ㅡㅡㅡ
Masarap na Tinola"Ian, maari ko bang malaman kung anong magiging schedule mo?" pagtatanong ng lalaki sa aking tabi.
Nandito na kaming dalawa sa harapan ng bahay habang nakasakay sa mini truck na pag mamay-ari ng produksyon sa prutas.
Hinintay ko pa siya kanina rito dahil kinuha pa nito ang truck na gagamitin namin papunta sa unang bahay tanggapan.
Hindi kasi kakayanin kung sasakay lang kami sa motor, dala-dala ko kasi ang maleta na naglalaman ng ilang mga gamot na posible kong maibigay sa kanila.
May emergency kit din sa aking bag na naglalaman ng ilang medical tools kung sakaling may hindi inaasahang pangyayari.
"Ian, sabi ko kung puwede kong malaman ang schedule mo?" wika pa niya sa akin ngunit hindi ko ito pinapansin.
Nakabaling lang ang aking atensyon sa librong medikal na aking binabasa.
Hindi pa kami umaalis dahil nga tinatanong niya kung anong magiging schedule ko sa buong Linggong pananatili ko rito sa hacienda.
Hindi ko ba alam sa kanya kung bakit pormang-porma siya sa suot niyang white polo at brown shorts, naka sandals pa siyang itim at may suot-suot na black shades sa mata na akala mo ay invited sa outing ngunit wala namang ambag.
"Ian, tinatanong kita kung anong magiging schedule mo, parang wala akong kausap. Para na akong tanga" muling wika ng lalaki ngunit 'di ko ito binibigyang pansin.
Patuloy lang ako sa pagbabasa.
Hindi ko siya masisisi kung mag mukha siyang tanga diyan dahil anong sabi niya sa akin kanina?"Kahit mag mukha pa akong tanga sa harapan mo ay titiisin ko basta maging akin kang muli" So? manigas siya diyan!
"Ian, anong schedule mo?" tila pagsuko na ang tono ng boses niya kaya doon na ako nagsalita habang titig parin sa aking libro.
"Linggo at Lunes ay sa hayop, Martes at Miyerkules sa---"
"Bagalan mo naman Ian!" pagsigaw niya ang pumutol sa mabilis kong pagsasalita kaya ito'y binalingan ko ng tingin.
"Close tayo?" sarkastikong wika ko sa kanya habang naka taas ang aking kilay "Kung makasigaw ka diyan akala mo close tayo" huling wika ko sa kanya bago ko muling ibalik ang aking baling sa pagbabasa.
"Pasensya na po" paghingi nito ng tawad kaya itinuloy ko nalang ang aking ginagawa.
"Ian, puwede bang malaman ang schedule mo? Pero dahan-dahanin mo naman ang pagsasalita dahil hindi ko kayang magtipa ng mabilis sa keyboard ng cellphone ko" muli niyang wika sa akin kaya napailing nalang ako.
Pinaghintay ko siya ng ilang minuto at doon na ako nagsalita ng maayos habang patuloy akong nagbabasa.
"Sunday at Monday doon sa produksyon sa hayop, Tuesday at Wednesday sa produksyon ng gulay tapos Thursday hanggang Sabado rito sa produksyon ng Prutas" pagsasalita ko sa kanya at doon nalang ako nakarinig ng mahihinang bungisngis.
Dahan-dahan kong binalingan nang tingin ang peste at doon ko siya nakitang nakangiti ng matamis habang ang kanyang cellphone ay nakatutok sa aking pagmumukha.
"Anong ginagawa mo?" seryosong tanong ko sa kanya at doon siya natatawang sumagot sa akin.
"Ang bilis mo kasing magsalita kaya kinuhanan nalang kita ng bidyo" nakangiti niyang tugon sa akin dahilan para muling mag taasan ang aking kilay at doon kumunot ang noo.
"Anong trip mo? Akin na nga 'yan!" aktong kukuhanin ko sa kanya ang phone ay doon niya hinarang ang kanyang kamay sa aking mukha.
"Hep! Hep! Walang pakialamanan ng personal na gamit" parang gago niyang wika sa akin at mabilis niyang ibinulsa sa short ang phone.
BINABASA MO ANG
You Look Good Tonight
Romancemarlkrist story Paano kapag ang nagkahiwalay na magkasintahan ay muling pagtagpuin? Paano nila tatanggapin ang mali ng isa't-isa? Paano nila maaapuhap ang sakit na iniwan ng kahapon? Mabubuo kaya nilang dalawa ang nasirang tiwala sa isa't-isa? Itutu...