Chapter 33: Spin the Bottle

36 1 0
                                    

    ×××
    Matapos namin kumain ni Dwayne ng dinner. Saktong nag simula na ang gimmick nang tour guide namin.

    Isa-isa na kaming umupo sa lupa. Tinanggal na nila iyong punong kahoy na upuan dahil hindi naman kami magkasya doon lahat. Kaya nakapag suggest ang iba naming ka batch na sa lupa nalang kami umupo. Hindi naman madumi ang inuupuan namin kaya sumang-ayon na lamang kaming lahat.

    Hindi kami magkatabi ni Dwayne dahil iyon ang rules ng laro— na hindi dapat magkatabi ang magka kilala, dahil spin the bottle nga ito. May chance na baka iyong taong kakilala mo pa ang mag magtatanong sa'yo ng truth or dare.

    Ganito ang rules: kung ikaw man ang tinamaan ng bote at kung saan dereksyon naka tuon ang end ng bote na iyon, siya ang mag tatanong ng truth or dare sa'yo. Pag truth ang sinabi mo, mag tatanong ang taong iyon. Pag dare naman ang sagot mo uutusan ka naman nito, at pag hindi mo naman nasunod, kailangan mo kumain ng pulang siling labuyo.

    Habang nag sasalita ang tour guide namin sa mga rules ng game na ito. Naglalaway ako sa siling labuyo. Mababa pa naman ang tolerance ko sa maanghang. Nang mag siupuan na ang iba, namataan ko si Xian at Farra na hiwalay rin nang upuan.

    Habang naka tingin kay Xian; hindi ko maiwasang sumikip ang dibdib ko. Sobrang nasasaktan parin ako sa mga nangyari kanina, gusto na naman tumulo ng mga luha ko sa mata. Hindi man lang ako binabalingan ng tingin ni Xian at parang ayaw niya ako makita sa paningin niya, kaya umiwas na lamang ako ng tingin.

    Siguro nga ay tapos na ang tungkol sa amin dalawa. Talagang tinuldukan na niya— ang kung anong meron sa aming dalawa. Pinipigilan kong hindi tumulo ang luha ko sa mata, hanggang sa napansin ko si Dwayne na naka tingin din pala sa akin.

    Nahahalata niya siguro na hindi ako okay sa sitwasyon na ganito. Punong-puno ng pag aalala ang mga mata niya. Kaya ngumiti na lamang ako ng pilit para hindi na niya ako alalahanin. Pero hindi nagbago ang expression niya subalit; napagpasyahan niyang tumayo para tabihan ako. Na kinagulat ko naman. Umusog na lamang ako habang naka tingin sa kan'ya na umupo sa tabi ko.

"Bakit dito ka umupo? Hindi ba dapat doon ka kasi bawal daw magkatabi ang magka kilala?"
Bulong ko sa kan'ya. Hindi naman siya nakinig at umayos lang ng upo sa tabi ko.

"Ano naman ngayon? Wala na akong ibang itatanong sa'yo; dahil alam ko naman din ang isasagot mo"
Makahulugan nitong sabi. Kinunutan ko lang naman siya ng noo. Alam na niya ang isasagot ko?

"Ano bang itatanong mo sa'kin sakaling magtama iyong bote sa ating dalawa?"
Nagtataka kong tanong sa kaniya. Hindi ko mapigilan hindi mag usisa dahil sa sinabi niya.

"Huwag mo nalang isipin ang sinabi ko. Mag enjoy nalang tayo sa larong ito"
Pag iiba niya ng usapan habang naka tingin sa harap kung saan sisimulan na ang pag iikot ng bote. Nasa gilid lang ito dahil ang nasa gitna namin ay ang malaking camp fire na nagsisilbing ilaw namin ditong lahat.

    Kinakabahan ako habang sinisimulan na nitong ikutin ng isang tour guide ang bote. Habang umiikot ito, at panandaliang napatuon ang dulo ng bote nito sa akin ay hindi ko maiwasan hindi pigilan ang hininga ko sa kaba. Naramdaman kong hinawakan ni Dwayne ang kamay ko kaya napa lingon ako sa kan'ya. Nakita ko siyang ngumiti sa akin.

"Relax ka lang. Laro lang 'to, okay?"
Sabi niya sa akin. Laro lang ba talaga ito? Bakit parang kinakabahan ako sa mga mangyayari?

    Ilang minuto na rin kaming ganito. Marami ng gumawa ng truth or dare. Ilan sa kanila ang truth na personalan na ang mga tanong. Meron naman dare na ipapahiya ka sa harap. Halimbawa nalang sasayaw ka kahit hindi ka naman marunong sumayaw. Kakanta ka kahit sintonado ka naman. Mag a-acting ka kahit napipilitan. Tapos uutusan ka rin nila mag confess ng feelings sa mga gusto mong tao, mga ganoong bagay ba?. Kaya namamawis na ang kamay ko dahil sa larong ito eh. Parang gusto ko ng umatras at huwag nalang sumali.

Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon