×××
Nandito ako ngayon sa convenient store may balak lang na bibilhin.
Nang makita ko ang gusto kong bilhin natuwa agad ako at pinulot ko ito galing sa shelf.
"Ang galing ang daming beauty products dito"
Sambit ko sa sarili. Pumili ako ng isa pero gusto ko rin iyong iba.Hindi ko alam kong anong products ang pipiliin at bibilhin ko, nalilito ako lalo na at first time ko.
Ngayon lang kasi ako makakabili ng mga ipapahid sa mukha kaya hindi ko alam kung ano ang hiyang sa akin.
Bilhin ko nalang kaya lahat?
Habang nag iisip. May bigla nalang na tumabi sa akin paglingon ko nagulat ako at napaurong.
"Ikaw pala iyan Alice. Akala ko namamalikmata lang ako. 'di ba pupunta ka ng Canada? Anong ginagawa mo rito?"
Nahihiwagaan na tanong niya.Niyakap ko siya bigla at humiwalay rin.
Si Dwayne ito na may hawak na cup noodles at isang drinks.
"Hindi kami natuloy eh. Na cancel ang pag a sign ni Daddy do'n sa Canada. Hindi ko nga lang alam kung bakit"
Sagot ko."Oh? Gano'n ba kaya pala. Bakit hindi mo man lang ako tinawagan. Dahil na naman ba ito kay Zkei, pinagbabawalan ka no'n 'no?!"
Sambit niya. Umiling ako ng mabilis.Xian Yzkeil Perez ang kompletong pangalan ni Xian at iyon ang madalas na tawag ni Dwayne sa kaniya.
"Hindi naman sa gano'n. Actually nawala sa isip ko. Tatawagan na nga sana kita nun eh nakalimutan ko lang"
Naka ngiwe kong sabi habang kamot-kamot ang pisngi na parang nahihiya.Napa simangot siya.
"Grabe ka naman nagka boyfriend ka lang kinalimutan mo na kaagad ako"
Pagtatampo niya. Hinampas ko siya sa balikat."Hindi iyan totoo 'no?!"
Sagot ko sa kaniya.Niyaya niya akong umupo sa store kasi may maliit dito na p'westo para sa mga gusto kumain.
Umupo kaming dalawa at binilhan niya rin ako ng cup noodles at drinks.
"Nasa'n na iyong boyfriend mo. Hindi ko ata siya nakikitang nakabuntot sa'yo ah. May tuyo parin ba ang ulo no'n?"
Pagtatakang tanong niya. Tumawa ako."Tuyo? Hindi na ata iyon mawawala sa kan'ya. Minsan tinutuyo parin pag hindi natutupad ang gusto niya. Pinapagalitan nga niya ako minsan eh"
Naka pout kong sabi sa kan'ya bigla niyang hinawakan ang magkabila kong balikat at hiniharap ako sa kaniya."Sinasaktan ka ba niya?!"
Nanlalaking mata na tanong niya na may pag alala sa mukha."Hindi. Actually nagbago na siya hindi na siya tulad ng dati"
Sagot ko."Totoo ba iyan? Hindi naman kapani-paniwala"
Sabi niya at kumain na."Totoo. Sinusubukan niya kaya maging behave. Hindi na siya masyadong nag susungit at nagagalit. Kaya lang minsan hindi niya maiwasan magsalita ng masama. Parang hindi niya kuntrolado pag nagsisimulang uminit ang ulo niya"
Sumbong ko. Tumigil siya sa pag kain at tinignan ako habang hawak ang chopstick."Pag sinaktan ka ng Asher na iyon isumbong mo sa'kin uupakan ko talaga iyon"
Sambit niya. Tumango na lamang ako."Salamat Dwayne ha?"
Sabi ko napalingon naman siya sa'kin ng may pagtataka."Para saan?"
Nakakunot noo na tanong niya."Bilang kaibigan ko?! Ang tagal din kaya natin 'di nagkita pero nand'yan ka parin para sa'kin"
Sagot ko. Humarap siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi dahilan ng magulat ako at nanlaki ang mata.
BINABASA MO ANG
Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]
RomanceIsang love story ng isang babae at binata. Mag childhood friend sila hanggang sa nagkahiwalay sila ng landas at muling nagkita noong high school, isang kuwento na kailangan magparaya para sa isang kaibigan. Copyright © 2019 By: Imaginary_thinker143 ...