Chapter 37: Our Kiss without Her memories

52 0 0
                                    

×××

XIAN P.O.V

    Ilang araw na rin ang nakalipas at sa wakas naka labas na rin nang Hospital si Alice.
Mabuti na ngayon ang kalagayan niya pero hindi parin siya nakaka-alala. May mga tahi rin siya sa iba't-ibang katawan pero sabi ng Doctor mawawala rin iyong bakas ng pagkaka tahi pagkalipas ng ilang buwan.

Tulak-tulak ko siya ng wheelchair habang palabas kami. Habang kasunod ko naman si Asher na dala ang mga gamit ni Alice. Iyong parents naman niya nando'n sa pay station ng Hospital para mag bayad ng Hospital bill ni Alice.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"
Tanong ko sa kan'ya.

"Mmm~ okay naman medyo masakit lang ang mga tahi"
Turo niya sa mga tahi na nasa katawan niya.

"Huwag ka mag alala nandito ako. Aalagaan kita"
Sabi ko habang nasa daan ang tingin.

"Huh?! H-hindi okay lang. Kaya ko naman ang sarili ko, 'tsaka nakakahiya"
Mahinang boses na sagot nito habang nauutal, dahilan nang huminto ako at hinarap siya. Lumuhod ako sa harap niya at tinignan siya ng mabuti.

"Sa ayaw at gusto mo aalagaan kita"
Desperado kong sabi. Napa titig naman siya sa akin at hindi maka imik na namumula ang mukha.

"B-bakit mo ba ito ginagawa. Sino ka ba talaga sa buhay ko?"
Seryoso at nahihiwagaan na tanong niya sa'kin.
Mag sasalita na sana ako ng lumapit si Asher sa amin.

"Anong nangyayare rito?"
Bungad niyang tanong nang maka lapit siya at masama pa akong tinignan.

"Wala ka nang pake alam do'n"
Malamig kong pagkaka sagot. Hihilahin na sana ako ni Asher palayo ng bigla siyang hinawakan ni Alice sa kamay.

"Okay lang ako. Nag usap lang naman kami"
Pag tatanggol sa akin ni Alice dahilan ng binitawan na ako ni Asher.

"Sigurado ka ba d'yan? Baka may sinabi na siya sa'yo na masama"
Sabi ni Asher na matalim akong tinignan.
Wala ata siyang tiwala sa akin. Araw-araw nalang pag kasama ko si Alice, bina-bantayan niya ang mga kilos ko. Nakakairita na.

Tumango naman din si Alice bilang pag Oo, na sigurado ito na wala akong kakaibang sinabi.
Itinaas ko ang isang kamay ko para paalisin na si Asher sa harapan namin ni Alice.

"Alis na, nag uusap kami. Destorbo ka eh"
Sabi ko.

"Siguradohin mo lang. Babalikan ko agad kayo"
Turo nito sa akin na may pagbabanta tapos umalis rin ito para maunang lumabas ng Hospital. Lakad takbo ang ginawa niya habang bitbit ang mga gamit ni Alice. Nang hindi ko na makita sa paningin ko si Asher lumingon na ako kay Alice.

"Tungkol naman do'n sa tanong mo. 'Wag mo munang isipin kung sino talaga ako sa buhay mo, ang mahalaga ngayon ay iyong gumaling ka. Pag gumaling kana nang tuluyan; do'n ko na sasabihin sa'yo kung sino talaga ako"
Sabi ko. Ilang beses naman din siyang napakurap ng mata habang naka tingin sa akin.

"Hindi ko ma explain pero kakaiba ang nararamdaman ko pag kausap at karaharap kita"
Napa titig na lamang ako sa mukha niya. Kung gano'n kahit nakalimutan man ako ng alaala niya hindi naman ako mawawala sa puso niya.

"Huwag kang mag alala lage akong nasa tabi mo hanggang sa maalala mo ako. Pero ano nga ba ang nararamdaman mo pag kausap at kaharap mo 'ko?"
Nahihiwagaan na tanong ko habang naka kunot ang noo. Gusto kong malaman kong ano talaga ang nararamdaman niya para sa akin. Umaasa ako na mahal parin ako ni Alice kahit nakalimutan na niya kung sino talaga ako sa buhay niya.

"Ang nararamdaman ko? Kung pag babasihan ko ang puso ko, nakakaramdam ito ng sobrang sakit pag nakikita kita. Pakiramdam ko rin galit ako sa'yo. Tika nga may malaki ka bang kasalanan sa akin?"
Nagtataka nitong tanong habang naka kunot noong naka tingin sa akin. Napa lunok naman ako ng laway sa kaba at umiwas ng tingin sa kaniya.

Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon