×××
ALICE P.O.V
Ilang araw na pero binabagabag parin ako ng mga malabong alaala. Hindi ko alam kung sino ang lalaki na nasa alaala ko. Pag pinipilit kong alalahanin kung sino ang taong ito ay biglang sumasakit ang ulo ko, na kulang nalang gusto kong sumigaw sa sobrang sakit.
Buti nalang may gamot na pain relever kaya hindi na muli sumasakit ang ulo ko. May mga gamot naman ako sa ulo para bumalik ang alaala ko kaya nga lang napaka labo ng image para maalala ko kung sino ang lumalabas sa utak ko.
Kasalukuyan ako na nasa klase at naka upo sa desk habang nag d-discuss ang professor namin. Pero itong utak ko ang layo ng iniisip. Ang dami ko ng iniisip dahil sa mga alaala na laging lumalabas sa utak ko. Hindi ako mapakali, gusto kong malaman kung sino ang lalaking lage na nasa alaala ko.
Merong masayang alaala at meron ding masakit pero feeling ko ako ang may kasalanan. Lumabas sa alaala ko na nakipag hiwalay ako do'n sa lalaki.
Napa buntong hininga ako at napa tukod na lamang ng siko sa sariling desk habang ang kamay ay nasa pisnge na napa tingin sa kisame.
Gusto ko tuloy mag sorry sa lalaking iyon. Ang alam ko boyfriend ko siya dahil nakita ko sa alaala ko na nag hiwalay kami pero hindi ko maalala kung ano talaga ang dahilan ng break up namin."Alice!"
Tapik ng kung sino dahilan ng bumalik ako sa sarili. Pag tingin ko si Dwayne at kasama nito si Zkei na naka sandal sa desk at naka halokipkip ang kamay naka poker face na naka tingin sa'kin.Nilibot ko ang tingin ko sa buong classroom at kami nalang tatlo ang tao.
"Tika nasa'n ang mga kaklase ko? 'tsaka bakit kayo nandito?"
Takang tanong ko sa kanila."Hindi mo ba napansin lunch time na. Kanina pa walang tao rito"
Naka simangot na sabi ni Dwayne. Napa kamot na lamang ako sa pisnge dahil sa pagkailang at pagkahiya."G-gano'n ba sorry, hindi ko napansin"
"Siguro dahil ang layo ng iniisip mo, kanina ka na rin namin tinatawag mukha kang estatwa"
"Tsk! Ang dami niyong sinasabi puwede na ba tayong kumain? Kanina pa ako gutom"
Reklamo ni Zkei. Napa iling naman din si Dwayne sa kaniya at hinarap siya."Kung mauna ka nalang kaya. Nag uusap pa kami"
Masungit na pagkakasabi ni Dwayne. Sinamaan naman siya ng tingin ni Zkei."Asa ka! Alice tara na, iwan natin 'tong kolokoy na'to. Gutom ka na rin ngayon hindi ba?"
Tanong nito sa akin at hinawakan ang kamay ko para umalis na. Tumango na lamang ako sa sinagot niya.Kaya lang biglang hinawakan ni Dwayne ang kabila kong kamay kaya napa tingin kaming pariho ni Zkei kay Dwayne.
"Bastos ka ah! Nag uusap pa nga kami gan'yan kana umasta!"
Sigaw ni Dwayne at humarap ito sa akin."Alice sa'kin kana sumama ililibre kita ng kahit anong gusto mo. Basta hindi natin siya kasama!"
Sabi ni Dwayne at itinuro si Zkei sa malakas na boses at hinila ako palapit sa kan'ya kaya lang hawak ni Zkei ang kabila kong kamay. Parang silang nag t-tug of war at ako ang tali sa pagitan nila. Nagkakasamaan na rin sila ng tingin habang hila-hila nila ako. Pakiramdam ko mapipigtas na ang mga kamay ko sa mga pagkakahila nila sa akin."T-tika lang nasasaktan na 'ko"
Sabi ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin."Bitawan mo si Alice!"
Mariin na sabi ni Zkei."Bakit ko naman bibitawan hindi naman din siya sa'yo"
Pang aasar ni Dwayne. Nagkakainitan na ata ang dalawa ngayon."Please bitawan niyo na ako"
Reklamo ko pero ayaw parin ako pakinggan.
BINABASA MO ANG
Leaving the Campus Prince [ COMPLETED ]
RomanceIsang love story ng isang babae at binata. Mag childhood friend sila hanggang sa nagkahiwalay sila ng landas at muling nagkita noong high school, isang kuwento na kailangan magparaya para sa isang kaibigan. Copyright © 2019 By: Imaginary_thinker143 ...