ㅡㅡㅡ
Tatlong Puting RosasAlas-otso ng umaga.
Love is a gamble, not a game because you are supposed to take some risk not play 'yan ang nabasa ko sa isang website na punong-puno ng hugot patungkol sa pagmamahalan.
Madami pa akong nababasa roon, mayroon pa nga na ang pagmamahal ay isang laro dahil may mga natatalo at may nanalo.
Tapos meron pa na love is like a journey, love is like an animal and love is like a food.
Pero ikaw? Kung tatanungin ka na anong tingin mo sa love, anong isasagot mo?
Kasi ako?
Kung ako ang tatanungin kung anong tingin ko sa love ang isasagot ko ay "Love is like a Panghimagas"
Ang paborito kong pang himagas na Halo-Halo!
Bakit Halo-Halo ang tingin ko sa pagmamahal?
Dahil nandoon na lahat ang mga sangkap na bumubuo o nagpapasarap sa isang panghimagas na maihahalintulad mo sa isang pagmamahal.kung saan halo-halo na rin ang mga sangkap na bumubuo sa salitang pagmamahal.Pero alam niyo ba na kapag kulang ang sangkap ng isang Halo-Halo ay hindi mo malalasap ang tunay na sarap ng panghimagas na ito, dapat kumpleto, walang kulang at walang labis.
Tulad ng pagmamahal hindi dapat nagkukulang at hindi rin lumalabis.
Ang pagmamahal ay hindi lang puro saya.
"Yes this it! Malaya na tayo! Magagawa na natin ang lahat ng gusto natin!"
"Anong gusto mong ulam natin mamaya? Isaw? Betamax? Porkchop? Alam mo bang may tindang Halo-Halo ngayon sila Regina? Ibibili kita mamaya!"
"Hindi! Hindi! Bawas-bawasan na natin ang pagkain ng street food dahil nakakasama ito kapag araw-araw, may gulay naman kayong pinitas sa taniman kaya 'yan nalang siguro lutuin natin, bulanglang na gulay!"
"Okay po Doktor Ian! Masusunod po ang utos niyo, pero teka? Kailan natin kukuhanin yung TV niyo? Baka malagpasan natin ang inaabangan nating palabas"
"Bukas nalang, baka gabihin pa tayo sa daan"
Ang pagmamahal ay hindi lang puro ligaya.
"Ipangako niyo sakin na aalagaan niyo itong bahay natin, dahil pinamana pa sa 'kin ito ng mga lolo at lola niyo, mangako kayo"
"Pangako Mamang"
"Aalagaan ko po kayong dalawa ni Tito, aalagaan ko po si Ian at aalagaan ko rin po itong bahay niyo"
"Baka naman magtampo ang mga magulang mo niyan, sila rin dapat ay alagaan mo lalo na ang Nanay mo"
Ang sangkap na saya at ligaya ng pagmamahal ay may kaakibat na lungkot at takot.
"Bakit naman ganun yung sinabi mo sa harapan ng mga kaibigan mo? Napaka-insensitive, parang hindi mo ako kilala ah"
"Ayoko lang malaman nila na ano...na bakla ako!"
"Ikaw? Sarili mo na naman ang iniisip mo, hindi mo ba alam kung anong nararamdaman ko?"
BINABASA MO ANG
You Look Good Tonight
Romancemarlkrist story Paano kapag ang nagkahiwalay na magkasintahan ay muling pagtagpuin? Paano nila tatanggapin ang mali ng isa't-isa? Paano nila maaapuhap ang sakit na iniwan ng kahapon? Mabubuo kaya nilang dalawa ang nasirang tiwala sa isa't-isa? Itutu...