ㅡㅡㅡ
Welcoming PartyAlas-tres ng hapon sa malawak na pinyahan sa lupain ng mga prutas dito sa Rambo Hacienda.
Sa aking nilalakaran ay matatanaw mo lang dito ang bahay na aking tinutuluyan dahil malapit mismo rito sa pinyahan nakatayo ang bahay na ito.
Kahit tirik ang araw ay bitbit ko ang isang eco bag na naglalaman ng mga tinapay at inumin. Ngayong Huwebes nakatakdang itanim ang mga salo ng pinya, kaya nag kalat sa aking nilalakaran ang mga katatanim palang na mga pinya.
Kaninang umaga ay nasa tatlong-pu ang mga taong nagtutulong-tulong sa pagtatanim dito, ngayon ay nasa kalahati nalang dahil sa katirikan ng araw.
Mabilis lang din akong nakapag-check up kaninang umaga dahil hindi ganoon karami ang mga tao doon sa bahay tanggapan ng prutas, nandito kasi ang karamihan para sa pagtatanim at pagbubuhat ng pinya.
Nakasuot nalang ako ng pambahay dahil bago ako pumunta rito sa taniman ay nagpalit na ako ng damit.
“Magandang hapon po, Senyorito. Ano pong meroon at naparito kayo sa taniman? Tirik na tirik po ang araw” ito ang salubong sa akin ni Mang Andoy nang tagumpay akong makapunta rito sa kanilang sinisilungan na puno ng langka.
“Magandang hapon po Mang Andoy, magandang hapon din po sa inyo” bati ko sa anim na kataong nagpapahinga rito.
“Magandang hapon din po, Senyorito” tugon nila sa akin. Balot na balot ang kanilang katawan dahil sa sikat ng araw. Ang kanilang mukha ay mababatid kong pagod na dahil namumula na ang kanilang balat ganoon din kabasa ang kanilang mga buhok.
“Ito po ang sadya ko sa inyo” doon ko inabot kay Mang Andoy ang dala kong eco bag “Meryenda po muna kayo” segunda kong wika at tila roon sila ginanahan.
“Nako salamat po, Senyorito”
“Salamat po”
“Ayun, salamat po”Iyan ang sabay-sabay nilang pasasalamat sa akin kaya napangiti nalang ako.
“Si Omar po, Senyorito? Hindi niyo po ba hinahanap?” ang nakangiting pagbibiro ni Mang Andoy sa akin.
Nakangiti nalang akong umiling dahil sa kanyang tinuran “Hindi po siya ang sadya ko rito Mang Andoy, kayo po ang sadya ko at halatang pagod na pagod na kayo sa pagtatanim mula pa kaninang umaga” paglilinaw ko naman sa kanya.
Nakangiti lang itong tumango bago siya humarap sa pinyahan at doon may itinuturo sa aking harapan “Iyon po si Omar, Senyorito” wala naman akong nagawa kundi sipatin din ng aking mata ang kinapupwestuhan ng pesteng iyon.
Tulad ng aking inaasahan ay balot na balot ang kanyang katawan.
Nakasuot ito ng itim na jacket at doon nakabalot sa kanyang mukha ang puting damit bilang pangsaga sa tirik na tirik na araw.
“Omar! Omar!” ang pagtawag ni Mang Andoy sa peste kaya napaiwas nalang ako ng tingin “Hinahanap ka ni Senyorito Ian, may dalang meryenda para sa ‘yo! Pumunta ka na rito! Awat na diyan, pahinga ka na muna!” muling pagbibiro ni Mang Andoy kaya napailing nalang ako.
“Pasaway kayo Mang Andoy, baka umasa lang ‘yang lalaking ‘yan” ang natatawa kong wika na ikinatawa ng mga trabahador dito.
“Kaawa naman si Pareng Omar, ilang taon ding bukambibig ang Senyorito Ian natin” sabat ng isang pamilyar na lalaki.
Napatawa nalang ako bago muling tingnan ang pwesto ng peste kanina na ngayon ay humahakbang na papunta rito sa aming pwesto.
Mabilis akong humarap kay Mang Andoy at doon nagpaalam sa kanila “Sige po, una na po ako sa inyo” hindi ko alam kung bakit natataranta ako sa aking wika.
![](https://img.wattpad.com/cover/232163230-288-k360201.jpg)
BINABASA MO ANG
You Look Good Tonight
Romancemarlkrist story Paano kapag ang nagkahiwalay na magkasintahan ay muling pagtagpuin? Paano nila tatanggapin ang mali ng isa't-isa? Paano nila maaapuhap ang sakit na iniwan ng kahapon? Mabubuo kaya nilang dalawa ang nasirang tiwala sa isa't-isa? Itutu...