ㅡㅡㅡ
StubbornEarlier at nine-thirty am, sa bahay tanggapan ng prutas.
Pagkatapos ng pagpapakilala ni Cidrick ay doon na niya ginawa ang kanyang sadya rito sa hacienda.
Saglit na umalis si Jerico upang bigyan niya kami ng oras para mailahad ni Cidrick ang kanyang mga sintomas at nararamdaman sa katawan.
“That’s it Doc, that’s what I’m experiencing for almost ten months. A post covid symptoms” ramdam ko ang sakit sa bawat salitang inilahad sa akin ni Cidrick.
Walang tigil ang aking pagno-notes ng mga sintomas na sinabi niya sa akin.
Napalunok ako at doon binalingan ng tingin ang aking notebook kung saan nakasulat ang mga bagay na sinabi ni Cidirick.
“Okay. So basically ang inilahad mo sa akin is a kind of post covid symptoms na nabibilang lang sa kamay ang mga taong may ganyang case tulad mo” una kong paglalahad habang nakatingin parin sa notebook “Sewage, amonia, garbage at rotten garbage” pagbasa ko sa nakasulat “Lahat ng ito ay ang lasa ng pagkaing kinakain mo” segunda kong wika.
Binalingan ko siya ng tingin at doon ito tumango.
“You possessed a post-covid symptom that distorts the senses so that most foods smell and taste like a sewage, rotting garbage, kalawang at imurnal” muli kong wika.
Tumango ito “I actually developed gastritis dahil diyan sa diagnosis na ‘yan, where every single meal that I take, I was throwing up bile. Isinusuka ko lahat ng mga kinakain ko” tugon niya.
Tumango ako “Cidrick. You have Paros--”
“I have Parosmia, right Doc?” ang pagputol niya sa aking sasabihin na tila alam na alam na niya ang tawag sa diagnosis na meroon siya.
Tumango ako bilang tugon, kitang-kita ko ang pangiti niya nang may pait.
“In TOP Medical Center, fifty percent yung reported na nawala yung parosmia nila within three months and I guess you are the patient na tinutukoy ni Doc Mike na may severe case of parosmia for having it ten months and it’s still on going” ang lahad ko sa kanya.
“And Doctor Mike said that if this still last for a one year, then there’s a chance that I can’t get back to my normal taste” tugon nito sa akin sa malungkot na pananalita.
Tumango ako “I’m sorry Cidrick, but there is no research, there’s no cure for parosmia and the only thing that you have is hope”
“I know all about that Doc. Just like what I said, gusto ko lang marinig yung side mo. I guess you are alright for diagnosing this symptoms that I have” wika niya “Tulad ng sinasabi mong hope, Doctor Ian. I actually find a restaurant slash bakery na palagi kong binabalikan. There’s no cure, but there’s a magic behind the recipe of Chef Jomari” ang nakangiting wika ni Cidrick.
ㅡㅡㅡ
Ala-una na ng tanghali kung saan natapos ang pagtingin ko sa mga trabahador sa bahay tanggapan ng prutas.
Noong umaga rin pagkatapos ng check up ko kay Cidrick ay umalis na siya, gusto lang daw akong makita nito at ilang beses na akong ipinagmamayabang ni Papang sa kanya.
Sa katirikan ng araw ay tatlong minuto akong naglakad pauwi sa bahay na aking tinutuluyan, ang mga gamit ko naman ay sinadya kong iwan muna roon sa bahay tanggapan dahil may kandado at wala namang manganghas na nakawin ang mga gamit ko.
Nakita ko nalang ang aking sarili na binubuksan ang pintuan ng bahay na tinutuluyan ko.
Hindi ko maitatanggi na hanggang ngayon ay hindi mabura sa isipan ko ang mga inilahad ni Cidrick tungkol sa plano ng pesteng iyon bukas o sa Linggo.
BINABASA MO ANG
You Look Good Tonight
Romancemarlkrist story Paano kapag ang nagkahiwalay na magkasintahan ay muling pagtagpuin? Paano nila tatanggapin ang mali ng isa't-isa? Paano nila maaapuhap ang sakit na iniwan ng kahapon? Mabubuo kaya nilang dalawa ang nasirang tiwala sa isa't-isa? Itutu...