maiwasang matakot.

Pero sa kabila ng matatalim na tingin na iyon sa akin ni Xian nakikita ko din sa mga matang iyon na subra siyang nasaktan.

Binitawan na niya iyong kamay ko at walang sinabi na tumalikod siya sa akin at naglakad na palayo.

Hindi ako makapagsalita kasi bigla ko nalang naramdaman ang lungkot sa mga mata niya.

Parang naawa ako bigla.

Matapos ang pangyayaring iyon sa pagitan namin ni Xian hindi na niya din ako pinapansin. Parang hindi na nga ako nag eexist sa paningin niya kung lumagpas sa akin pag magkakasalubong kami sa daan.

Siguro tapos na iyong sa pagitan namin dalawa kahit ilang araw pa kaming nagkakilala. I mean magkakampi dalawa sa binabalak niya. Ngayong wala na ako sa tabi niya, tuloy parin kaya ang panggugulo ni Xian sa relasyon nila Farra at Dwayne?

Ilang araw din ang nakalipas at matagal na kaming walang kuneksyon ni Xian sa isa't-isa. At napapansin ko hindi naman niya ako ginawan ng masama. I mean hindi niya ako binully pagkatapos lahat ng ginawa ko sa kanya.

Natanong ko tuloy sa sarili ko kung masama ba akong tao pagkatapos kung iwan nalang sa ere si Xian. Pero tama naman din kasi iyon dahil ayoko din naman sumali sa masamang plano niya.

Naisipan ko din na makipag usap kay Farra kaya sinama ko siya sa lugar na pinuntahan namin dati kung saan madalas na akong kumakain, sa secret place ko.

Matapos namin kumain dalawa ni Farra at mag usap ng kung ano-ano hindi na ako nag aksaya ng oras at nagsalita na ako tungkol sa kanilang dalawa ni Dwayne.

"May relasyon na ba kayo ni Dwayne?"
Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman din siya at napa buntong hininga na may ngiti parin sa labi na nakatingin sa malayo.

"Meron pero alam mo may gusto akong iba"
Sabi niya sa akin. Nanlaki naman bigla ang mata ko pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya.

"U-uhm, alam ba ito ni Dwayne?"
Naiilang kong tanong. Habang hindi makatingin sa kanya.

"Siguro kasi napapansin mo naman kahit nag d-date kaming dalawa hindi parin mawala sa akin na may gusto akong iba"

"Kaya ba hindi mo pa sinasagot si Dwayne? Sino ba iyong taong gusto mo?"
Sunod-sunod kong tanong. Alam kong halatang naiintriga ako pero hindi ko talaga maiwasang magtanong.

"Oo, pero wag mong sasabihin kay Dwayne kung sino huh?"
Sabi niya at ng humarap ito sa akin para sabihin iyon. Pilit naman din akong tumango. Ngumiti naman din ulit siya at tumingala na sa langit.

"Alam mo kasi ang totoo gustong-gusto ko si Xian"
Nang marinig ko iyon bigla akong napatigil habang nanlalaki ang mata sa gulat.

"Si... Si Xian?"
Nakakunot noong tanong ko sa kanya. Bakit si Xian ang gusto niya at hindi si Dwayne?.

Mahinhin siyang tumawa.

"Hindi ko rin alam eh basta naramdaman ko lang na siya talaga ang gusto ko"
Sagot niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita at tahimik lang ako sa tabi niya.

Paano kayang si Xian ang gusto niya? At akala pa naman ni Xian si Dwayne ang gusto nito. Pag nagkataon na umamin si Xian sa feeling niya kay Farra may posibilidad na maging sila.

Oh no. Kawawa pala dito si Dwayne kung ganun.

Hindi ko tuloy maiwasang malungkot. Ginawa kaya lahat ni  Dwayne para kay Farra kulang na lang itali niya ang sarili niya dito para araw-araw silang magkasama.

"Kung hindi mo masasamain pwede bang malaman kong bakit?"
Alinlangan kong tanong sa kanya. Kisa sagutin ako pinalo niya ako sa braso at natawa..

"Bakit naman hindi kaibigan kaya kita"
Sabi niya sa akin at muling lumingon sa langit habang ninanamnam ang sariwang hangin.

"Natatandaan ko pa nung mga bata pa tayo at si Dwayne pa lamang ang kasama natin, ay may iba na akong gustong maging kaibigan. Isang batang lalaki na hilig mapag isa malamig magsalita masungit at masama ang ugali. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon may kakaiba akong naramdaman sa kanya parang may good side siya na hindi niya lang pinapakita sa ibang mga tao. Sa malayo ko lang siya pinagmamasdan kasi natatakot din ako sa kanya dati. Hanggang sa isang araw na bigla na lamang ako ng pilit mo siyang kinaibigan. Kaya subrang saya ko dahil nakakasama na natin siya nung mga araw na iyon. Kahit subrang sungit niya pilit ko parin siyang kinakausap tulad mo. Hanggang sa umalis ka na para lumipat ng school at tirahan. Nang mag elementary kaming tatlo ni Dwayne at Xian doon ko namalayan na kahit bata pa ako sa araw na iyon alam kong si Xian talaga ang lalaking gusto ko"
Kwento niya sa akin at tumingin sa mga mata ko habang may ngiti sa labi.

"Kahit na may gusto din si Dwayne sayo noon?"
Hindi ko mapigilang sabi ko sa kanya. Mapait naman din siyang ngumiti.

"Oo, lagi ko naman pinapakita kay Dwayne dati na kaibigan lang ang turing ko sa kanya at iba talaga ang gusto ko. Pero sadyang makulit siya eh hindi siya sumusuko"
Natatawang sabi niya sa akin kahit halatang malungkot ito. Siguro naawa din siya kay Dwayne.

"Kaya sana tulungan mo si Dwayne. Tulungan mo siyang mawala ang feelings niya sa akin"





Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon