Chapter 2

346 20 1
                                    

ㅡㅡㅡ
Ang Peste sa Mansyon

One evening earlier.

"Pustahan tayo isang libong piso, kay Doc Ian nakatingin yung lalaki"

"Sige pusta ako, bulag 'yang lalaking 'yan"

Alas sais y media na at nakatayo ako sa Nurse station ng General Surgeon Department ngayon dahil nag hihintay kami ng mga pasyenteng dadating.

Pasalamat kami dahil walang masyadong pasyente ang aasikasuhin dahil hindi pa rin kami lubos na nakakapag pahinga ng maayos dulot ng katatapos lamang ng mahigit isang taong pandemyang covid-nineteen dito sa Pilipinas.

Kahit hindi sakop sa propesyon namin bilang General Surgeon ang nasabing virus ay wala kaming nagawa kung hindi ang tumulong na sa pag aasikaso ng mga pasyenteng positibo sa virus dahil sa kakulangan ng facility at doktor noong dumagsa ang pagtaas ng kaso.

Alam niyo ba na ang covid-nineteen ang naging paraan para mamulat ang mga nagbubulag-bulagan? Dito natin nalaman sa pandemyang iyon kung sino talaga ang mga karapat-dapat na umupo sa posisyon doon sa gobyerno.

"Kylo pustahan talaga tayo na kay Doc Ian nakatingin yung lalaki." napaigtad ako ng marinig ko ang dalawang kambal na nurse na patuloy ang kanilang kulitan at pag-yayabangan sa aking likuran.

Nasa harapan kasi ako ng station at counter nila at nakatalikod habang suot-suot ang puting doctor gown na kung saan nakapatong sa kulay itim kong polo at black pants na pang-ibaba.

"Mali ka! Bulag talaga 'yang lalaki, Mylo! Tingnan mo hindi pumipikit" wika naman ng isa pang kambal. Si Mylo at Kylo na sobrang kukulit na mga nurse.

Kanina pa sila nag tatalo dahil sa kanilang nasasaksihan.

May isa kasing lalaki na nakaupo sa bench ng waiting area rito sa loob General Surgeon Department.

Pinagtatalunan nilang dalawa kung kanino ba talaga nakatingin ang lalaking iyon, kanina pa kasi siya nakabaling ng tingin dito sa aming pwesto na ilang metro lang ang layo.

Nakatingin lang din ako sa lalaki dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa kanya.

"Mukhang probinsyano, mistiso, gwapo at mukhang masarap." wika ng binabaeng si Mylo na tila kinikilig pa.

"Sige paandarin mo na naman 'yang kabaklaan mo." segunda naman ng straight pa sa pole na si Nurse Kylo "Ang sabihin mo mukhang probinsyano at mukhang gago." hirit pa nito na ikinainis lang ni Nurse Mylo.

"Sus! Basta pusta akong kay Doc Ian nakatingin 'yang lalaki! Doc kilala mo ba 'yan?" muling wika ni Nurse Mylo at doon pa tinawag ang aking pansin.

Umiling nalang ako habang diretso parin ang aking tingin doon sa sinasabi niyang mukhang probinsyano.

"Hindi ko siya kilala." tugon ko kay Nuse Mylo habang diretso parin ang aking tingin sa kanya.

Sakin ba talaga nakatingin ang lalaki?

Malapad ang pagkakangiti niya habang nakasuot ito ng asul na polo at nakasuot din siya ng black pants na pang-ibaba. Tila pupunta siyang job interview dahil sa suot niya.

You Look Good TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon