×××
DWAYNE'S P.O.V
Kararating lang namin sa isang lugar kung saan kami mag c-camping.
Nang huminto ang bus.
Ang mga estudyanteng pababa ng bus ay napapatingin sa dalawa kong katabi na natutulog parin.
"Grabe, ang kapal ng mukha- nakisandal pa sa balikat ng Prince natin. Look oh! Grrr! Nakakainis"
Bulong ni Karen, ang maldita naming kaklase na number one fan ni Zkei.Zkei ang tawag ko kay Xian. Noong mga bata pa kami ito na ang tawag ko sa kan'ya.
"Shocks! Ang himbing pa ng tulog nung bruha!"
"Oo nga! Ang sarap balagbagin!"
Lumingon ako sa kanila at nag sign ng tahimik gamit ang isang daliri at inilapat ito sa labi ko 'tsaka ngumiti.
Natigilan naman ang mga babae sa akin at biglang namula ang mga mukha at kinilig na umalis nalang.
Tumingin ako sa dalawa na mahimbing parin na natutulog.
Napa iling nalang ako na umalis sa upuan ko at bumaba ng bus; buti nalang maluwang ang space ng mga upuan kaya hindi ko nabangga iyong mga tuhod nila Zkei at Alice.
Nang pababa ako ng hagdan ng bus; doon ko naman nakasalubong si Farra na parang nagmamadali na puntahan si Zkei.
Hindi siya maka akyat kasi nandito ako at nakaharang sa dinadaanan niya.
"Umalis ka nga d'yan! Hinaharangan mo ba ako?!"
Naiinis nitong sabi at pilit akong pinapaalis. Hindi naman ako natinag at nasa kinatatayuan parin."Alam mo Farra, hindi magtatagal at lalabas ang katutuhanan; kung ako sa'yo habang maaga pa itigil mo na iyang kahibangan mo kay Zkei. Pag nalaman niya ang totoo, ano kayang gagawin niya sa'yo"
Sabi ko 'tsaka lumapit sa kan'yang mukha. 2 inches nalang ang pagitan namin. Nanlalaki ang mata niya habang ako naman naka ngiti ng mapang asar.Tumayo ako ng maayos at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon ko.
"Anong pinagsasabi mo?! Nahihibang kana ba? Ito ba ang trato mo sa'kin? Alam mo bang may sakit ako?"
Sabi niya habang pinandadalakan pa niya talaga sa'kin ang 'SAKIT' na word kaya hindi ko mapigilang tumawa habang may pang aasar na tingin."Sigurado ka bang may sakit ka? Hindi ba't stage 3 kana. Bakit mukhang ang lakas-lakas ata ng katawan mo na parang walang sakit na kidney cancer"
Mapang asar na sabi ko sa kan'ya. Ilang bisis siyang napamulat sa kan'yang mata na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko."Malamang umiinom ako ng gamot?! Puwede ba! Kung wala kang paki alam sa akin tumabi ka sa dinaraanan ko!"
Sigaw niya. Hinawakan ko ang braso niya at tumingin sa kan'ya ng deretso."Paki? Sa'yo? Wala naman talaga eh. Pero kay Zkei at Alice may paki ako"
Sabi ko sa kan'ya. Napa singhal siya at napa irap."Alam ko naman may gusto ka kay Alice eh. Bakit mo ba ko pinipigilan? Hindi ba't karamay kita 'di ba dapat tayo ang magkakampi. Bakit mo ito ginagawa sa'kin? Dapat kasi mag tulungan tayo- sa'yo si Alice sa akin si Xian"
Sabi niya sa akin. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kan'ya at hinila siya pababa ng bus at binangga siya doon dahilan ng masaktan siya."Hindi ako katulad mo Farra. Alam ko kung anong nakakabuti. Kung mahal mo ang isang tao dapat siguradohin mong maging masaya siya. Magparaya ka kung hindi ka naman mahal ng taong iyon. Alam mo naman hindi ba? Sila ang para sa isa't-isa. Mahal nila ang dalawa; nang dahil lang naman sa'yo kaya sila naghiwalay eh!"
Sabi ko sa kan'ya na may panlalaki pa na mata.
BINABASA MO ANG
Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]
RomantizmIsang love story ng isang babae at binata. Mag childhood friend sila hanggang sa nagkahiwalay sila ng landas at muling nagkita noong high school, isang kuwento na kailangan magparaya para sa isang kaibigan. Copyright © 2019 By: Imaginary_thinker143 ...