ㅡㅡㅡ
LamparaAlas dose ng gabi rito sa aking kwarto, hindi ako makatulog dahil sa ingay ng malalakas na pagbagsak ng ulan.
Dalawang oras na ang patuloy at walang tigil na kulog at ulan na tila bumabagyo na, ganoon din ang pagsakob ng kadiliman sa buong bahay dahil nawalan ng kuryente.
Bukod sa kadahilanang hindi ako makatulog dahil sa ingay ng pag-ulan ay doon ako nakaririnig ng ilang beses na pagbagsak at pagdadabog sa labas ng kwarto kung saan nandoon ang peste na hindi ko alam kung anong ginagawa.
Hindi ko itatanggi na nag-aalala ako sa kanya ngunit hindi ko naman magawang lumabas ng kwarto para tingnan kung anong ginagawa niya. Hindi ko magawang lumabas dahil pinapangatawanan ko ang kagustuhan kong mangyari sa kanya.
Balot na balot ang aking katawan ng makapal na kumot dahil sa sobrang lamig ng atmospera. Diretso lang akong nakahiga habang nakatitig sa yero na maingay, ang aking cellphone ay bukas ang flashlight upang magsilbing liwanag dito sa kwarto.
Nasa ganoon akong pwesto ng maalala ko ang nangayari noong Linggo ng gabi, batid kong hindi parin nawawala ang takot ng pesteng iyon sa dilim. Alam ko kung gaano siya takot na takot tuwing biglaang dumidilim ang paligid niya, ako lang at ang sarili niyang katapangan ang nagpapawala sa takot nito sa dilim.
Hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal ako sa oras na ito, napakagat nalang ako ng aking labi at doon mabilis na pinunasan ang luhang umaagos sa aking mata.
Doon ko nalang nakita ang aking sarili na nakatayo sa pintuan ng kwarto upang tingnan ang lagay ng peste na nasa labas.
Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kwarto.
Tulad ng aking inaasahan, pagkabukas ko ng pintuan ay doon nakatayo ang pesteng sa labas ng pinto na tila kakatok dahil nakataas ang kanyang kaliwang kamay habang bitbit ang isang lampara sa kanan niyang kamay.
Binalingan ko ang kanyang mukha na batid kong takot na takot siya sa kanyang kinapupwestuhan. Malalim ang kanyang paghinga at kitang-kita ko ang mga pawis na namumuo sa kanyang mukha. Basa rin ang kanyang buhok na tila lumusob sa ulan.
“Ian” pagbigkas niya sa aking ngalan na hingal na hingal “Okay ka lang? May kailangan ka ba? Nawalan ng kuryente kaya madilim, gusto mo ba nitong lampara?” ang pag-aalala nitong wika.
Dahan-dahan akong umiling habang diretso ang tingin sa kanyang mata “Okay lang ako” tugon ko rito “Ikaw, okay ka lang?” segunda kong wika sa kanya.
Ngumiti ito ng pilit at doon tumango “Okay pa ako, maayos pa” tugon niya habang hingal na hingal.
Tumango akong muli “Sige, tutulog na ako” hindi ko alam kung bakit ito ang nasabi ko sa kanya.
Nakita ko nalang ang aking sarili na dahan-dahang isinasara ang pintuan habang nakatingin parin ng diretso sa mga matang takot ng lalaking iyon.
“Ian” pagtawag niya sa aking ngalan na tila humihingi ng tulong ngunit tuluyan ko nang isinara ang pintuan.
Napapikit nalang ako habang hawak-hawak ng aking kanang kamay ang dibdib kong kumikirot “Anong ginagawa ko? Anong ginagawa mo Ian?” ang aking wika na tila hinihingal din.
Ginusto ko ‘to, kaya papangatawan ko.
Sinaktan niya ako at sinira niya ang tiwala ko. Dapat lang na maramdaman niya kung gaano ako nasaktan sa kanya, kung gaano ako nangulila sa kanya, kung gaano karami ang mga luhang ibinuhos ko sa kanya.
Tama lang ‘to, tama lang ang ginagawa ko.
ㅡㅡㅡ
Alas-tres ng madaling araw.
BINABASA MO ANG
You Look Good Tonight
Romancemarlkrist story Paano kapag ang nagkahiwalay na magkasintahan ay muling pagtagpuin? Paano nila tatanggapin ang mali ng isa't-isa? Paano nila maaapuhap ang sakit na iniwan ng kahapon? Mabubuo kaya nilang dalawa ang nasirang tiwala sa isa't-isa? Itutu...